Chapter 24

1K 26 4
                                    

Scorching

***

Warning: R-18. Read at your own risk.

***


Rixon was holding the ball with his left hand while the other was interlocked with mine. Nasa unahan ang mga kapatid niya at si Pietro, naglalakad at nag-uusap. Sinadya naming magpaiwan nang kaunti dahil kanina pa kami nag-uusap tungkol sa pag-uwi ko kay Daddy.


"I thought sabay tayong ga-graduate. We promised each other," aniya.


"Sabay naman...hindi lang magkasama," sagot ko naman.


He hissed and looked down on our intertwined fingers.


"Don't worry. We still have till next year before I leave. Mahaba-habang panahon pa naman tayong magsasama. So let's make the most out of it," I added.


Nilipat niya ang kamay niya sa balikat ko para bahagya akong mayakap. I felt his kiss on top of my head after.

Umabot kami sa labas ng bahay ng mga Montero nang nakaakbay pa rin si Rixon sa akin. Hindi kami pumasok agad kahit kanina pa nakapasok ang mga kapatid niya.


"What?" I asked when I noticed him staring at me for a while now.


"Nothing. Naisip ko lang kung anong mga pwedeng gawin bago ka umalis," aniya.


Napaisip din ako bigla. I pursed my lips to the side to think.


"Payagan kaya tayo magbakasyon nang tayo lang?" suhestiyon ko.


"Just us?" he asked. I nodded. "I don't think so. Tita might not allow it."


"Try lang natin. By the end of the school year next year. Hindi naman this year," sabi ko pa.


"Saan naman gusto mo?" tanong niya sa'kin.


"Samal."


"Doon pa rin? Gusto mong bumalik?"


Tumango ako at ngumiti. "For our second anniversary? Yes."


Napatingin siya sa gilid habang iniisip ang sinabi ko. Nang tumango siya ay mas lumapad ang ngisi ko.


"I'll try to consult Tita about it," sabi niya.


I giggled in excitement and hugged his body after. Muli siyang nag-iwan ng halik sa ibabaw ng ulo ko.


The Last Sunset of Summer (Montero Series #2) (✔️)Where stories live. Discover now