chapter thirty seven

2.9K 98 6
                                    

Akisha pov

"Bat tayo dito uupo?"bulong ko kay Tan tan

"Dito daw sabi ni Xandra ehh nandito daw kase si Tyron"bulong niya rin

"Ehem"nalingon kami kay Tyron ng tumikhim ito

"Nagseselos yung yelo diyan oh"sabi niya

"Huh?"

"Ang slow mo HAHAH cute"sabi ni Tantan  at kinurot yung pisngi ko

Nakakinis man pero hindi ko maitatanging ang gwapo ni Aiden sa suot niya simpleng black tuxedo lang yung suot niya at black na maskara pero ang gwapo niya pa den (nasa baba po yung picture)

Umupo na kami sa upuan namin ang ganda ng place

"Picture tayo Aki"sabi ni Tantan

"Ayoko"

"Cge na pleeaassseee"eto nanaman siya nag papacute nanaman

"Tsk gay"narinig kong bulong ni Aiden

"May sinasabi ka ba?"tanong ko sakanya

"Nothing"sabi niya at umiwas ng tingin

Nag picture na kami ni Tantan nakaakbay pa siya sakin para kaming magjowa AHAH

"Kalma pre"napalingon naman agad ako kay Kent ng magsalita ito at nakita ko pang tinapik niya ang balikat ni Aiden anong nangyari?

Tapos na kaming kumain nasa tabi na ni Tyron si Xandra ano kayang meron sa dalawang toh?

Bigla na lang namatay yung ilaw sa paligid maya maya pa ay nag play ang music

Nag simula nang sumayaw yung iba ganun din si Xandra at Tyron pati na din si Liam at yung isang babae ganun din si Kent

Apat na lang kaming naiwan dito si Aiden,ako,Lisha, at si Nathaniel

Isa lang ang masasabi ko

Ang awkward

"Babe isayaw mo na akoo daliiiiii"pangungulit ni Lisha kay Aiden

Tumayo na si Aiden at pumunta na sila sa gitna napatingin naman ang lahat sa kanila

"May I?"napalingon ako kay Tantan nilahad niya ang kamay niya sa harap ko

Kinuha ko yun at pumunta na kami sa gitna napunta sa amin ang atensyon nilang lahat lalo na sakin tangina ikaw ba naman maiba ng damit sa lahat ng julay pula pa yung napili ko ehh tss

Natago ko na lang yung mukha ko sa dibdib ni Tantan nagtilian naman yung iba taeee lalo akong nahihiya ehh

"Nahihiya ako Tantan"sabi ko sakanya

"Akisha mukhang mamatay ako ng maaga HEHEH"parang kinakabahan niyang saad anong meron

Napatingin ako kung saan siya nakatingin kanila Aiden katabi lang kasi namin sila nakita kong masama ang tingin ni Aiden kay Tantan ano nanamang problema nito??

"Ok guys change partner in 3...2... 1"nagulat ako ng pumunta si Nathaniel kay Lisha huh????

Sinong kasayaw ko nga-

"Aiden?"

Hinawakan niya ang beywang ko at hinawakan ang isa ko pang kamay  napaiwas ako ng tingin

Walang ni isang nag salita sa amin

"Aiden/Akisha"sabay na tawag namin

"Ikaw na mauna"sabi ko sa kanya"

"I'm sorry"

"Ok na ako Aiden siguro naman napatawad na rin naman kita"nakangiti kong saad

"Hindi mo lang ba papakinggan ang sasabihin ko sayo?"mahinang tanong niya

"Hindi na tanggap ko na rin naman ang lahat tsaka wag kang mag alala ok na ako napatawad na kita"nakangiti pa ring saad ko

"Soooo Friends?"tanong ko sakanya

"F-friends"sabi niya

"Pwede ba kitang ihug diba friends na tin naman tayo?"

"Baka magalit yung girlfriend moh"

"Hindi yan akong bahala sa kanya"

"Sige"sabi ko at agad niya din naman akong hinug

"I miss you so damn much baby"mahinang bulong nito sa tenga ko

Ano tohhhh friends with benefits?

That cold guy is my stalkerWhere stories live. Discover now