Falling For You

46 4 20
                                    

"Kuya, 'yung sukli niyo!" malakas kong sigaw nang makalabas sa convenience store na pinapasukan ko. Napaurong ako nang mapagtantong pinagtitinginan ako ng mga tao.

Nakakahiya! Gaano ba kalakas ang sigaw ko? Huhu. Eh, basta! Kailangan kong ihabol ang sukli niya.

"Kuya, sandali lang po! Kuyang naka-blue, 'yung sukli niyo p—AY, PUSA!!" biglaang sigaw ko nang may mabangga ako at mahulog sa kalsada ang mga hawak kong buong pera at barya.

Bahagya akong umatras para tignan ang nabangga ko, pero kamalasmalasan at bigla akong natapilok at napaupo sa semento!

"Ayos ka lang ba?" dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Nakangiti siya at halatang nagpipigil ng tawa.

Nagbaba ang tingin ko sa nakalahad niyang palad, nakanguso ko iyong tinanggap.

Pinapagpag ko ang pwetan nang makatayo. Huhu. Kapag minamalas ka nga naman.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pinupulot ng nakabangga saakin ang mga nahulog na pera.

Hala! Kaagad akong yumuko para tulungan siya. Pupulutin ko na sana ang natitirang limang piso nang kamay ko ang nahawakan niya. Kaagad ko iyong binawi.

My virgin hands! Huhu! Pero, nahawakan niya na rin naman noong tinulungan niya akong makatayo... Edi, hindi na virgin? Huwaahh!

"Eto, oh..." madali kong kinuha sa palad niya ang mga perang napulit niya. Nag-angat ako ng tingin at hinanap ang lalaking kanina ko pang hinahabol.

Tumingkayad na ako at hinabaan ang leeg pero hindi ko na siya matanaw.

Paano ko na maibabalik ang sukli niya?Paano na 'to?

"Ang layo ng tingin mo, sino bang hinahanap mo?" kagat-kagat ko ang labi nang lingunin siya pagkatapos ay napakamot sa batok.

"Ah, eh, kasi... 'Yung mama, naiwan niya 'yong sukli niya... Ibabalik ko sana, eh," hindi ko pa siguradong sagot sa kaniya.

Tama bang nakikipagusap ako sa isang stranger? Eh, mukha naman siyang harmless.

"Ah, gano'n ba? Sige, mauuna na ako, ah? Pasensya na pala sa kanina," nahihiya bagaman nakangiti niyang sabi.

Hindi ko naman maaninag 'yong buong mukha niya, nasisilaw ako sa sinag ng araw at nakatalikod naman siya sa ilaw. Sinuklian ko siya ng ngiti, na mas matatawag na pag-ngiwi.

Nakatungo akong naglakad pabalik sa convenience store, habang nakangusong tinitignan 'yong naiwang sukli nang lalaki. Siguro, nagmamadali siya kaya hindi niya na naisip na malaki ang sukli niya.

Ano nalang ang gagawin ko dito? Huhu.

"Amy, ano nahabol mo?" bungad na tanong saakin ni Aliana, ang katrabaho at kaibigan ko. Inilingan ko siya. "Eh, hayaan mo na,"

"Anong gagawin ko rito?" pinakita ko sa kaniya ang hawak kong pera.

"Iuwi mo!" tumatawa pa nitong sagot. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ano kaba? Hindi naman akin 'tong pera!" paasik kong wika.

"Biro lang, gaga! Babalik naman siguro iyon kapag naalala niya ang sukli niya. Ayusin mo na 'yang mukha mo, at baka malugi tayo,"Hindi ko na lang siya pinansin at lutang ang utak na bumalik sa counter.

Napasandal ako sa shelf ng sigarilyo at tinanaw ang kabuoan ng convinience store.

Napukaw ang atensyon ko nang lalaking nakatayo sa dulo. Nakaharap siya sa upright freezer. Ang tangkad niya, mas matangkad pa sa freezer na iyon.

Ibinalik ko ang atensyon sa customer na nasa harap ng counter at sinimulang gawin ang trabaho ko bilang cashier.

"Thank you for coming. Have a good day," binigyan ko ng matamlay na ngiti iyong babaeng customer pagkatapos iabot sa kaniya ang paperbag na napamili. Hindi man lang ako nginitian pabalik.

 Falling for You || COMPLETED!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant