Mstrss_Alexain©
25. Steal and Session
Mukhang napapagod na si Santh pero hindi pa rin siya pinatitigil ni Sir Brax. Kanina pa siyang umiiwas at pansin ko ang pag-ngiwi niya tuwing mapapaatras.
Hindi lang ilusyon ang nasa loob. I bet we would be able to feel physical pain, too.
"Why won't that guy show his flames?" someome behind me mockingly said. "Ah, right. He's not capable of controlling it yet. Poor Santh." He tsk-ed.
Napakuyom ko ang palad ko. Hinawakan ito ni Zien na parang pinipigilan ako sa mga salitang gustong lumabas sa bibig ko.
This Schiller guy is underestimating Santh!
"Pwet ka ba ng manok?" di ko mapigilang lumingon sa kanya sa inis. Ramdam ko namang napabaling sa akin ang mga katabi ko sa sinabi ko sa taong sakto lang na nasa likod ng upuan ko.
"Excuse me?" mataray nitong tanong. Arogante ang kanyang dating at ang mga mata ay tila tinutuya ako.
"Kanina ka pa kaseng putak nang putak." Inis kong sabi.
Sa halip na magalit ay ngumisi pa siya lalo. "Oh. What a cheap comparison." panunuya niya.
Sa halip na siya ay ako pa ang nainis. Marahil ay kaya mabilis mag-init ang ulo ko ay dahil na rin sa kulang ako sa tulog. Pero magkaugali sila ni Zedrick. Para silang magka-kambal.
Hindi ko na pinansin ang nakakainsulto niyang tingin kaya ibinaling ko na lang uli ang atensyon sa unahan. Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Santh na palabas na at pawisang pawisan, medyo nabasa rin ang kanyang buhok. Para tuloy siyang naligo.
"I'm fine." He assured even before we could ask if he's okay.
Umupo siya at pinunasan ang sarili ng towel na galing kay Sir Brax. Pinagmasdan ko siya at mukhang nahirapan talaga siya sa loob.
He has flames?
"Next. Patricia." napalundag ako sa kinatatayuan ko.
Right at the moment, I already know I'm dead.
Hinawakan muna ni Zien ang kanang kamay ko. She gave me a reassuring smile that everything will go just fine. She believes in me. She believes I can do it.
"Patricia, remember that even it may be just your mind being tricked, you will still feel physical pains. As long as you're conscious, you have to endure everything you'll see." paalala sa akin ni Santh.
Huminga ako nang malalim bago pumasok sa pentagon. Pilit kong ikinalma ang sarili ko. Ayaw kong mag-stutter sa harap ni Zedrick. Pero nawala agad ang maganda kong introductory smile nang mahagip ng paningin ko ang 'killer' guy na may mapang-asar na ngisi.
Huwag mong pansinin, Pat.
"Patricia Mae Lacroix, h-human." I failed. I bit my lip.
Ano ba ang ability ko bukod sa kaya kong umubos ng ilang boxes ng ferrero? Yung whip?
Ano bang dapat itatawag ko doon?
Hindi ko na dinugtungan ang sinabi ko. Mukhang na-gets na naman ni Sir Brax kaya inilahad niya lang ang kamay niya, sign na magsisinula na ang ilusyon.
I closed my eyes. My hands trembled in fear as I hear strange steps of something that sounds like. . .
Human steps?

CZYTASZ
Vampires: Pieces of Arca
Wampiry(Tagalog Story) A time when humans and vampires co-exist. How would Patricia detach herself from a bunch of Lartruses, the highest ranked creatures in the Vintrese, the vampires' mainland, especially when she was supposed to work with them in findin...