(6) MDD

20 12 4
                                    

My Dearest Diary,

Hi my dearest diary may gulay hindi ko alam kung anong nangyayari saakin. Hindi ko alam kung bakit ako naghihintay sa chat, sumusulyap kay Beatrix Lester Scott.


Nababaliw na talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaganto kaagad. Bigla ko nalang naramdaman. Napaka impusible dahil muka nga siyang play boy pero mafall ako.


Wait nafall ba ang tamang word? Ano nga ba dearest diary. Ah alam ko na crush lang. Tama crush lang. Crush is Paghanga. Saka crush lang naman yun ibig sabihin ninahangaan mo ang isang tao. Yun lang yun.


Habang nag lu-lunch ako kanina kasama ko sila Yhara Ann Dela Rosa at Charity Rose Ortega. Sila ang kasabay mo mag lunch for today. Wala kasi yun iba umuwi sila.


Nasabi ko na ba ang name ng friends ko? Parang hindi pa. So ito nga ipapakilala ko sila.


Si Yhara Ann Dela Rosa siya yung bestfriend ko simula grade 6. Actually classmate ko na siya nung grade 2 but we're no close cause she hates my attitude. And also me i hate her back then. I dont know basta i hate her. But from hating each other now loving each other. So yun nga simula grade 6 until now grade 9 or 3rd year highschool classmates parin kami. Stay strong diba. Sana all hindi naghihiwalay. Hehehe char lng humuhugot lang kahit wala namang paghuhugutan. Matalino si Yhara kaso may saltik. Haha alam mo na baliw minsan. Pero masarap kasama.


Si Charity Rose Ortega siya yung bestfriend ko simula grade 7 or 1st year highschool. Tahimik lang siyang tao. Nakalimutan ko na nga kung paano ko siya nakilala eh. Ay ayun alam ko na. Kasi wala siyang kasabay kumain ng lunch kaya naisip namin ni Yhara na samahan siya kumain. Loner siya ganun. Tapos simula nun lagi na kami sabay sabay kumain ng lunch at naging bestfriends. Matalino si Charity pero may time lang na slow. Pero nagegets din naman niya. Matalino rin naman siya.


Si Lily Rianne Montecillo siya yung bestfriend ko simula grade 8 or 2nd year highschool. Naging classmate ko siya nung elementary kaso nakalimutan ko kung anong grade. Kaya namin siya naging bestfriend kasi loner din siya. Wala kasi yung kaibigan niyang si Franz dahil nahiwalay siya kaya kami nalang ang sumama sa kanya at kami ang naging kaibigan niya. Kaya ayun nasama na rin siya saamin. Matalino siya. Siya rin yung sinasabi ko na president namin sa room dahil matalino siya. Mabait si Lily medyo makulit pero ayos lang lahat naman kami makulit eh.


Si Rainshell Devilla siya yung bestfriend ko simula grade 8 or 2nd year highschool. Sa totoo lang classmate ko na siya nung grade 7 or 1st year pero hindi ko siya close. Hindi ko alam basta hindi ko siya close. Pero nakakausap ko naman siya pero hindi kagaya ng iba na kasama mo siya kumain. Nauwi siya kaya hindi niya kami nakakasabay. Basta ganun hindi namin siya close. Mas naging close lang namin siya nung grade 8 na hanggang ngayon. Matalino rin naman si Rainshell pero tahimik, minsan moody lalo na kapag meron. Hehe alam niyo na girls hehe.


Sila yung mga kaibigan mo. Mga baliw sila just like me. Kaya nga magbe bestfriends kami eh kasi magkakapareho kaming baliw. Pero seryoso ang usapan nagseseryoso naman kami. Dahil hindi lahat ng bagay nadadaan sa kalokohan. Oh diba dearest diary hehe.


So yun nga ang kasabay kong kumain ng lunch ay si Yhara Ann at Charity Rose. Wala kasi si Lily Rianne at Rainshell kasi nauwi silang dalawa. I mean si Lily kasi nauwi sa bahay nila. Si Rainshell may baon siya at dun siya kumakain sa bahay ni Lily. Kaya sabay sila.


Alam mo dearest diary i find Beatrix Lester attractive. I dont know why but his really attractive. I just feel it and find him attractive. His handsome, kind, gentlemen, pero mayabang lang.


Hay nakaw dearest diary nababaliw na ata ako. Alam mo hindi ko alam kung di ko maiwasang tumingin sa kanya. Yung sulyap sulyap ba. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganoon.


Alam ko ganun ako pag crush ko yung tao. Now it tells me that i have a crush on him. Hay sumusobra naman ata. Ewan hindi naman kasi ako nagkaroon ng crush na classmate ko lang. I mean nakakasama ko lang sa iisang room.


Grabe di ko na alam dearest diary. Hay kung crush ko siya edi crush ko siya. Hindi naman big deal yun diba.


Love,

Haisley Ashlyn Del Vuego

My Dearest Diary  (Problem, Love Starts At 3rd Year)Место, где живут истории. Откройте их для себя