leader 8

66 11 0
                                    

Nandito na ngayon silang lahat, nagsimula na rin kaming gumawa ng project. Medyo mahaba haba ang proseso kaya kailangan na maaga kami magumpisa pero kahit na madami kami ay minsan talaga nakakainis pag sobrang ingay ng mga kagrupo mo. Mas nauuna pa daldal kesa sa gawa.

Tsaka ikaw ba naman kasama sa 24 members na group. Sinong 'di maiingayan? Halos isang section na ito eh. Bwisit kasing school na iyon. Si Sangyeon napili nilang leader palibhasa senior na. Hindi sa ayaw ko siyang maging leader, ang kaso kasi hindi niya macontrol mga kagroup niya, grr. Tapos late pa! Tamang behavior ba ng leader 'yon?

May pa contest kasi sa school namin, kami ang pinili at pang number 4 kami. Ewan ba at bakit 12 na babae at 12 na lalaki ang kinuha. Ayan tuloy gulo. Isa lang naman dahilan ng principal kaya kami napili.

'MAGBABARKADA DAW KAMI' walang kaso sa akin yun dahil totoo naman. Maganda naman. Kaso 'di lang katanggap tanggap na si Sangyeon ang leader.

Ewan gusto ko ako leader dahil mas makikinig sila sa akin, naprove ko na iyan. Mas takot sila sa akin siguro dahil masungit ako? Ewan o dahil ate  nila ako? Hindi sa di keri ni Sangyeon, magaling din si Sangyeon mangleader pero sa own group niya lang. Unlike dito sa group ng girls, di niya kayang kontrolin, at ako lang ang may kaya noon. Ako ang ginawa nilang sub-leader. Gusto ko man mag main leader, di pwede kasi Junior palang ako. Sila senior na. Eto naman sila Eric, freshman.

"Ang lalim ng iniisip natin diyan ah" napatingin ako sa nagsalita. "Oh, Jacob." tawag ko, umupo naman siya sa tabi ko.

"May maitutulong ba ako?" tanong niya. Buti pa siya may kusa. 'Di tulad nung isa diyan, hmf!

"Yes, yes isip ka pa ng ibang concept please. Need muna natin ng back concept bago just incase na mafail itong naunang naisip na concept" sabi ko. Tumango naman siya.

Nagfocus nalang ulit kami sa kanya kanya naming task. Hindi lahat may ginagawa lalo na yung freshman. Pinapunta lang namin para malaman ang idea namin.

Which is pabor naman sa kanila pero big mistake ata namin na hindi sila bigyan. Ang ingay nila! Ako lang nagbabawal, samantalang yung leader namin nasa laptop lang, huhu.

"Jacob Hyung, ginagawa mo diyan?" rinig kong tawag ni Juyeon kay Jacob.

"Tinutulungan si Shaine" sabi niya.

"Sangyeon hyung! Position mo 'yun oh, bakit kay Jacob Hyung mo pinapagawa" sabi ulit ni Juyeon. Napatingin naman ako sa papalapit na Sangyeon.

Oo, nabwibwisit ako kay Sangyeon pero at the same time, natutuwa ako. Oo, aaminin ko na, may gusto ako sa kanya. May gusto ako kay Lee Sangyeon.

Kaso si Maurice lang nakakaalam. Bully kasi itong si Sangyeon kaya lagi akong naiinis. Pafall pa, banat ng banat akala mo naman gwapo. Pero gwapo naman talaga.

Ang kaso, may hindi kami pagkakaintindihan ni Sangyeon, o baka ako lang haha, na lalong nagpainis sa akin. Pero ganoon pa man, hindi ko pa rin maiwasan na magustuhan siya.

Ewan ba, bakit gustong gusto ko siya. Kainis ka Lee Sangyeon.

Leader ¦ Lee Sangyeon {COMPLETE}Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt