KABANATA 7- JEALOUSY INCARNATE

296 48 8
                                    

Kabanata 7
Kahit Ayaw Mo Na
#KAMN
(LovieNot)

Lilah Daza

"Congratulations everyone! Great job!" masiglang saad ni Ma'am Charlotta.

Kakatapos palang ng fashion show at sa kabutihang palad ay matagumpay naman itong natapos. Namayani ang palakpakan sa loob ng hall kung saan lahat ng designers ay nagtipon-tipon.

"Lilah, sobra mo na naman akong pinahanga, ang gaganda ng mga gawa mo," nakangiti nitong baling sa akin. Sa lakas ng pagkakasabi nito ay paniguradong may nakarinig na iba including Dara na medyo malapit lang sa kinaroroonan namin.

"Thank you for the compliment Ma'am Charlotta, thanks to my team also." Napatango-tango lang ito.

Binati at pinuri niya din ang iba pang mga designers. Kinausap pa ako ni Ma'am Charlotta kaya hindi agad ako nakaalis ng hall.

"Congratulations Miss Lilah Daza," bati sa akin ni Perrel sabay beso, lalaki lang ang kanyang tindig, kilos at pananamit pero alam kong bisexual siya.

"Congratulations din sa team mo Mr. Perrel Lopez," nakangiti kong saad. Nagyakap din kami at hanaplos ang likuran ng isa't-isa. We're friends naman kahit magkaibang company kami nanggaling. Minsan din kasi kaming nagkasama sa isang seminar.

"Correction, it's Pearl not Perrel. Ang ganda mo talaga, inggit ako sa beauty mo," tila nanggigil niya pang saad at hinawa ang buhok ko na bahagyang nakatabing sa kaliwang pisngi ko.

"Mas maganda ka sa akin kapag naging babae ka na," sabay pa kaming natawa. Kinuha niya ang kamay ko at ikinawit sa mismong braso niya.

"Girl, tingnan mo iyong jowa ni Ma'am Charlotta, ang gwapo at mukhang yummy." Hinampas ko naman siya habang natatawa na lang din.

"Baliw, kapag narinig ka ni Ma'am Cha, ipapatapon ka talaga niyan sa Planet Charotera."

"Charotera talaga? Pero mas yummy yata iyong CEO mong boyfie ah? Ipakilala mo nga ako kay Fafa Alester Hernandez," malandi niya pang sambit. Hindi ko mapigilang matawa.

"Huwag na, dagdag ka pa sa bilang ng dapat kung ilayo sa kanya." Nagtawanan na naman kami. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong lumabas na ang team ni Dara.

Maya-maya pa ay nagpaalam na ako na uuwi dahil sa pagod na nararamdaman ko. Eksaktong 2:00 a.m na rin natapos ang show at ngayon ay malapit ng mag 3:00 a.m.

Dapat ay may party pa kami ng team ko pero na pag-usapan naming sa ipagliban na lang muna. Lumabas na ako ng building at agad na dumiretso sa parking lot. Bagsak ang katawan ko ng makaupo na ako sa driver seat. Agad na tinahak ko ang daan papuntang condo. Nakakaramdam na ako ng antok kaya binilisan ko na ang takbo.

Malayo palang ay natatanaw ko na ang kotse ni Alester sa harap ng LC Building. Napakunot noo ako dahil sa pagtataka. Bakit nandito pa siya sa ganitong oras? Umagang-umaga na ah?

Binagalan ko ang takbo ng aking sasakyan. Inihinto ko ito sa bandang likuran ng kanyang kotse saka bumaba na. Agad na hinanap ng aking mga mata ang kinaroroonan niya.

Napakagat ako sa aking labi ng makitang kaharap niya si Dara. Nakita ko din kung paano niya iniabot sa babae ang bugkos ng bulaklak. Tila lahat ng antok sa sistema ko ay nawala at napalitan ng sakit.

"Congratulations."

"Thank you Ale. Gusto mo bang pumanhik muna sa unit ko?"

"Hindi na, susunduin na lang kita mamaya."

Hindi na ako nakakilos pa sa aking kinatatayuan. Tanging paglunok na lang ang aking nagawa. Pinilit kong ihakbang ang aking mga paa pero hindi ko talaga magawa.

Kahit Ayaw Mo Na (LC Series#1) Where stories live. Discover now