Chapter 5

1 0 0
                                    

THIRD PERSON 'S POV

Nakatayo pa din si Aqua sa parking lot kung saan sya iniwan ng dalawa. Di nya alam kung bakit sya nasasaktan, di nya alam kung bakit ganito o maaring alam nya pero ayaw nya lang paniwalaan.

She doesn't want to feel this but she can't stop herself being hurt.

"So, anong feeling na makitang yung lalaking gusto mo ay patay na patay sa bestfriend mo?" isang matinis na boses ang narinig nya kaya sya napalingon.

"Anong sinasabi mo tigilan mo ako" matapang nyang sabi.

"Wag ka sa akin gumawa ng eksena Aqua. Sinunod na nga kita sa gusto mong lapitan ko si Hash diba? Wag kang magalala I'm on your side Aqua, bwiset na bwiset ako sa kaibigan mong yan dahil napaka attention seeker muntik ka na din madamay pero mukhang bwiset ka na din sa kanya ngayon kaya I'm on your side Aqua girl" maarteng tugon ng babae.

"Tigilan mo ko Via." yes she is the girl na lumalapit at pumupulupot kay Hash. Inutusan sya ni Aqua na gawin yun kay Hash at tingnan ang reaksyon ni Callie. Pero may parte sa kanyang pabor sa kanya ang ginawa.

She loves Hash. Late na ng malaman nya yun, noong una di sya sigurado, napaka indenial nyang tao. Pero as long as lalong napapalapit si Callie at Hash parang nadudurog ang puso nya. At napagtanto nyang mahal nya si Hash. Pero si Callie ang gusto nito. Si Callie ang mahal nito. Si Callie na bestfriend nya, si Callie na mahal na mahal din nya.

"Why? Ayaw mo bang mapasayo si Hash? Balita ko hindi pa naman willing yang si Callie na maging boyfriend itong si Hash, so sasaktan nya lang tao na mahal na mahal mo. Papayag ka ba?"

"Tama na please Via. Ayoko. Kahit mahal ko pa sya, mahal ko din ang kaibigan ko. Pipigilan ko pa din. Patawad kung pinagawa ko yun sa iyo."

"Oh! Cut that shit Aqua! Di na uso yan ngayon mas uso ngayon ang maging palaban, ipaglaban mo ang nararamdaman mo sa tao. Tsaka kung mahal ka ng kaibigan mo magpapaubaya sya tutal wala ka namang reklamo kung palagi syang number one at number two ka lang baka dito mapagbigyan ka nya. And sorry ah, I really want to be noticed pero dahil dyan sa kaibigan nyo para lang akong asong sunod ng sunod sa inyo. Top 3 sa beauty contest, top 3 sa quiz bee's top 3 sa lahat. Gusto ko namang makaangat angat kahit papano. So if you will help me, I will help you too. Ano? Deal? "

" Wag ngayon. Pagiisipan ko. Mauna na ko Via. "

Gulong gulo nyang tinalikuran ang babae. Di nya alam kung gagawin nya pero lamang pa din ang pagkakaibigan nila ni Callie kaya sa ngayon di sya papatol sa gusto ni Via. Wag lang may magtrigger ng nararamadaman nya kay Hash, paniguradong bibigay sya.

MABILIS na lumipas ang mga araw. Halos dalawang buwan na lang at graduation na kaya mas lalong naging busy ang buong paaralan at mga estudyante nito.

Sa kabilang dako, Callie and Hash gets closer, mas naging smooth din ang relasyon ng dalawa, perfect relationship kung maituturing. Pero sa kabila ng magandang daloy ng relasyon nina Callie at Hash, sya namang pagkasira ng pagkakaibigan nina Aqua at Callie.

Madalang na lamang silang magsama, umiiwasnsi Callie dahil alam nya kung gaano sya kahina pagdating sa nararamdaman nya.

"Aqua. Iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Callie sa kaibigan. Ito lang yung oras na nakakita si Callie na komprontahin ang kaibigan, pansin nya ang paglayo ng loob nito sa kanya.

Kasalukuyan silang nasa library dahil sa pagaasikaso ng requirements na ipapasa nila kasabay din nun ang pagalis ng ibang mga kaklase nina Callie at Aqua kaya napagpasyahan ng dalaga na kausapin na nag kaibigan.

"Hindi ah. Pano mo naman nasabi?"

"Napapansin ko lang. Umiiwas ka sa tuwing kasama ko si Hash. Galit ka ba sakin? Ayaw mo ba sa kanya?"

"Ba-bakit naman ako magagalit? Di talaga wag mo ng pansinin yun mauuna na ko dahil kailangan ko pang ipacheck ang gawa ko Cal. Sige ah."

Sinundan ni Callie ang kaibigan. Nakarating sila sa room nila na halos wala namang tao.

" Wait Aqua. I'm not satisfied halatang galit ka. Ano bang nagawa ko? Baka magagawan ko pa ng paraan. Nasasaktan na ko sa trato mo sa akin e "

" Magagawan mo ng paraan? Sigurado ka? I'm not sure. So please Callie hayaan mo na muna ako."

Pagtalikod ni Aqua narinig nya ang sinabi ni Callie na halos dumurog din sa kanya.

" Kami na Aqua. Almost 1 week na din matagal ko ng gustong sabihin pero umiiwas ka. "

" Well congrats "Aqua said kasabay ng pagtulo ng luha nya at mabilis na nilisan ang silid.

" No! No! Akala ko kaya ko, ang sakit pala. Ang sakit sakit. Di ko kaya. Mahal na mahal ko si Hash" sigaw ni Aqua. Nagtungo sya sa rooftop ng school nila at doon nilabas lahat ng saloobin.

Isang palakpak ang narinig nya at agad naman nyang nilingon ang pinangagalingan nito.

" Well. Sinabi ko naman kasi sayo diba Aqua? Nahuli ka tuloy. Paano na? Ganon na lang? Poor Aqua. Masayang masaya na ang kaibigan mo habang para kang tanga dyang umiiyak." nakita nya si Via na nakatayo. "Narinig ko lahat kanina. At kung ako sayo matagal na kong puma-"

"Pumapayag na ko." malamig na tugon ni Aqua. " Pumapayag na kong sirain mo ang dalawa. Galingan mo. Dahil gagawa ako ng paraan umangat ka pero siguraduhin mong sa akin babagsak si Hash. Kung hindi pati ikaw aapakan ko."

"Woa easy girl. Sure you've made the right choice. Well madali lang naman landiin yang si Hash. Ako na bahala"

"Siguraduhin mong sa akin ang bagsak. Hindi sayo."

"Like iw. Di ko sya type okay? Yes he's ahm. Yummy and hot but I have a lot of boys so no need."

Pagkasabi nun ay agad na umalis ito. Bakas pa rin ang galit at inggit kay Aqua. Nasa isip nya na tama ang ginawa nya. Na nagmahal lang naman sya, ito ang unang beses na naramdaman nya yun kaya ipaglalaban nya yun.

" I'm sorry Callie but this time I need to fight for what I think I really deserved. I can't lose him. Hash is the only thing that keeps me going pagkatapos kung makumpirma ang nararamdaman ko gusto kong unahin naman ang sarili ko. Di naman siguro masamang lumaban diba? Di siguro masamang ipakita ko ang tunay kong nararamdaman. I'm done being your shadow. If this will going to be a competition between us then I'll gladly accepts the challenge. Mali na may premyo ka na kung di ka naman lumaban. I want a fair fight."

Aquarine was eaten by jealousy and too much love. She felt that this is her first time falling hard for a particular person, her competitive side appears when she thinks it needed.

Kahit alam nyang may parteng mali dahil una pa lang alam nya kung sino ang gusto ni Hash. She can't do it. Gusto nyang lumaban, kahit ikaubos pa nya. Hindi sya madaling mahulog sa isang tao pero once her heart decided ilalaban nya muna bago isuko.

She loves Callie, but she loves Hash too. She was torned between her bestfriend and the man she loves. Alam nya sa sarili nyang sinubukan nyang  pigilan pero di sya nagtagumpay. What will happened next? Will she going to regret that decision? As of now, she really don't know. Maraming tumatakbo sa isip nya habang pumapatak ang luha sa mga mata nya. Masakit sa kanya pero gusto nya talagang lumaban. Gustong gusto.

T E A R  Where stories live. Discover now