Simula

1.8K 115 1
                                    

Kendra's POV

"Mom, you can't do this to me! Alam mong ayaw na ayaw ko sa pamilyang iyon!" galit na sigaw ko kay mommy na ngayong hindi makapaniwala sa inakto ko. Sino namang matutuwa na ipapakasal ka sa lalaking iyon hindi ba? I hate that guy! Everything about him makes me sick! Gusto niyang sirain ang buhay ko!

"Kendra, hindi kita tinuruang maging bastos! Alam mong lumulubog na ngayon ang kompanya natin and we need them to build again!"

"No, you can't do this to me, mom. Hindi ako makakapayag!"

"Wala ka nang magagawa pa, Kendra. Napag-usapan na namin ito ng pamilyang Fuego. Pupunta sila rito, bukas. Don't make me mad, Kendra." seryoso niyang sabi at hindi na ako hinintay na sumagot. Lumabas siya ng kusina at pinuntahan ang kapatid kong lalaki.

Gosh! This is so annoying! I can't believe this! Can't she see my face?! I hate that guy! Sinusumpa ko nga iyon tapos ngayon aasawahin ko para sa negosyo? Tangina naman.

Inis akong umakyat ng hagdanan. Tinungo ko ang aking kwarto at duon nagsisigaw-sigaw. Nilabas ko ang kanina ko pa pinipigilan na emosyon. Kahit naman anong gawin ko ay hindi ako mananalo kay mommy. She knows how to play a game. How to control me, and I fvcking hate that! I can't even fight back, kapag gagawin ko 'yon ay talagang itatakwil niya ako bilang anak niya. She's serious about that.

"Ano na ang gagawin ko ngayon?"

Without these things I had now, hindi ko kaya itong bilhin lahat. Mom brought these stuffs for me, everything inside my room. Lahat naman binibigay niya sa akin but ngayon ay tila ito ang magiging dahilan ng pagbagsak ko. She knows everything, about me, life, and money.

Nu'ng namatay si dad ay hindi siya umiyak. Wala siyang emosyon habang pinapanood ang pighati ng mga tao at relatives ng aming pamilya. I did not cried too dahil hindi naman siya naging maayos na ama sa amin. When his wife found out that he was sick, umuwi siya sa amin. My mom was mad that time, she tried to push dad away, away from us.

He left us first tapos nu'ng hindi na siya kailangan ng kabit niya ay uuwi siya sa amin? Fvck. Hindi niya kami tinuring anak niya. Natauhan lamang siya nu'ng nagkasakit siya but it won't change everything. Hindi na magbabago 'yung ginawa niya sa amin. Ang pag-iwan niya kay mommy at sa amin.

Tiningnan ko ang picture na nakasabit sa aking dingding. Picture iyon ng family ko, of course kasama ang dad namin. Nakangiti kami sa larawan na iyon, sinawalang bahala ang alitan ng aming pamilya. That was the last picture, and after that, kinaumagahan ay nawalan ng buhay si dad.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Binuksan ko ang aking phone at hinahanap ang gc namin. Tanging mga kaibigan ko lamang ang nandito at halos mga chismis ang bukam-bibig ng mga kaibigan ko. Kapag may issue sa school ay lumalapag agad sila. Well, nakakatuwa rin naman magbasa at makisawsaw sa chismis.

"Uy online si Kendra oh!" basa ko sa mensahe ni Vernise. Hindi kami gaanong close ng babaeng ito but she keeps mentioning me sa gc kapag online ako. Minsan lang kasi ako lumalapag, nagbabasa ako ng chismis eh.

"Kamusta, Kendra? Himala at hindi ka yata active ngayon sa newsfeed ko?" angil naman ni Benji.

Tumawa ako at magtitipa na sana nang bumungad sa akin ang call. I joined. Unang nakita ko ay mukha ni Benji na nagkakape, sina Vernise naman at Alex ay gumagamit ng filter.

Napangiwi ako. "Mga gaga, gagala ba tayo tonight?" tanong ni Benji.

"May exam tayo bukas sa history, Benji. Sa Saturday nalang siguro." sabi naman ni Alex.

"Gaga, na move 'yon hindi ba?"

"Ay na move ba?" tila walang pakialam na sagot naman ni Vernise. Gamit nitong filter ay 'yung may malaking ngisi ng clown. Gosh, para silang mga tanga sa ginagawa nila.

Married To A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon