CHAPTER 20

10.4K 266 5
                                    

MAXINE POV

Pag mulat ng mata ko agad kong hinanap si Zack para mag sorry. Kagabe pa dapat ako mag sorry kaso paglabas nya ng banyo umalis sya hindi ko alam kung saan sya pumunta hinitay ko sya kaso nakatulog ako.

Tumigin ako sa paligid kung may sign ba kung balik sya pero parang wala. Na guguilty ako kase mukhang sobra syang nag alala sakin.

FLASHBACK…

"Let's go" sambit nya.

Tsk sya may balak magalit pagtapos nya ako saraduhan ng pinto.

Nagpahatak na lng ako kase gulat parin ako sa taong hindi ko inaasahan na makikita ko dito. At sa dami pa ng pwedeng taong makakakita sakin bat sya pa.

Nang makarating kami sa loob ng kwarto dito sa hotel.

"Bakit ka umalis huh?" Sigaw nya sakin. Hindi nya ba alam ang kasalanan nya o baka nakalimutan nya.

"Galing mo rin eh noh pagtapos moko saraduhan ng pinto tatanungin moko kung bakit ako umalis" sigaw ko sa kanya hindi ko mapigilan galit ko. Dahil sa kanya muntik akong mapahamak.

"Maxine hindi ko nilock yung pinto para makapasok kapag gusto mo na" halata sa boses nya na sobrang nag alala. Kaya tumahimik na lng ako kase na guguilty ako.

"Matulog ka na" mahinahon nyang sabi sinunod ko na lng to kase na guguilty talaga ako sa ginawa ko.

End FLASHBACK…

Gusto ko mag sorry sa kanya kase akala ko nilock nya yun dahil nag iinarte ako. Bat ba kase ang arte mo maxine.

Kasalanan mo din eh hind ka naman muntik mapahamak kung hindi ka umalis.

Bigla naman pumasok sa utak ko kung cno yung nakita ko.

FLASHBACK…

"Bitawan mo sya" rinig ko na sabi ng parang familiar na boses kaya tumigin ako sa likod ko. Nagulat ako ng makita kung cno yon.

"Charles?" Bulong na gulat ko.

Bat nandito sya anong ginagawa nya dito mga tanong na tumatakbo sa isip ko.

"Sorry bro hindi ko alam na may kasama sya" sabay alis.

Nakatingin lng ako kay Charles habang lumalapit sakin.

"Are you ok? Maxine" tanong nya sakin na nagpabalik sa isip ko.

"Anong ginawa mo dito?" Tanong ko sa kanya na mahahalata mong gulat parin.

Imbis na sagutin eh niyakap nya ako.

"Imissyou so much… maxine… pls allow me to stay in this position?" Hindi ako makaimik dahil gulat parin ako sa ginagawa nya.

Hindi ko alam ang gagawin ko gusto ko bumitaw dahil na alala ko mga ginawa nya sakin noon.

Pero ayaw sumunod ng katawan ko.

Hanggang sa may tumawag sakin at kilala ko kung cno yon.

"Maxine" sigaw nya sa pangalan ko kaya agad kong tinulak si Charles pa layo sakin.


Eng FLASHBACK…

Hayss bat parang nagiging complicated ang buhay ko ngayon.

Bumangon nako biglang kumulo ang tyan ko na alala ko hindi pa pala ako kumakaen simula kahapon.

Tatawag nasa ako sa front desk para umorder hindi naman masama diba kase gutom nako.

Nang biglang may nag door bell bayan gutom nako eh.

A BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon