Kabanata 2

14 2 3
                                    

Nagmamadaling tumakbo si Siren at halos matumba na ito sa sobrang taranta, ang kabog ng puso niya ay mas mabilis pa sa takbo niya dahil sa nasaksihan kanina.

" Jacq is Dead ! Pinatay siya...si Jacq pinatay ! " sigaw nito habang tumatakbong habol habol ang hininga.

Nag-silingunan sakaniyang direction ang mga kaibigan na nag sasaya. Sila Ella , Leire at Tassy ay umahon sa tubig dagat at naunang sinalubong si Siren na tumatakbo. Ng marating ni Siren sila Ella ay napahawak ito ay yumuko ito para humawak sa tuhod at maya maya ay pabagsak na umupo sa buhangin.

Nilingon ni Tassy ang mga tao sa likod at tinawag para lumapit. "What did you say? " anang Tassy at tumawa pero agad ding nawala ang tawa ng biglang nanginig si Siren at humagulgol .

Tarantang yumuko si Ella At Leire habang si Tassy naman ay nakatayo lang pinapanood si Ella at Leire na icomfort ang umiiyak na si Siren.

" Bakit? " tanong ni Jasdy na kararating lang kasama niya si Nevince , Francis, Azarel at Afrodite.

" Jacq... is dead , " napatakip ng bunganga si Siren dahil pumasok sa isip niya ang itsura ni Jacq na nakahiga sa sahig na naliligo sa sariling dugo.

" Ha? Anong pinagsasabi mo? Eh kagagaling lang ni Jacq dito nung pumasok ka sa bahay , nagpaalam pa nga saamin , " anang Tassy , " Kung sinasabi mo yan para makuha ang atensyon namin pwede ba umuwi ka nalang , " si Tassy at pinagkrus ang kamay sa tapat ng dibdib.

" You're crazy , Siren , " si Leire at tumayo na din sa pagkakaluhod.

Tumayo si Siren kaya gulat na napaupo si Ella  na humahaplos sa buhok ni Siren kanina. Pero agad din itong tumayo.

" No. Jacq is dead... Kitang kita ng dalawang mata ko. " umiiyak na saad ni Siren " I'm not joking... Jacq is Dead. P-pinatay siya "

" Paanong mangyayaring patay siya kung kagagaling niya lang kanina dito! " iritang sigaw ni Tassy kaya natahimik si Siren sa pag-iyak. Nag punas ito ng luha sa mata.

"   Kung kagagaling niya lang dito asan siya? " si Siren iyon na kanina lang ay umiiyak pero ngayon ay seryoso na siya.

" Umuwi na siya! Masaya ka na? " si Tassy iyon  .

" Tama na , " ani Ella habang hawak hawak ang balikat ni Siren.

"  Paano ako titigil kung itong babaeng to... " galit na aniya ni Tassy habang turo turo ang noo ni Siren " Sinisira ang kasiyahan dito , "

" Ayaw niyo maniwala. Sumunod kayo saakin para maniwala kayo na totoo ang sinasabi ko .... Na patay na si Jacq. Pinatay si- " hindi na ntapos ni Siren ang sinasabi dahil dumapo sa mukha niya ang palad ni Tassy.

Napatakip ng bunganga si Jasdy dahil sa lakas ng pagkakasampal ni Tassy kay Siren, ganun din ang ibang babae habang ang mga lalaki naman ay hinila si  Tassy  matapos nitong  sampalin si Siren.

" Ba't ba ayaw niyo akong paniwalaan , ha? " umiiyak na aniya ni Siren habang hawak ang pisngi na sinampal ni Tassy.

" Sumunod kayo saakin para maniwala kayo sa sinasabi ko , " pinunasan ni Siren ang luha sa pisngi at nauna ng naglakad ng walang nililingon.

Nanginginig ang balikat nito kaya nag silingunan sila Ella , Jasdy , Afrodite , Mae , Leire at ang tatlong lalaki maliban kay Tassy na gulat sa pagkakasampal niya kay Siren.

" Tara para matapos na ito , " ani Jasdy at nauna ng naglakad. Naunang sumunod ang tatlong lalaki kaya sumunod na si Ella , Afrodite , Mae at Leire . Bago sumunod si Jasdy nilingon niya muna si Tassy na ngayon ay nakaupo na sa buhangin habang nakayuko.

" Pagkatapos nito , Mag-usap kayong dalawa , " seryosong saad ni Jasdy at tinalikuran na si Tassy.


Nang makapasok si Siren nadatnan niya si lowiella at Rean na nagpapaganda. Inaayos ni Rean ang eyeliner ni Lowiella at nag maramdaman na pumasok si Siren ay sabay silang lumingon.

Nakaitim na Swimsuit si Rean ng  lumapit kay Siren na umiiyak . Umayos ng upo si Lowiella at pinanood ang dalawa pero ng makita ang salamin sa Lamesa ay agad niya itong dinampot para tignan ang eyeliner niya.

" Ganda. Galing mo Rean , " aniya at ngumiti sa salamin.

" Why are you crying? " malumanay na tanong ni Rean sabay haplos sa balikat ni Siren.

Sa halip na sagutin ay nagbaba ng tingin si Siren para pasadahan ang katawan ni Rean na tanging Swimsuit lang ang suot at agad agad na lumayo.

Kabado itong napahawak sa bunganga habang tinititigan ang swimsuit na suot pero ng nag angat ito ng tingin sa mukha ni Rean nawala ang kaba nito ng makita ang ngiti ni Rean.

Hindi siya, huwag kang matakot , bulong ni Siren sa sarili at napalingon sa pinto dahil pumasok ang mga kaibigan,

" Saan? " seryosong ani Jasdy ng makalapit kay Jasdy.

" Anyare? Ba't ang seseryoso niyo , " tanong ni Lowiella habang iniisa isang titigan nga mga kaibigan na kapapasok lang.

" Paanong hindi magiging seryoso kung itong kaibigan niyo sinasabi na patay na daw si Jacq. Sinong matutuwa dun? " boses iyon ni Tassy , kaya sabay sabay silang napalingon sa pinto kung saan nakasandal si Tassy na hindi nila alam na sumunod pala.

" Oh , nasaan na? " dugtong niya at naunang dumiretso sa hagdan paakyat pero tumigil din ng nasa ikatlong baitang na siya ng hagdanan.

Sumeryoso si Siren at umakyat na din . Pumagilid si Tassy para  makadaan si Siren at umirap ng makalagpas sakaniya si Siren.

Sumunod na din ang iba. Akmamg susunod na din dapat si Rean pero pinigilan siya ni Lowiella .

" Tuloy mo na , " ani Lowiella at inangat ang pencil eyeliner para ipakita yun kay Rean kaya napabuntong hininga nalang si Rean at lumapit na .

Habang si Siren naman ay kabadong naglalakad papunta sa gitnang Pintuan at nilingon si Nevince.

" Ikaw na mag open please... " ani Siren

" Bat hindi palang ikaw eh nandiyan ka na , " umirap si Tassy.

" Manahimik ka ng muna Tassy at kumalma ka , " si Ella iyon at lumapit kay Siren at hinawakan ang doorknob at dahan dahang pinihit iyon para magbukas

Napapikit si Siren ng mabuksan na ang pinto at naghintay ng sigawan pero wala kaya dahan dahan siyang dumilat.

" My god , Siren. Kung gagawa ka ng kwento make sure totoo. Look walang Jacq na pinatay and look , " inilabas  niya ang cellphone para ipabasa ang text ni Jacq.

Jacq: Otw na ako

" You're crazy " ani Leire , " Pinagod mo lang kami "

Hindi makapagsalita si Siren dahil sa gulat. Pero alam niya sa sarili niya na totoo ang nakita niya , kaya hindi siya makapaniwala sa pinakita ni Tassy.

" Kaya nga. Ang ganda ng usapan namin dun tapos dadating ka para sa walang kwentang pinagsasabi mo , " saad ni Francis. " Tara na . Balik na tayo " dugtong niya at nauna ng bumaba.

" Sabihin mo nalang kase , Siren na nagpapansin ka dahil alam namang nating lahat na sating lahat ikaw lang ang nawawala , " si Tassy iyon. "Atsaka girl , umuwi ka nalang kung sisirain mo lang ang mga mood namin "

" Bakit? Sino ka ba sa tingin mo para sabihin yan? "  sigaw ni Siren habang pinipigilan ang luha.

" Your nightmare , Ha ha ha , " tumawa si Tassy at nilingon sila Ella. " Tara na baka tayo pa ang maimagine ni Siren na pinapatay , " at tumalikod na.

" Hayaan mo na si Tassy , may regla kase kaya ganon, " pinilit ni Ella na tumawa kahit naawa siya kay Siren " Hayaan mo , kakausapin ko siya " aniya at tinapik ang balikat ni Siren at bumaba na,

b i g e y e b i t c h

















Secret Of MiyazakiWhere stories live. Discover now