Kabanata 1: Something Strange

2.1K 59 10
                                    


"Hoy! Anong ginagawa mo dito sa tambayan namin?"

Natigil sa pagbabasa ng librong hawak niya si Cielo nang isang grupo ng mga kababaihan ang lumapit sa kaniya sa may tabi ng puno. Ang sasama ng tingin ng mga ito na tila ba naghahamon ng away sa kaniya. At tila ba, may balak ito na hindi maganda sa kaniya.

Napangisi lang si Cielo nang makita ang mga ito.

"T-teka, kayo na naman? Inaano ko ba kayo?" ang tanong ni Cielo habang nakatingin sa tatlong babaeng nasa harapan niya. Schoolmates niya ang mga ito at matagal na nitong ginugulo ang buhay niya bilang estudyante sa Del Fuego University. Ngunit wala siyang pakialam sa mga ito. Dahil palagi naman itong mga palpak at mahihina. Kayang-kaya niya ang mga ito kung tutuusin.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko, anong ginagawa mo dito sa tambayan namin?" ang sabi ng isa sa mga babae sa kaniya. Si Monica. Ang lider-lideran sa grupo.

Sandaling natawa si Cielo nang makita si Monica. Nakakatawa kasi ang itsura nito kung pagmamasdan. Sa pag-aayos nito ng buhok at sa kapal ng postura nito ay mapagkakamalan mo itong principal ng paaralan. At para sa kaniya, ay mukha rin itong tanga. Dahil mahilig itong magsuot ng tila necklase sa leeg na kulay itim. Kapag nakikita niya ito, nagmumukha itong aso sa paningin niya.

Nakakatawa ang bagay na iyon para sa kaniya.

"At anong tinatawa-tawa mo diyan? Bruha ka!" ang sabi naman ng isa pa sa kaniya. Si Monique. Ang babaeng mahilig sa away sa grupong iyon

Akmang susuntukin sana siya nito sa mukha ngunit dahil sa sobrang tawa niya ay napayuko siya at tumama ang suntok ni Monique sa may puno. Napaiyak ito dahil sa sakit at mas lalo namang lumakas ang tawa ni Cielo dahil sa nangyari.

"Tanga! Hahaha!" ang sabi ni Cielo habang tinuturo ang umiiyak na si Monique.

Sinamaan siya ng tingin ni Monica dahil doon. Gayon rin ang isa pang miyembro ng grupong iyon. Si Kyla. Tahimik lang ito habang nakatingin sa kaniya. Ngunit sa titig palang nito sa kaniya ay mukhang marami na itong nasabing hindi maganda sa kaniya.

Natatawa na lang si Cielo kapag nakikita niya ito.

Wala siyang panahon para sa mga bruhang iyon. Mas importante sa kaniya ay ang mabasa ang libro na pinahiram sa kaniya ng kaibigan niya na si Carlita. Importante na matapos niya ito agad dahil balak niyang magsulat ng isang fantasy story para sa kanilang magkakaibigan bago matapos ang huling taon nila sa highschool.

Matagal na niyang naisip iyon pero ngayon lang siya sinipag na simulan ang plano niyang iyon. Sisimulan niya muna sa pagbabasa-basa ng mga kwento at panunuod ng mga fantasy movies. Para mabilis siyang makaisip ng mga eksena kapag nakapagsulat na siya. Madali na lang iyon para sa kaniya dahil may ilan na rin naman siyang mga naisulat.

"Alam niyo, kung ayaw niyong makarma, tigil-tigilan niyo na ako. Wala naman kayong mapapala sakin. Mapapagod lang kayo. Kasi hindi rin ako mapapagod na patulan kayo. Mga bruha," ang sabi ni Cielo nang makatayo siya bitbit ang bag niya.

Ngumiti lang muna siya bago iniwan ang tatlo na nakatulala. Hindi makapaniwala ang mga ito sa mga sinabi niya.

"Aba. Ang lakas ng loob niyang takutin tayo," bulong ni Kyla.

"Ang kapal ng mukha! Nakakairita!" sabi ni Monica.

"May araw ka rin saking babae ka!" sabi naman ni Monique.

Hindi na pinatulan pa ni Cielo ang mga narinig niya. Napailing na lang at napatawa ng mahina dahil sa mga bruhang mga sumisira ng araw niya.

Hindi naman siya natatakot sa mga ito.

Cleighsia: A Game of Magic (Re-Magic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang