Chapter 9

56 24 0
                                    

Natapos ko na yung isa pang activities na pinagawa samin hindi narin siya nilagay sa folder dahil auto pass na yon through messenger kay ma'am pinicturan ko lang yung activities na yon at pinasa ko na.

***

Next Day.

Nagising ako ng may kumakatok sa pintuan dito sa kwarto ko dumiretso kaagad akong cr para maghilamos ng mukha. Sunday naman ngayon wala kong gagawin pagkagising ko mag-work out ako pero ngayon iba dahil bigla kong pinuntahan ni mom dito sa kwarto ko.

"Dear, are you awake?" tanong niya sakin.

"Yes, Mom. Why?" sagot ko.

"Were going somewhere please take a bath and change your clothes, Anak. Dali!" nagmamadali pang sabi ni Mommy.

"Mom?"

"Bilis na anak. Hurry up." - Mommy.

Wala na kong nagawa kaya sinunod ko nalang. Why should i wear? Naligo muna ko then ng matapos ako pumili nako ng susuotin ko.

Sinuot ko yung dress shirt na color dark green and isang sling bag na binili ko sa isang store sa mall and sneaker na plain white. I put a light make-up wala talaga kong alam-alam kung saan kami pupunta nila Mommy and I guess family date ito. Bumaba na ako at eksakto lang dahil tinatawag nako ni Mommy sumakay na kami ng kotse at si Daddy na ang nag drive.


"Mom, saan po tayo pupunta?" tanong ko at tinignan ko siya sa rear view mirror.

"It's Sunday today. So it's a family date since pare parehas tayong busy at ito lang ang vacant time namin ng Daddy mo kaya kakain tayo sa labas." nakangiting sabi niya at ngumiti rin si Daddy sakin sabay tango.

Ang gaan lang ng atmosphere sa loob ng sasakyan ni Daddy tumingin lang ako sa bintana sa loob ng sasakyan nagkabit lang ako ng earphone sa magkabilang tenga ko.

Andito na ata kami? Para siyang old fashion house pero isa siyang classic restaurant. Ang ganda at ang vintage tignan.

'Hmmm, nice.'

Umupo kami sa tatluhang table at binuklat ang menu book since I crave sa lutong bahay nagorder ako ng chicken adobo ang all time favorite ng lahat then ice cream at yung drinks ay isang glass of water.

Ang ganda ng ambiance dito sa restaurant na ito ang gaan lang ng feeling at first time ko lang makapunta sa ganitong lugar usually ang pinupuntahan namin nila Mommy ang hotel restaurant. May mga ganito palang lugar?

Sinerve na ang food namin pero bago yun nagdasal muna kami at kumain na naguusap lang sina Mommy at Daddy tungkol sa business kaya hindi ako nakikisali sakanila ng mapunta na ang usapan sakin.

"I heard meron daw sayong nambubully sa school mo, Alliana." Pinunasan ko ang lumampas na ice cream malapit sa labi ko gamit ang isang tissue paper.

Paano yon nalaman ni Daddy? Nako po! Sino kayang nagsabi sakanila?

"Dad." kinakabahang sabi ko. 

"Hindi naman na niya nako inaasar, Dad." Dugtong na sabi ko pa kay daddy.

"Valen? Vale? Yun ba ang apelyido non?" nakatingin na sabi niya sakin.

"Valez po, Dad." saad ko.

"Ayoko lang ulit na malaman na may nangbubully na naman sayo, Alliana. Kung hindi I will transfer you sa ibang school." pagwarning niya sakin.

"Yes po, Dad." sagot ko.

Saan naman kaya nalaman ni Daddy yon? Hindi kaya sinabi ng school or inalam ni Daddy? Hays. Kahit kailan talaga yang lalaki na yan. Tsk!




Argh! Malrick! Nakakainis ka talaga!


Muntik nako dun. Sabi ko nga gantihan nalang kami. Inuna namin ang pagsisimba kaya dumiretso na kaagad kami sa old fashion house restaurant na yon.


Nagtext sakin si Sheena at Layla dahil nakikipagkita sakin kaya nagpahinto ako kina daddy sa may mall. Oh, wait. My car! Shocks hindi ko pala dala! Nevermind dala naman ni Layla ang car niya magpapahatid nalang ako. Nandito na kami sa mall at pinarada na ni Layla sa parking lot ang kotse niya.

"Uy! Long time no see guys!" Lumingon kaming tatlo sa nagsalita si Shaun yung friend ng epal na yon! Magkakasama pa talaga sila!


"Saan kayo niyan?" tanong naman ni Josh kay Layla.

"Sa sinehan gusto kasing manood ni sheena ng bagong palabas eh ito nagyaya sinama kami." sabi ni Layla.

Ah kaya pala si Sheena yung nagimbita samin hahaha! Naalala ko kasi yung text sakin ni Layla hindi raw siya makatakas kay Sheena dahil ang kulit daw. Perks of being a only child hahaha!

"Ano dude?" sambit ni Shaun kina Josh at Malrick.

"Go." sagot ni Josh.

Magkakahilera kaming naglalakad patungong sinehan. Talaga namang pati sa upuan talaga naman o! Magkatabi kami.

Lupa kainin mo na ako. Argh!

Di ba sinabi ko na nga sainyo iniiwasan ko na si malrick ayoko lang ng away dahil baka mangyari na naman yung sa so called 'girlfriend' niya raw kuno. Duh! Kukuha na sana ko ng popcorn ng masagi ko yung kamay muntik na yon ah muntik ko ng makuha kamay niya imbis na popcorn. Amporkchop!

"Why?" tipid na tanong ko. He's staring at me na pasulyap-sulyap pa at parang may gustong sabihin nagulat pa ako ng bigla siyang lumapit sa akin at may binulong.

"Namiss kita." hindi ako nagreact pero agad akong napalunok ng walang dahilan sa sinabi niya.



'He missed me?'

"Ano?" tanong ko pero nakafocus lang ang tingin ko sa screen.

"Sabi ko namiss kitang asarin hahaha!" natatawa pang sabi niya.

"Whatever!" bulyaw ko hinampas ko siya na medyo may kalakasan yon kaya napadaing siya namumuro na siya sakin! Nung una yung sa kinuwento ni Daddy tapos ngayon eto. Aba naman! Gosh! Malrick! Tumingin samin si Layla at parang tinanong kung okay lang ako nginitian ko naman siya ngumiti rin si Malrick para assured kung okay lang pero pilit lang yung ngiti na yon dahil nga sa paghampas ko. 


Four-thirty ng tignan ko ang oras sa relo ko. I need to go home early mabuti nalang at tapos na ang panonood namin kaya nagdecide narin si Layla na umuwi. Pumunta na kami sa parking lot kasunod ang tatlo binuksan na ni Layla ang pintuan ng kotse niya at pumasok na si Sheena sa back seat ako naman ay pumwesto doon sa passenger seat pinauna kami ng boys umalis bago sila.


"Bye, guys ingat kayo." sambit ni Shaun.


"Sige kayo rin." sigaw ni Layla dahil ang ingay ng makina ng kotse niya. Isasarado ko na sana yung tinted window ng pumunta si Malrick sa bintana nito.


"Bye, Alliana. Asar talo hahaha!" nakangiting sabi niya na may halong pangaasar.

"Ewan ko sayo!" sinarado ko na ang bintana ng kotse ni Layla ng tignan ko si Sheena ay nakatulog na.

"Naks." nakangiting kantyaw ni Layla.

"Kainis talaga yon." saad ko.

"Ganyan talaga si Malrick mahilig mangasar pero ewan ko lang kung bakit ikaw ang lagi niyang puntirya hahaha!" nakangiting sabi ni Layla habang nakatingin ang mata sa daanan.


Me?


Pero marami siyang inaasar di ba. Why would I even care about that, tsk!

A War Zone Love (Love Warning: Alert)Where stories live. Discover now