Chapter 1

27 2 0
                                    

Chapter 1
Simula

When happiness haven't turned like as stars yet.

Muntik ko ng mailuwa ang kwek-kwek na naisubo ko nang maramdaman ng dila kong bagong luto at mainit pa 'yon. Narinig ko ang malakas na tawa ng mga kaibigan ko habang abala sila sa pagtu-tusok ng fishball at kikiam para ilagay sa sari-sarili nilang plastic cups. Malamang sa malamang ay nakita nila ang mukha ko kaninang mukhang tangang napaso.

Mukha siguro akong tuta kanina dahil nakalabas ang dila ko habang pinapaypayan 'yon ng isa kong kamay.

"Ihipan mo muna kasi bago mo isubo!" Pabalang na sambit sa akin ni Remi saka naglagay ng suka sa cup.  Nagtawanan pa sila at nag-apir-an saka dinuro-duro ako.

Kumikinang ang mahaba at straight niyang buhok. Hindi kita ang makapal niyang kilay dahil sa pantay na pantay niyang bangs.

Sinamaan ko nalang sila ng tingin dahil tama naman siya. Nginuya ko ang fishball na isinubo sa akin ni Celestia nang mailunok ko ang kwek-kwek. Pero napangiwi agad ako nang mag-init ulit ang bibig ko dahil doon.

"Tangina, papatayin mo ata ako!" Sigaw ko ngunit aambang susubuan niya ulit ako kaya iniwas ko ang mukha ko sakanya.

Namula ang chubby na pisngi ni Celestia dahil sa kakatawa. Maiiyak na ata ang singkit niyang mga mata dahil sa kagaguhan. Bahagyang gumalaw ang buhok niyang hanggang balikat nang paulit-ulit na nagtaas ang magkabilang balikat kakatawa.

"Kakasabi lang na ihipan mo muna, e!" Ani Remi habang tumatawa at hinagod ang likuran ko, para bang mawawala ang paso sa bibig ko kapag ginawa niya iyon. Baliw.

"Ipa-Fernandez na 'yan!" Si Dori na ang ibig sabihin ay ipa-ospital na raw ako dahil 'yon ang pinakasikat na ospital dito sa lugar namin.

Bahagya niyang hinawi ang medyo wavy niyang buhok bago isinubo niya ang fishball galing sa stick. Inihipan niya muna 'yon bago isubo. Nadepina ang pagkapula ng kanyang mga labi dahil sa ginawa kahit wala siyang nilagay na pangkulay doon.

"Manong oh, nagmumura si Cream!" Sumbong ni Nanram kay Manong Anenimihasbinisleyn na naglalaro lang ng Mobile Legends na mukhang nasa trentang edad pataas na.

Mala-demonyo akong nginitian ni Nan kahit wala namang nakakatakot.

Ayos na ayos ang kilay niya dahil sa nilagay niya roon, pati na rin ang pilik mata niya ay mas lalong kumapal dahil sa kanyang mascara. Bumagay ang kulay ng kanyang liptint sa labi niya, hindi 'yon makapal, hindi rin naman nakakatamlay. Hindi masasabing pangpokpok. Ganoon ang nasasabi ng iba sakanya.

Pero hindi ibig sabihin na makapal ang kalorete na nakalagay sa mukha ng babae, pokpok na.

Minsan, 'yon ang trip nila at doon tumataas ang confidence nila.

Sabi naman ng iba, minsan, clown na kung maituturing kung sobra-sobra na ang kulay sa mukha.

Napa-angat si Manong ng tingin sa amin saka nagsalita, "Naku, sa harapan ko bawal magmura! Ang liit-liit mo tapos ang lutong mong magmura!" Aniya habang tumatawa.

Bawal bang magmura ang mga maliliit? Nasaan ang equality?

"Kapag sa likod mo, Manong, pwede na po?" Inosente kong tanong sakanya pero hindi niya ako pinansin dahil tinawag ulit siya ng laro niya.

"Ohh!" Sulsol ng mga kaibigan ko dahil hindi niya ako pinansin. Napatakip ako ng tainga sa ingay nila.

Saan ba ako makakahanap ng lalaking hindi naglalaro ng Mobile Legends? Sasambahin ko kung sino man ang taong 'yon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RestlessWhere stories live. Discover now