09

358 11 2
                                    

Issa prank? Issa joke? Hanggang ngayon, bangag pa rin ako sa kaiisip ng isang bagay na hindi na nawala sa isipan ko. Hindi na nga nawala sa kukote ko eh, edi malamang! Maiisip ko talaga!

Ilang araw na akong puyat dahil sa kaiisip nun. At sa tuwing umaga naman hanggang sa pagsapit ng gabi, ganoon pa rin. Walang araw na hindi iyon naglalaro sa aking isipan, walang araw na hindi ko iiniisip 'yong tungkol sa.. sinabi ni Sir Leandro sa akin.

Jusko, totoo ba iyon? Na gusto niya ako? Anong gusto? Gusto niya akong estudyante? Dahil ano? Mabait ako?

Maganda sana kung ayun nga ang nais niyang iparating pero nagbubulag-bulagan lang ako dahil alam ko naman talaga ang nais niyang iparating sa akin. Na gusto niya ako, gusto niya dahil ewan ko, ako ba dapat ang magsabi ng dahilan?

"Gusto kita, Avianna."

Gusto ako ni Sir? Iniisip ko ngayon, totoo ba talaga na sinabi niya iyon? Ilang araw na akong paulit-ulit sa kaiisip kung totoo ba talaga iyon pero totoo nga! Gulat lang talaga ako, sobrang nagugulat ngayon dahil bakit? Bakit ako? Bakit ako ang nagustuhan ni Sir Lean? O baka naman binibiro lang niya ako, jino-joke time.

Napanguso ako, dahil kung totoo mang binibiro niya ako, maiinis ako nang bongga dahil pinapaasa lang niya ako.

Napatigil ako sa sunod kong naisip. Napalunok, hanggang sa umiling-iling ako at ibinaling sa iba ang sentro ng utak ko.

Nandito kami ngayon sa usual spot ng tambayan namin sa tuwing vacant, sa student plaza. Si Rachel at Lesly ang mga kasama ko ngayon, si Elysa, absent. Sinusulit ang absent ng babaeng iyon dahil last term na, hindi niya pa nagagawang um-absent. Sana all.

Ramdam ko na naman 'yong kaba dahil sa nalalapit na exams namin, pero no pressure na sa pagbabayad ng tuition, may ipon ako at sabi ni Mama, maaga raw siyang magpapadala. Pero ayun nga, kailangan na naman magsubsob sa pag-aaral.

"Hoy, chat tayo 'pag sem break, ha? Update-update kung kailan magpapa-enroll." Sabi ni Lesly at sumang-ayon kami ni Rachel.

Aba, malamang! Kailangan ay magkakaklase kaming apat, hindi pwedeng mawalay ang isa, kahit isang subject pa 'yan! Sana nga, dahil naiisip ko pa lang na ako ang nahiwalay, naiinis na ako sa sobrang hindi ako kumportable na hindi ko sila kasama! Syempre, wala akong kokopyahan.

"Nga pala, may quiz kay Sir Lean bukas, ano? Short quiz at recitation."

Mula sa libro, napatingin ako kay Rachel nang magtanong siya. Oo nga, ano. May gagawin kay Sir Lean.

Sayang, iniisip ko ngayon, kung bati sana kami ni Sir ngayon, edi sana magpapaturo ako sa subject niya. Eh, kaso hindi. Hindi niya ako pinapansin simula nang huling magharap kami. Hindi niya man lang din ako i-chat. Ako pa ba dapat ang mauuna? Eh, wala naman akong kasalanan!

Nanlaki ang mga mata ko nang mula rito sa inuupuhan ko ay nakita ko siya. Si Sir Lean mismo, patungo sa isang stall, kasama si Sir Mark, may binibili sila. Agad kong tinakip sa mukha ko 'yong libro para hindi niya ako makita pero nakasilip ako.

Pangiti-ngiti siya, mukha siyang masaya. Nang ibaling niya ang tingin niya sa gawi ko, sa gulat ko ay agad akong nagtago. Napansin pa ng dalawang kasama ko iyon, nawi-weirdo-han ata sila sa akin ngayon.

"Hoy, okay ka lang? Sino 'yang tinataguhan mo?" Tanong ni Lesly habang paling-linga na siya, pati rin si Rachel, tinitignan kung sino ang tinataguan ko raw. Wala naman ah.

"Wala ah." Sagot ko at muling umayos ng upo, sumilip, at mas nanlaki ang mga mata ko nang nakikita ko ngayong naglalakad na sila patungo rito sa gawi namin.

Until The SunsetWhere stories live. Discover now