CHAPTER 26: Alliance

384 23 10
                                    






"Saan kayo galing?"bungad na tanong ni Red.

Parehas kaming natigilan ni Black. Saktong pagpasok palang namin dito sa loob ng mansyon ay tumambad sa amin si Red na mukhang kanina pa naghihintay.

"Magkasama pa kayo. Alam ninyo ba kung anong oras na?"panibago niyang tanong.

Dahil dun ay napasulyap ako sa wrist watch kong suot. Pasado alas onse na pala ng gabi.

"Ano na? Napipi na kayong dalawa?"pangungulit ni Red na papalit palit ang tingin sa aming dalawa ni Black.

"Bakit selos ka?"nakangising sabi ni Black.

Kitang kita ko sa mukha ni Red ang pagsalubong ng kaniyang dalawang kilay. Bago pa ako makapagsalita ay naglakad na palayo si Black dahilan para mapapadyak sa inis si Red.

"Hoy kinakausap pa kita! Wala ka ng galang sa akin. Mas matanda kaya ako sayo."sigaw nito kay Black.

Pero hindi naman na siya pinansin nito. Dire-diretso lang itong lumakad paakyat ng hagdan hanggang sa tuluyang mawala sa paningin namin. Napakunot noo ako ng may maisip na itanong.

"Mas matanda ka sa kaniya? Akala ko magka-edad lang kayo?"

Agad siyang bumaling ng tingin sa akin. Napangiwi ako ng makita ang pagsimangot niya.

"Mas matanda ako ng buwan."sagot niya.

"Oh."tanging na sabi ko at nilagpasan na siya.

Hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman kong hinila niya ang isang braso ko. Paglingon ko ay agad din naman niya akong binitiwan.

"Saan nga kayo galing? At bakit kayo magkasama?"

Napabuga ako ng hangin.

"Mas okay siguro kung siya nalang ang tanungin mo."

Umiling iling siya.

"Kilala ko ang isang yan. Kahit anong pangungulit ko sa kaniya. Hindi siya magsasabi."

Napaisip ako bigla.

"Hindi ba kayo ganun ka-close?"

Ngumiwi siya.

"Medyo."

"Kung ganun. Kahit paano nakukutuban mong may iba sa kaniya ngayon?"

Napakurap kurap siya habang nakatitig sa akin.

"Paanong iba?"

"Yung mga sugat niya. Hindi ka nagtataka kung saan galing yun? At itong pag aalis niya. Hindi ka nag iisip o naghihinala kung saan siya pumunta?"

Muli siyang ngumiwi habang marahang hinimas ang baba.

"Nagtataka. Ramdam kong may kung ano siyang ginagawa. Pero siya kasi yung klase ng taong hindi magsasabi kaya nagtatanong ako saiyo."

"Yeah, mayroon nga. Pero don't worry. Hindi magtatagal titigil na rin niya ito."sabi ko at ngumiti ng tilid sa kaniya.

Napansin kong sumeryoso ang mukha niya. Alam kong nakukutuban niya na ang kagagahan ng kaniyang kapatid kahit pa hindi ko ito tumbuking sabihin.

"Don't tell me makikialam ka?"

"Isipin ninyo ng pakikialam yun. Pero para sa akin pagtulong yun. Lalo na Amo ko kayo. Obligasyon ko na panatalihin ang kaligtasan ninyo. At si Boss Black. Kapag hindi pa siya tumigil sa ginagawa niya. Mapapahamak lang siya."

Kung hindi ko lang Boss si Black ay hahayaan ko na siya. Pero hindi eh. Kahit paano concern ako.

"Acel, ayaw ni Black na pinakikialaman siya sa mga bagay na ginagawa niya. Masama man o mabuti."

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Where stories live. Discover now