CHAPTER 13

398 4 0
                                    

CHAPTER 13

Maaga akong pumasok ngayon sa opisina. Dahil sa sobrang aga ko ay wala pa si Zeo, hindi katulad kahapon na mas maaga sya sa akin.

Napaayos ako ng upo nang bumukas ang pinto. Gusto kong mamula sa sinabi nya sa akin kagabi.

Lumapit ito sa akin at may inabot sa akin.

Boque.

Napaangat ako ng tingin, nakangiti ito sa akin.

"Goodmorning." Sabi nito habang may ngiti sa mga labi.

"Medyo na late ako dahil bumili pa ako ng bulaklak for you, and oh!" May kinuha sya sa bag nya at inabot sa akin ang limang piraso ng chocolates.

Automatiko akong napangiti nang makita ko ang chocolates! Maygad! My favorite!

"You like it?" Tanong nito at tumango ako.

Mabilis kong nilantakan ang tsokolateng binigay nya.

"Thank you." Sarkasmong sabi nito at tumalikod na.

"Goodmorning. Thank you for this!" Magiliw na sabi ko dito kaya napahinto sya at nilingon ako. Muli nya akong ningitian.

Sinabi ko sa kanya ang mga meetings at kailangan nyang gawin ngayon at nagsimula nang magtrabaho.

Sa tanghalian naman ay niyaya nya akong kumain sa labas. As usual, sabay kaming naglunch.

Ganyan ang routine namin araw-araw.

It's been a month since he said he wants to court me. Nakikita ko rin sa kanya ang effort nya sa akin.

Minsan din kaming nagkikita ni Lucas. Pero minsan lang dahil busy sya sa trabaho.

"Let's have a dinner later." Biglang sabi ni Zeo habang nakatingin sa akin.

"Later at 8?" Tanong ko dito at tumango sya.

"Okay." Sabi ko dito. Ito ang unang beses naming sabay mag dinner.

"San gusto mo?" Tanong nya.

"Kahit saan." Sabi ko dito kaya tumango sya.

Nang sumapit ang alas 8 ay sabay kaming lumabas at pumunta na sa parking lot.

Nang makarating kami sa mamahaling restaurant ay agad kaming nag-order.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nag-beep ang cellphone ko.

Kinuha ko ito sa loob ng bag.

From: Buddy
Where are you? I am outside of Salazar's.

Nanlaki ang mata ko. Binitawan ko muna ang kubyertos at nireplyan si Lucas.

To: Buddy
I'm sorry buddy, I am having dinner with my boss.

-
From: Buddy
Is he really just boss? Why you let him have dinner with you?

Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya. Tiningnan ko si Zeo na ngayo'y nakatingin din sa akin.

"Sino 'yan? Friend?" Sarkasmo nyang tanong. Tumango ako.

"Nagtext si Lucas, hinihintay ako sa labas ng Salazar's." Sabi ko dito. Di ko alam pero nakita ko ang ngisi sa labi ni Zeo.

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Bakit parang masaya ka?" Tanong ko dito habang hawak hawak parin ang cellphone.

Nagkibit-balikat lang sya.

"He also asked if boss lang ba talaga kita." Sabi ko dito.

"Sabihin mo boyfriend mo ako." Nanlaki ang mata ko.

"Ang kapal ng mukha mo." Sabi ko dito at napailing.

Napatawa nalang sya ay muling kumain.

To: Buddy
He courted me.

Hindi na muling nagreply si Lucas. Nang matapos kami ay hinatid na nya ako sa apartment.

"Salamat sa libre at sa paghatid sa akin." Sabi ko dito.

"Masanay ka ba. Paano ba 'yan bukas ulit." Sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

Hindi na ako nagulat dahil palagi nya itong ginagawa sa akin sa tuwing nagpapaalam sya.

"Ingat ka!" Sigaw ko dito at kumaway.

Pumasok na ako sa loob at humiga sa kama. Napangiti nalang ako. Iba talaga nagagawa ni Zeo sa akin.

Kalahating oras akong nakatingin sa kisame ng may kumatok. Tumayo at at pinagbuksan ko ng pinto kung sino man ang kumatok.

Bumungad sa akin ang malungkot na mukha ni Lucas.

"He courted you?" Tanong nito pero hindi ako sumagot.

"Paano ang napag-usapan natin noon. 2 years ago?" Tanong nya, hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

Ilang minuto syang napatahimik at tumango tango.

"I won't let him win..." Napatingin ako sa kanya.

"May the best man win." Huling sabi nito bago umalis.

-
To be continued

SSS#1: Stripped (on-going)Where stories live. Discover now