C12

3 0 0
                                    

Chapter 12

Birthday








Walang gala kinabukasan, marahil ay pagod pa galing sa camp. Naisipan ko namang bumili ng mga pagkain sa isang convenience store sa bayan. Wala na kasi akong stock dito. Kaya maaga akong gumising at nag-ayos.







Wala ulit si Ate Essa sa tanggapan. Asa'n kaya siya? Baka may importanteng ginagawa? Ang sabi niya'y palagi siyang nagbabantay dito, o di kaya'y pinapabantayan niya sa pamangkin.








Hindi na ako nag-abala pang tawagan si Iva dahil baka nagpapahinga rin siya. I drove my car to the supermarket downtown. That nostalgic feeling rushed back to me. Naaalala ko pa na palagi akong sinasama ni Mama o Lola tuwing namamalengke sila. They said it's a woman's doing. Masaya naman akong sumasama sa kanila.






"Salamat, po."





Nabili ko na ang lahat ng kailangan kong bilhin ng mamataan ko ang isang pamilyar na babae sa tapat na kalsada. Nakikita ko sa salamin na busy siya sa pamimili sa mga damit habang isa-isa niya itong tinitignan. Tumawid nalang muna ako at pumasok doon. Baka lang din may damit akong magustuhan. Mini boutique kasi ito.








Ako sana ang unang babati ng nakita niya ako at lumapit siya.



"Hi! Saccha, right?" Ngiti niyang sabi.



Tumango ako at ngumiti sa kaniya, "Dalia, right?" Tanong ko rin sa kaniya. She replied with a nod. She's so pretty wearing a shoulder dress and with her wavy hair loose.



Sabay naman kaming tumingin-tingin sa mga damit ng magsalita siya.




"Ah, free ka ba sa Wednesday?"



"Bakit?" Patuloy parin sa pagtingin-tingin sa mga damit.




"Birthday ko kasi. Gusto sana kitang i-invite." Sabi niya kaya medyo nagulat pa ako. Bago palang kaming magkakilala, tapos iimbitahan niya ako. I mean, nakakahiya lang din.




Well, I think I don't have anything to do on Wednesday, or I still don't have a schedule yet. Ang kapal ko naman kung tatangapin ko ang alok, pero I think hindi rin naman masama kung pupunta nga ako.




"Sure ka? Nakakahiya,"




"Don't be. At simple celebration lang din naman ang magaganap. 'Tsaka baka gusto mong dumalaw sa bahay niyo dati."



Inalok ko ng sakay si Dalia pero tumanggi siya at sinabing meron pa siyang ibang lakad. Hindi ko na siya pinilit at lumakad na.




"Ate Essa, hi!" Bati ko ng makapasok. Ngumiti siya sa akin. Tinignan naman niya ang mga dala ko.





"Grocery?" Tanong ni Ate Essa.




Tumango ako, "Oo, Ate. Bumili ako ng konti dahil wala ng laman yong fridge."






Mabilis akong nakapagluto ng pagkain ko at naghilamos. Ibinagsak ko naman ang katawan sa kama. Wala naman akong masiyadong ginawa ngayong araw kaya hindi ako makatulog agad.



It's 10:19 PM.  Lumabas nalang muna ako sa apartment at pumunta sa gilid na veranda. Ang panggabing hangin ay nakakasalubong ko hanggang sa makarating dito.




Grabe. Hindi narin masamang pumunta ako dito. Nakikita at nakakusap ko parin sila. Naaalala ko parin 'yong mga kalokohan namin noon kaya napapangiti nalang ako. Though, things have changed. Hindi iyon mawawala. We've matured, in some ways.



But to think of what I really was after here, makes my heart throb. Nakita ko na siya. Pero ng kinausap ko, we were like close to strangers. Ang sakit lang. Hindi ko inakalang ganun ang ikikilos niya sa'kin.





Napabuntonghininga nalang ako. I smiled as I look up the sky. These sight never changed, though. Making me feel at ease and relieved. It makes me feel that it's okay to be sad. That there are times I need to back down and rest for awhile.




Nalulungkot ako. Sobra.





"Do feelings expire?"






Bring Me Back To 2002 (Completed)Where stories live. Discover now