SEVENTEEN ♧ JEALOUS CASSIDY 2.0 ♧

164 8 1
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

BENEDICT

DAY 5 (TNF COLLEGE WEEK)

"Mamaya pa yung semis pero kinakabahan na agad ako." Sabi ni Kite. Napatawa kami. Nandito kami ngayon sa may bleachers. Wala pa namang tao. Mamaya pa kasi ang schedule ng game. Buo kami dito ngayon. Justine with Via, Red with Maymay, Kite, and syempre, kaming dalawa ni Cassidy.

"Bro, yung deal, ha." Pagpapaalala ko sa kanila. Sinabi rin kasi namin may Red na kapag nanalo kami and nagchampion kami sa finals, liligawan ko na agad si Cassidy. As in agad agad, magsasabi na ako. Sa harap pa nila.

"Oo naman, bro. Di ko nakakalimutan. Diba, mga bro?" Sabi ni Kite at nagsi-agree naman ang mga friends ko. Sila Via, Maymay, at Cassidy naman, clueless.

"Ano namang deal?" Pang-iintriga ni Maymay kay Red.

"Wala. Samin na lang yon." Sagot ni Red at nagsitawanan naman kami. Napatingin ako kay Cassidy. Hindi siya nagsasalita. Inakbayan ko naman siya.

"Don't frown. Wala yon, promise. Uhm, hindi naman totally wala pero---"

"Okay lang. Wala naman akong sinasabi ah? Defensive ka e." Sabi ni Cassidy. Napa-ohh naman ang mga kaibigan ko at napatawa kami ni Cassidy.

"E kasi nakasimangot ka." Sabi ko sa kanya. She made face.

"Bakit? Bakakangalay kaya yung laging nakasmile." Sabi ni Cassidy. Napatawa naman ako.

"Ikaw, ha. Marunong ka nang magjoke ngayon." Pang-aasar ko sa kanya. Natawa na lang siya.

THIRD PERSON

Habang nagkakasiyahan sila Cassidy, hindi nila alam na nakamasid sa kanila si Kristal kasama ang mga alipores nito.

"Sige lang, Cassidy. Smile ka lang." Sabi ni Kristal. Napatingin sa kanya ang kanyang mga kaibigan.

"Sa tingin mo talaga, kaya mong paghiwalayin yang dalawang yan? Mukhang patay na patay si Benedict kay Cassidy e." Sabi ni Jen, isang kaibigan ni Kristal.

"Oo naman, no. I'm super confident. Saka I'm just taking back what's mine." Sabi ni Kristal. Napatawa ang kanyang mga kaibigan.

"You're so bad talaga, Kristal." Sabi ni Kimmy, isa pang kaibigan ni Kristal.

"I know, right. Kaya sana, wag masyadong kampante yang Cassidy na yan ngayon kasi I'll do everything at all cost para makuha ulit si Benedict." Sabi ni Kristal at umalis na sila ng mga alipores niya.



BENEDICT

5 mins na lang, magsstart na ulit ang game. Nandito ako sa bench at nasa likod ko sa Cassidy. Kinakausap kami ni coach. Sa totoo lang, nakakatamad maglaro ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. Parang kanina lang, excited ako maglaro pero ngayon, biglang nagfade yung excitement. I have a bad feeling and it makes me want to just stay beside Cassidy.


Tumingin ako kay Cassidy and napatingin din siya sakin. She smiled very sweetly. I smiled back. Bigla akong napa-iling sa utak ko. Mukhang okay na okay naman si Cassidy. Not like kahapon noong hindi ko masabi yung about kay Kristal. Ngayon, she looks really fine and happy.

"Benedict, all you need to do is remain still in the game until 2nd quarter, okay?" Sabi sakin ni coach. Tumango na lang ako. Semis na ngayon and kailangan talaga, maayos ang laro ko. Hindi ako pwedeng madistract. I have to win this game para makaabot sa finals. Pag nanalo kami sa finals, itatanong ko na kay Cassidy kung pwede nang maging kami.


CassidyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz