"What is the last thing you remember?" tanong ng Psychiatrist kay Justin. At first, he was hesitant to know his condition if he has one but his mind keeps telling him to do so. Nasa isang kuwarto sila, at puro puti lang ang pintura ng paligid. Iniisip niya ang tinatanong sa kaniya nito. Si Shenice naman ay iniwan niya roon sa private ward nang tinawag siya ng nurse kaya ngayon ay narito siya sa puting kuwarto lamang.
"Hijo," the doctor snapped him. Bumalik na lang siya sa ulirat nang inalala niya ang mga nangyari bago siya inatake ng kung ano man iyon. Humugot siya nang malalim na hininga at kasabay no'n ay ang pagsandal niya sa upuan. Hawak-hawak niya ang stand ng kaniyang dextrose at napatingin na lang sa kamay niyang balot na ng mga bendahe. Kung naging maingat lang sana siya ay hindi niya natabig ang dextrose stand niya.
Nang maalala niya ang nangyari. He almost made out with Shenice. Kailangan pa bang detalyado ang paglalahad niya ng pangyayari? Bagamat hindi naman ito korte. Pinagsalikop niya ang mga daliri sa kamay at saka niya pinatong sa mesa. He feels so drugged. Hindi niya alam o baka siguro sa ininom niya lang na gamot kanina bago magsimula ang counselling.
"Yeah..." panimula niya saka inayos ang upo. "We just kissed then she suddenly held my... my..."
"Penis?" Napaubo naman siya sa sinabi ng doktor. Tumawa pa ito. "Relax, Justin. Sanay na ako sa mga ganiyan," anito at tila may sinusulat sa notes nito.
"What else happened?" Muli ay naging seryoso ang mukha nito na tila kinikilatis ang mayroon sa isip niya. Why does he feel awkward? Napalunok siya at saka tumingin sa dingding.
"She gripped my... my... yeah, penis... then that's the start of it." humugot siya ng lakas ng loob para hindi maging patay ang ambiance sa kuwartong iyon. Umayos siya ng upo at saka itinabi niya ang dextrose sa gilid. "I felt a sudden dizziness right after that. I just can't explain how hard it would be. It feels like something is stopping me to breathe in which I can't move in any single distance. My body just froze then cold sweats are coming out from my pores. And... and..." napailing-iling siya. Ngumiti naman ang doktor at saka tumango-tango sa kuwento niya. Tiningnan lang siya nito na tila hinihintay ang susunod pa niyang sasabihin.
"And... I don't know. It feels like every single vein in my heart just stopped working. It's like... some of it has ruptured. Sinabi rin ni Shenice na nagsuka ako pero hindi ko iyon namalayan... it's traumatizing me. I don't want to feel that again, doc. Some of the doctors here checked me and they said that I am normal. I... I don't know what's happening to me." Napaluha siya sa sinabi niya. His voice while speaking was trembling. He just can't explain it right away. His American accent as well went out when he speaks English. Binasa niya ang labi gamit ang laway at saka pinunasan niya ang pawis na tumutulo sa noo niya.
Hindi niya alam pero naiinitan siya kahit naka-air conditioner naman ang buong kuwarto.
"Okay, Justin, I want you to inhale," Justin inhaled. "Exhale," kumawala siya ng hininga. Tumango naman ang doktor na tama ang ginawa niya.
"Justin, do you have any bad experience on your past? Did someone assault you before?" Mahinahong tanong nito sa kaniya at bigla na lang may sumagi sa kaniyang isipan noon. Noong nakilala niya ang taong nagbigay sa kaniya ng paraan para guminhawa sa buhay noon sa Amerika.
"ON YOUR KNEES!" Pasigaw na turan ni Miss Jackson nang malaman nitong may kinikitang babae si Justin at saktong nahuli siya nito. He was just eighteen. The contract that he signed with the old lady was four years. He was just on his second year. Napayukom na lang siya ng kamao at saka sinunod ang utos ng matanda.
"How many times I told you that no other woman than me! No other girls than me! Don't you get that you stupid little shit?!" Hinampas siya nito ng tsinelas sa mukha. Napapikit siya at kasabay no'n ay ang pagtulo ng luha niya.
YOU ARE READING
Behind His Feelings (Completed)
General Fiction"Many years have passed but it's you. It's always been you." Growing up in a different side of the world, Justin is still pursuing his dream to become a business man at a very young age. He also has a secret feeling towards his little sister, Josell...