1

1 1 0
                                    

"Ayoko na! Sawang sawa na ako sa ipinapakain sa atin ng tatay niyo! Tuyo at Toyo ang palaging ulam hindi alam kung bakit ko natutunang pakisamahan yang tatay niyo! Walang kwenta! Ilang taon, ilang taon kong tiinis ang isang kahig isang tuka!" Singhal ni mama kay papa habang nag babadyang umalis."

Maaaaaaaaa! Sigaw ng kapatid ko para pigilan si mama

Pa! Pigilan mo si Mama! Ano ba kailan ba tayo magiging buo?! Sigaw ni Khate ang bunso saamin 8 years old pa lamang siya kaya nag hahanap siya ng kalinga ng isang magulang.

Ako ito sanay na ako, nag badyang umalis na si mama noon ganyan din ang naging reaksiyon ko katulad ng pag iyak ng kapatid ko,ngayon wala ng epekto sakin ang pag alis ni mama 10 years! 10years kong tiniis ng walang ina saka ko paba iiyakan si mama ngayong matanda na ako? Nag dadalang tao yan nung umuwi dito tinanggap ni papa na buntis si mama at tinuring na parang isang totoong anak si Khate walang kaso sakin yun dahil hindi naman si Khate ang may kasalanan kundi ang nanay namin,at hanggang ngayon hindi alam ni Khate na half sister namin siya Umalis siya! Sanay na mang siyang mag iwan, kaya niya nga kaming iwan ni ate Gian dati  ngayon pa kaya, 3 years old ako samantalang 5 years old palang si ate nun nang iniwan niya kami.

Maraming nag sasabi mature na raw akong mag isip ang akala ni wala lang saakin ang halos araw-araw na pag aaway nila duh! Naapektuhan ako no! Hindi ko lang pinapakita dahil kung iiyak lang ako ng iiyak walang mayayari sa pamilyang to. Ito namang si ate napaka bait soft hearted siya kaya sobrang naaapektuhan sa mga problema,masyadong dinidibdib kahit wala siya nun!.

Umalis nalang ako para mag igib naputulan nanaman kami ng tubig at maraming hugasin kung makikiiyak lang rin ako sa kanila dahil sa kaartehan ni mama baka ma tutunong yung kanin sa plato mas lalo akong mahihirapan sa pag huhugas.

"Hoy! Bebang"tawang  sakin ni Tokne ang baho ng pangalan no? Theon real name niya childhood friend ko ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko to.

"Ano?"  Sagot ko habang hinaharang ang kamay ko sa mukha dahil ang init.

"Nakita ko nanay mo may dalang bagahe ah!" Nag lakad nalaang ako paalis walang kwenta naman pala yung sasabihin sayang lang oras ko!

"Sabihin mo lang kung anong problem makikinig ako!" Sagot sakin ni Tokne

"Ge lang" walang pakeng sagot ko hindi paba siya sanay na sanay na ako sa mga kaartehan ni mama

Pumunta na akong poso libre lang pag taga dito ang mag iigib.

"Hi Bebang!"  Bati sakin ni Raul

"Hoy! Raul siraulo ka talaga! Ano nanamang ginagawa mo dyan!" Sigaw sa kanya ng nanay niya habang naka sandal sa puno si Raul.

Tapos nako mag pa puno ng tubig kaya bumili muna ako kila ate Nena ng dishwashing liquid.

"Pabile Joy" katok ko kay Aleng Nena

"Oh! Si Bebang pala to! Ano atin?" Tanong niya

"Joy po yung maliit isa" sabi ko habang dinudukot sa bulsa ko yung pera

" Oh! Ito balita ko umalis mama mo ah! " Sabi ni aling Nena pero hindi nalang ako sumagot binigay ko lang yung bayad sabay alis hindi naman ako pumunta doon para makipag kwentuhan kaya bakit ako sasagot? I have a right to remain silent!.

Binuhat ko nalang ulit yung timba at pumunta na sa bahay.

Pauwi ko sa bahay nagsalita agad si Khate

"Ate wala kabang paki sa pamilya natin?" Tanong naman niya

"Pa'no mo naman nasabi?" Sagot ko naman

"Kase nag igib ka lang ng tubig hindi mo manlang pinigalan si Mama"

" Alam mo Khate kung iiyak ako at pipigilan ang pag alis niya mahuhugasan ba ang platong pinagkainan natin magkakaroon ba tayo ng tubig? Mababayaran ba natin ang mga utang natin? Diba hindi kami nakaya na niya kaming iwan wala ka noon,10 years kaming nabuhay ni ate ng wala siya ngayon paba na nakasanayan na naming walang nanay,hindi sa wala akong paki kay mama ang akin lamang kung gustong kang iwanan ng isang tao iiwan ka niya,kung mahalaga ka sa kaniya mag sstay siya,ayokong pigilan si mama hindi dahil ayoko na sa kanya ayoko lang na pilitin ko siya na tumira dito at araw-araw na naririnig ang pag aaway nila ni papa, hindi porke hindi buo ang pamilya hindi na natin kayang mabuhay mag isa, iiyak mo lang yan ngayon at ipagpatuloy ang buhay may kapalaran na nag hihintay sa atin". Mahabang paliwanag ko kay Khate.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE DESIREWhere stories live. Discover now