Chapter Six

489 33 2
                                    

Nagising ako ng maka-amoy ng masarap.
Dahan dahan akong lumabas sa kwarto ko.

"Good Morning Baby kigwa" nginitian ko lang sya.. Ang aga nya nagising, akala ko magigising pa akong kayakap sya.

Dun kasi sya natulog sa kwarto ko, syempre bilang marupok ako hinayaan ko lang sya.

Siguro dapat na lang ako makuntento kung hanggang saan lang kaya nyang ibigay sakin, tanggapin ko na lang yun kaysa mawala sya.

Kumuha ako ng tinapay sa lamesa at pinagdiskitahan kainin iyon.

"Kelan ka pa nahilig magluto?" pansin ko kasi napapadalas pagluluto nya

"Simple lang naman mga niluluto ko" sagot nya at sinandok ang sinigang na hipon.

Amoy pa lang ang sarap na at paborito ko ang hipon.

"Bini-baby mo ko.." kunwaring reklamo ko sa kanya habang nakanguso. Paano ba naman kasi pinag sasandok nya pa ako ng kanin sa pinggan ko.

"Baby naman talaga kita. Baby kigwa" ngumiti pa sya ng nakaka loko kaya inangilan ko sya

"Stop calling me kigwa"

"Bakit naman? Ang cute kaya hahaha" natatawang saad nya tsaka naupo sa harapan ko at naghanda na rin ng kakainin nya.

"Alam mo ba ibig sabihin nun?"

"Ate Ai told me."

"Pssh.. Ano sabi nya sayo?"

"kigwa means mahal? Love? Kaya Baby kigwa means baby love" ngiting ngiti pa sya habang sinasabi sakin

"Don't believe on my idiot sister." asar na saad ko.

"Why?" umiling na lang ako at humigop ng sabaw ng sinigang. Ang sarap na magluto ni Kaoni. Pwede na mag-asawa.

Asawa ko. Hihihi

"Ano naman nginingiti ngiti mo dyan?" di ko napansin na napapangiti na pala ako sa naiisip ko

"Wala lang." di na sya umimik, kumain na kaming dalawa. Galit galit muna hehehe

Pagkatapos kumain ay ako na naghugas ng pinggan. Mamaya sabihin nya inaalipin ko sya e

"Je.." lumapit sya sakin habang naghuhugas ako ng pinggan

"Ano kasi.." parang nahihiya syang ituloy sasabihin nya kaya tinitigan ko sya

Nakatingin na naman sya sa kamay nya..

"Mauuna na akong pumunta sa Dinner ni Reign. Susunduin daw kasi ako ni Dianne." ahhh...

Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti para di nya mahalata na disappointed ako.

Dinner yun. 8pm pero 12nn pa lang sinundo na sya ng girlfriend nya.
Mahaba pa ang oras kaya nagtingin tingin na lang ako sa Social Media.

Nakita ko nag post si Dianne ng picture nila ni Kaori.

Cute. Pero si Kaori lang sinasabihan ko.

Pinusuan ko na rin pero dahil nga andun si Kaori. Ang cute nya pa dun. May kasama silang corgi na tuta. Halatang masaya sila, mahilig talaga sa tuta si Kaori e.

Sana naging tuta na lang ako. Charot hehehe

Naiinip na ako kakapanuod sa Youtube ng kung ano ano ng mag chat si Ashley.

"Pst!"

"Jelay pangalan ko hindi pst." reply ko dito

"Hehe. Ano gawa mo?"

Why Not Me? Where stories live. Discover now