treinta y cinco

1.2K 67 38
                                    




NATHALIA

I was not immediately moved by surprise when I saw a person I had not expected to see in a stranger's place.  Even though she approached me to get the lampshade, I still couldn't speak when I saw her. Hindi ko Kasi siya inaasahang makita doon.

"Baby wife?" mahinang tawag niya sa akin. I guess napansin niya din yun dahil hindi talaga ako natinag sa kinatatayuan ko."It's me..."napaangat ako ng mukha sa kanya at pareho kaming nagkatitigan. "Natakot ka marahil dahil sa ginawa nilang pagdampot sayo."

"Margaret?"tawag ko sa kanya. Just to make sure na hindi na naman ito isang panaginip lang or baka multo na itong kaharap ko. Para makasiguro na hindi siya multo, lumapit ako and pinch her skin. I saw her smiling a little.

"Ako nga ito..hehehe.."sabi niya saka napatawa dahil sa ginawa kong pagkurot sa braso niya. "I'm not  a ghost."muli niyang sabi saka hinalikan ako ng mabilisan sa labi ko.

"See..."sabi niya after she pecked on my lips. "its me your one and only Marga, unless meron kang ibang ineexpect na makita maliban sa akin."sambit niya na nagpataas sa kilay ko.

"Wala akong ibang gustong makita maliban sayo. At isa pa kahit ikaw hindi ko inaasahang makita dito dahil ang alam ko nasa US ka and last time I checked you passed out while talking to me on the phone."matigas kong sagot at nilagpasan siya. Pumunta ako sa kama at umupo doon.   She followed me and then knelt down in front of me so that she could see me. Hawak hawak niya ang kamay ko. Sa totoo lang gustong gusto ko siyang yakapin kanina pa at pupugin ng halik sa sobrang pagkamiss ko sa babaeng ito pero wala nilamon ako ng inis ko, takot, at pagkabwesit sa kanya at sa lahat. Kaya manigas siya.

"Alam ko madami akong pagkakamali sayo baby wifey, pero alam ko din sa sarili ko na isa lang ang mapapatunayan ko sayo, yung puso ko sayong sayo pa rin yun. Umalis man ako sigurado ako na isang puso lang ang aking babalikan, isang tao lang ang aking hahanapin. And I'll assure you,itong puso ko na ito ikaw pa rin ang laman at walang ibang mamahalin maliban sayo. Simula nung pinapasok kita sa buhay ko wala na akong ibang gustong makasama pa. Ikaw lang Nathalia."mahaba niyang paliwanag. Kitang kita ko sa mukha niya ang pagod, lungkot at sakit. Yeah, she just lost her dad and ito kami may problema pa. Pero hmm, naiinis pa rin ako.

"What are you doing here?"tanong ko at bigla akong may naalala. "Oh, I get it. Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito no?"

Nakita ko siyang sunod sunod na napatango. In fairness kinilig ako. Merong palang ganito si gurang. Wow haba ng hair mo Nathalia. (inggit kayo wala kayong gurang) I tried not to express the emotion I was feeling right now.Sino ba naman ang hindi kikiligin di ba?

"Gusto ko lang naman na magkaayos tayo. Ang hirap para sa akin na makita kang nahihirapan at nasasaktan dahil sa akin."nakayuko niyang sabi. "Doble doble ang sakita na nararamdaman ko sa tuwing makita kang umiiyak." Hays lintik na gurang. Hinila ko siya patayo at pinaupo sa tabi ko. Ayun hawak hawak pa rin niya ang kamay ko.

"Diyan ka para hindi ka mangalay diyan sa ginagawa mong pagluhod."sabi ko sa kanya. "Now continue mo yung kwento mo at makikinig ako."napatingin ako sa kanya at nagtama yung mga mata namin. God, I miss those eyes of hers. Yung labi niya na pinanabikan kong muling matikman. Yung init ng yakap niya, yung lambot ng katawan na kapag niyakap mo para ka na ring nasa alapaap. Those are the things that I can't find anywhere. Mga bagay na hindi ko din matatagpuan kahit na sinong nilalang. Dahil kahit na meron sila nun, alam ko sa sarili ko na kakaiba pa rin ang sa gurang ko.

"Alam ko ang lahat ng mga nangyayari. Mahirap na wala ako sa tabi mo sa tuwing may nananakit sayo, sa tuwing may mga problema kang kinakaharap. Ayokong mag isa mo silang haharapin. Pumasok ako sa buhay mo kaya kung anong problemang meron ka, andito ako para damayan ka at tulungan ka din. Hinding hindi kita pababayaan. Ako ang kakalaban sa kung sino man ang gustong makalaban ka. Nakahanda akong saluhin ang balang tatama sayo Nathalia kung kinakailangan. Sa tingin mo, hahayaan kitang pumunta sa battle mo na ikaw lang? No! Kaya ito pagkalabas ko ng hospital, dumiretso na ako dito. Nagpakuha ako agad ng permit para makalipad kami and thankfully they granted my request. Kinuha ako ng mga tao ko sa NAIA airport using the chopper at dumiretso na kami dito."

LA VIDA LOCAWhere stories live. Discover now