CHAPTER 8

513 37 4
                                    

INTRAMURALS DAY

Umalis na pala sina Lolo at Lola dahil may kailangan daw silang asikasohin. Eros was still asleep so I prepared the breakfast. Bumili ako ng pancit canton at itlog sa labas.

Alas siete na nang umaga at balak kong pumunta sa university nang alas nuebe dahil mamayang hapon pa naman ang schedule ng match ko. Wala naman akong interest manood ng ibang sports.

Pagkatapos kong magluto ay kinatok ko na sa kanyang kwarto si Eros.

“Eros..”

Hindi ito sumasagot, mahimbing pa ata ang tulog nito. Hinayaan ko na lang 'to dahil magigising din naman 'yon maya-maya dahil sa gutom.

Nauna na akong kumain at inayos ang mga kalat sa loob ng bahay. Medyo maalikabok na kasi sa kisame, kaunti na lang ay magiging kweba na 'tong bahay namin.

Pagkatapos kong linisan ang buong bahay ay naligo na ako, sakto naman kagigising lang ni Eros. Pumupungay pa ang mga mata nito na halatang galing sa mahimbing na tulog.

“Kumain ka na d'yan, manonood ka ba ng intrams?” Tanong ko rito.

Umiling lang ito dahil may laman ang kanyang bibig. “Pero, may pupuntahan ako mamaya.”

“Saan naman?” Agad kong tanong. Pansin ko kasi ang madalas niyang paglabas ng bahay at ang tanging sagot niya ay..

“Kila Nathan,” Tukoy niya sa tropa niyang taga kabilang baryo lamang. “Basketball lang.” Dagdag pa niya.

Wala na ako ibang nasagot kundi pagtango. “Sige, alis na ako.” saad ko kahit hindi pa tapos suklayin ang aking buhok.

“Okay, ingat.”

Lumabas na ako ng bahay at naiwan si Eros na kumakain habang busy sa kanyang phone. Sakto namang may bus na parating pero puno na kaya hindi muna ako sumakay. Nakakangalay kayang tumayo.

Ilang minuto ang lumipas ay may bus na huminto at agad naman akong pumasok nang mapansin na marami pa ang vacant seat.

“Oh, maluwag pa, maluwag pa!”

Saktong alas nuebe nang makarating ako ng university, napakaraming tao sa field, nanonood ng baseball. May mga dayo rin na taga ibang university.

“Van!”

Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan ko. Nakita ko mula sa malayo si Mila na malawak ang ngiti habang patungo sa direksyon ko.

“Oh, Mila.” Agad ko itong binati nang makarating sa harapan ko.

“Good luck sa laro mo!” Aniya.

“Thank you, Mila!”

Naalala ko tuloy yung nangyari no'ng birthday niya. Malawak siyang nakangiti habang sinasayaw at kinakantahan ni Jaxon. Bakit ba naalala ko pa yun, hay.

“Mag start na raw field demo, magpalit ka na.”

Since nasa harapan lang naman namin ang library, sa cr na lang ng library ako nagpalit, hindi rin siya nagdalawang isip na samahan ako.

Pagkatapos kong magpalit ay nagtungo na kami sa field, magsisimula na nga ang field demo dahil nakalinya na ang lahat.

Tanghali na at sobrang init sa field. Para kaming binilad na isda rito. Akala ko magsisimula na pero hindi pa pala dahil magulo pa ang linya.

Embrace Of Night Where stories live. Discover now