Chapter 12

8.8K 288 20
                                    

Chapter 12

Kash's POV

Buong araw na naroon kami ni Kylan sa tagpi-tagping kubo, hindi pa kami kumakain at hinintay pa namin tumigil ang ulan. 

Lumipas ang maraming oras ay kumukulo na yung mga tiyan namin ngunit wala kaming magagawa dahil delikado pag umalis kami sa tinutuluyan namin ngayon. 

Hanggang sa..

"Kash.. nakikita ko na yung langit." Pagbibiro ni Kylan. 

"Leche nga, tara na." Lumabas na kami ni Kylan matapos isuot yung damit namin. Halata sa mga mukha namin ang pagkagutom. Abutin ba naman kami ng isang araw bago pa tuluyang makaalis..

3rd day na ngayon ng trip at pabalik na kami sa guest house. Hindi na kami tutuloy sa pag-akyat dahil paniguradong maputik ang daan.

Tinitignan ko lang ang likod ni Kylan habang naglalakad kami..

Laging siya ang nauuna.. laging ako ang nahuhuli.

Hindi ko makita ang ekspresyon nya. Ano kayang iniisip nya sa ngayon? 

Bigla nalamang sya napatigil nang marinig ang tunog ng kalamnan ko. Nagugutom na talaga ako kagabi pa.

Tumingin siya sa akin, "malapit na tayo kaya tiisin mo muna." tsaka ngumiti, napatango nalang ako bilang sagot.

"Kylan.." bulong ko.

"Bakit?" Napatingin nalang ako sakanya. Akala ko hindi nya maririnig..

"Gusto kong kumain ng luto mo pagdating natin." Nakayukong dagdag ko.

Nabigla sya sa sinabi ko pero ngumiti sya, "anong gusto mo kainin?" 

***

"Kayong dalawa!" lumapit agad ang guide sa amin nang makita kami. Nakabalik narin kami sa wakas sa guest house..

"Mabuti naman at okay lang kayo, asan ba kayo nanggaling? Akala namin tinangay na kayo ng ulan! Mabuti nalang at suot niyo pa yang wristband niyo.." Mukhang alalang-alala ito dahil sa hindi namin pagbalik..

"Pumasok muna tayo tsaka namin sasabihin yung nangyari." Sabi ni Kylan at pumasok na kami sa loob ng guest house.

Naligo muna ako't nagpalit ng damit habang si Kylan ay pinagluluto ako doon sa staff's area.

Sinabi sa amin ng guide na wala nang gagawing activity ngayong third day para makapagpahinga kami ng maayos. Salamat naman at mukhang ayos lang ang pakiramdam ko, ayoko pa namang magkasakit ulit.

Matapos kami magsabay ni Kylan sa pag-kain ay dumiretso agad ako doon sa room na tinutuluyan ko.

Naghihintay si Evan doon habang nakahiga sa higaan niya't nagbabasa ng libro.

"Anong oras kayo dumating?" tanong ko sakanya.

"Hm.. Hindi na namin tinuloy yung pag-akyat nung biglang umulan tsaka dumiretso na agad kami dito nung makita namin yung iba pa naming kasama." Paliwanag niya habang nililipat ang pahina ng kanyang libro.

"Ganun ba." Napaupo nalang din ako sa higaan ko.

"Nga pala, amin na yung cellphone mo. Ako na bahala mag-ayos." Sinara niya yung libro niya't inabot sakin yung kamay nya.

"Yah sure. Ikaw may kasalanan kung bakit 'to nasira no." Binigay ko na sakanya yung cellphone ko matapos itong kunin sa lalagyan nito.

Tinignan ko yung dalawa pa naming ka-roommate, natutulog pa sila ngayon.

Pounding Heart [VOL. 2]Where stories live. Discover now