Prologue

17 0 0
                                    

Prologue

[ SAVANNAH BRYNN ]

"Mommy, Tito Kristoff is here."

Inalis ko ang apron na nakasuot sa akin nang marinig ang tawag ni Beige. Hindi na ako magugulat kung bigla biglang bibisita si Kristoff dahil day off niya ngayon.

Pagdating ko sa living room, naabutan kong yakap yakap ni Beige ang pasalubong sa kanya ni Kris. Naiiling na lang ako habang tinitignan ang iba pang laruan na nasa loob pa ng mga plastic bag.

"Sav, can i talk to Beige in private?" tanong ni Kris ng makarating ako sa kinaroroonan nila.

Nginitian ko siya "Sure, you can talk in my office."

Simula nang mag 1 year old si Beige palagi na niya itong kinakausap nang silang dalawa lang. Malaki ang tiwala ko kay Kris kaya ni minsan ay hindi ko siya pinag-isipan ng masama tuwing kakausapin niya ang anak ko nang silang dalawa lang.

Sometimes, umaabot ng 30 minutes or more ang pag-uusap nila. At tuwing lalabas sila ng office ko ay makikita ang saya sa mukha ni Beige. Mas naging mahusay din siya sa pagsasalita at pakikisalamuha sa iba nang dahil kay Kris.
Hindi naalis ang ngiti ko habang tinitignan silang umaakyat sa hagdan. Buhat - buhat niya ang anak kong yakap yakap pa rin ang kanyang bear.

Masaya akong nakikita silang dalawa. Kristoff is true to his promise na kahit anong mangyari hindi niya kami pababayaan.

Nang makita kong nakapasok na sila sa office ko ay nilapitan at binusisi ko naman ang laman ng mga bag.

Barbie doll, books, crayons, pencils at iba't ibang school supplies.

Seriously? Beige is only 3 years old though she will turn four next month.

Alam kong matalino si Kris pero hindi ko akalain na gusto niyang ipasa ito sa anak ko.

Kinuka ko ang isang book na mukhang personalize dahil nakasulat ang pangalan ni Beige sa front cover nito. Binuklat ko ito at nakita ang buong pangalan ng anak ko. Mukhang isa itong activity book at ang unang activity ay ang pag-trace niya ng kanyang pangalan.

Savrynn Beige Fernandez.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot habang tinutunton ang apelyido ng anak ko.

Hindi ko gustong ipagkait sa kanya ang apelyido ng kanyang ama ngunit paano ko ibibigay ito sa kanya kung ang mismong ama niya ang nagkait nito sa aming dalawa.

Mag aapat na taon na si Beige ngunit ni minsan ay hindi siya nagtanong o hinanap man lang ang Daddy niya. Marahil dahil palaging nandyan si Kris kaya nawawala sa isip niya ang maghanap ng kalinga ng isang ama.

Ngunit handa naman ako kung sakaling dumating ang araw na magtanong siya. Hindi ko ako maglilihim sa kanya. Aaminin ko ang lahat dahil alam ko at ramdam kong maiintindihan niya rin ako.

Lumaban ako at ginawa ang lahat nang gabing iyon. Pero hindi ko na kasalanan kung hindi kami kayang ipaglaban ng ama niya.

Binaba ko na ang hawak kong personalize book ni Beige bago pa lumalim ang nararamdaman kong sakit at galit sa ama niya.

Inayos ko na ang iba pang mga pasalubong ni Kristoff. Bukod sa mga laruan, may dala rin siyang bagong damit at iba't ibang shoes ni Beige.

Everytime na pupunta siya rito ganito lagi karami ang dala niyang pasalubong. Pwede na ngang magpa auction si Beige sa sobrang dami niyang gamit dito sa bahay.

"Mommy, i love you." hinawakan niya ang pisngi ko at dinampian ng halik ang aking labi.

Nginitian ko siya "I love you so much my baby girl. You look so happy today? Can you share to your mommy the reason behind that sweet smile?"

Kinindatan niya lang ako na tila gustong ilihim sa akin ang rason. Binalingan ko ng tingin si Kris ngunit nagkibit balikat lang ang loko.

"One of these months we will be happy mommy." wika niya habang nakangiti.  "Because... " tumingin niya kay Kris at binalik ang tingin sa akin "i will meet my... " unti unting sumisibol ang kaba sa dibdib ko kaya naguguluhan akong tumingin kay Kristoff ngunit ngumiti lang ito. Umiling ako sa kanya at tumingin muli kay Beige.

"You will meet your?" ngiti ko hindi pinapakitang ramdam ko na ang matinding takot.

"I will meet my classmates mommy." tumawa pa siya na tila excited sa mga naiisip niya.

Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Ganito siguro kapag may inililihim ka sa anak mo. Pakiramdam ko anytime malalaman niya ang lahat ng itinatago ko.

"Of course baby. Sorry mommy forgot about that."

"Tito Kristoff told me a while ago about the enrollment next month."

So ito pala ang pinag-usapan nila. Masyado talagang ina-advance ni Kris si Beige.

Ayoko sanang maagang ma-pressure ang anak ko sa pag-aaral. Ayokong maranasan niya ang mga naranasan ko dati pero gagawin ko ang lahat h'wag lang mangyari iyon. Ayokong maranasan niya ang buhay ko dati. Mas mahirap pa sa daga.

"Put your things on your playroom baby. Mommy and Tito Kris will talk." Minsan ko pa siyang hinalikan sa pisngi at hinayaan na siyang ilagay lahat ng gamit sa mini pushcart niya.

Umupo ako at nanatiling tahimik habang pinagmamasdan si Beige. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko ng makitang nakapasok na siya sa playroom niya.

"Hindi ko alam na makakaramdam ako ulit ng sobrang takot after so many years. I thought you told everything about his father." Malungkot akong tumingin kay Kristoff. "I am ready, i know pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng takot."

"I won't do that. Alam kong wala pa rin akong  para sabihin lahat sa kanya iyon."

"Thank you Kris. Thank you for everything."

"But i think you have the right to hear this." muli akong nakaramdam ng kaba habang tinitignan ang seryoso niyang mukha.

Matagal ko ng kilala si Kris kaya alam kong may problema kapag ganito siya kaseryoso.

"He's here." napatayo ako at napahilamos ng marinig ang mga salitang binitawan niya. Isang lalaki lang ang tinutukoy ni Kris kaya kahit hindi pa niya nababanggit ang pangalan alam ko na agad kung sino ito. And he wants to see you especially your -"

"No!" sigaw ko kay Kristoff "Anong karapatan niyang puntahan pa kami rito? As far as i know, apat na taon na ang nakalipas simula nang talikuran niya ang responsibilidad sa amin."

Hindi lang takot ang nararamdaman ko ngayon. Mas lamang na ang galit habang iniisip ko ang pagkikita ni Beige at ng walang kwenta niyang ama.

"Hinding hindi siya makakaapak sa kahit saang parte ng bahay ko tandaan -"

"Where is she?"

Bigla akong napalingon sa sbukas na pintuan namin ng marinig ang baritong boses na 'yon.

Napaawang ang labi ko ng makita kung sino ang walang habas na pumasok sa pamamahay ko.

This can't be. Bangungot ba 'to?

Beautiful NightmareWhere stories live. Discover now