Jowang-jowa (Chapter 4)

1 1 0
                                    

CHAPTER 4

Ldine POV

Tanghaling tapat na nang magising ako at mabuti na lang hindi ako ginising ni mommy ng maaga. Alam niyang pagod at puyat ako. Salamat sa kanya dahil siya na ang nagsabi sa companyang tinatrabahuan ko na mag absent muna ako. Hays... parang sakit ang perwesyo ng panghihinayang na ito ah. Sakit sa puso at trabaho. Napapakunot noo na lamang ako kung maaalala ko ang kasalang naganap kahapon at ang masaklap ninakaw pa ang first kiss ko?! MyGod! Pati firstkiss ko?! Hindi naman sa OA ako pero bilang babae importante yun. Dapat romantic and unforgetrable kaso unforgettable nga, hindi ko nga makalimutan dahil ninakaw naman. Hindi romantic! Tsk! Ang pangit ng timing. Bakit ganoon?

"Bes, halika na. Magbabayad na ako" napalingon ako sa kasama ko. Tsk! Nakakainis ang ngiting may asawa na. Imbes na maghoneymoon sila ni Raven ay nandito siya para kumuha ng mga libro sa bookstore. Malamang!

Nakakatawa nga lang bibili siya dahil mahigit isang buwan niyang babasahin ang libro sa America. Yes! Next week ang alis nila ng asawa niya dahil doon sila mag-aano. Basta, alam nyo na yun. Gagawa siguro sila ng baby? Tingin nyo?

Pumunta na nga kami sa counter and busy siya sa paglalagay ng libro sa harap ng casher. At ako panay tingin na lang sa pinangbibili niya. Aysus! Nakakatawa ang title kasi puro pang-asawa ah. Iba talaga kapag may asawa. Kailan kaya ako magiging ganyan? Kumuha siya ng libro para sa Cooking, Guide para sa pagiging mabuting asawa at ina. Tsk! Sana all.

Nang makita kong kalahati palang ang nasa cart niya ay nagpaalam ako sandali na tumingin-tingin muna sa mga available and bagong libro. Kasi kanina hindi ako makapili kasi panay hablot niya sa akin kung okay ba ito, ganyan, okay ba ganito, at ganyan. May mga bagong stuck nga talaga ang bookstore na ito. Magaganda ang mga cover and makakapal ang mga pahina. Nang masagi ko ang isang libro ay napangiti ako nang makita ang katabi nyang libro.

Dalawang taon na nang ipublished ko ito at magkaroon ng maraming kopya. Hindi pa rin nalalaos ang librong isinulat ko. Kasi alam ko marami namang makakarelate lalo na hindi lahat nagkakajowa. Sinimulan ko nang humakbang patungo kay Sofia kaso nang may mabunggo akong nakahoddie. Shit! Galing! Akala ko ba nasa Kdrama o opera lang toh. Pati ba naman sa akin na-e-aaply pa? Kaso, hinayaan ko na lang. Hindi masakit. Masakit yung iniwan ka. Diba?

"Tsk!" boses ng lalaking nasa likuran ko. Humakbang ulit ako na walang narinig.

"Ang panyo ko, Miss. Ibalik mo" muling sabi niya kaya tumigil ako sa paghakbang at limingon sa kanya. Mukhang pamilyar ito ah. Mukhang nakita ko na siya!!

Matangkad, Maputi, Payat, Ayos ng porma, ang pink ng lips, matangos ilong, ang haba ng pilikmata, madilim at malamig niyang mata... WHAT! Bakit ko ba siya inilalarawan? Mukhang perfect man na yun para sa perpektong babae ah.

"Tapos kana ba sa pagcheck ng apperance ko? Hahaha" tumawa siya ng mahina at nakangiti na rin ang mga mata niya. Mukhang ibang tao itong kaharap ko ah. Bipolar siguro katulad ng nanay ko.

"Auhmn..." tskk nag-iisip pa ako sabay kagat ng labi. Nakakahiya, ngayon ko lang narelize na mas gwapo siya kapag normal lang ang suot niya hindi tulad noong nakatuxedo siya sa party nina Sofia. Hindi siya gwapo kundi perpekto. Perpekto ang dating niya sa buhay ko. Charot! Umiwas siya ng tingin at ibinalik sa akin ang malamig niyang mga mata.

"Ah... eh... Ibabalik ko naman yung panyo mo kaso hindi ko dala" sabay ngiti ko ng slight. Parang natatae na ngiti.

"Okay" sabay talikod niya. Yun lang yun? Walang sabing 'Hi ur beautiful' o di kaya 'wag mo na ibalik ang panyo ko sayo na yun' . Tsk!

Seven Story: Seven ChaptersWhere stories live. Discover now