Chapter 42

2.2K 43 6
                                    

Athena

Ngayong araw ang una araw namin dito sa isla.
 
Bat parang ang gulo! Bahala ka tss!!

Maaga akong gumising siguro wala pa nga yata araw ay gising na ako. Nakaharap ako ngayon sa dagat mula sa bintana ng kubo at nalalasap ko ang sariwa at malamig na gangin na namumula sa hampas ng alon.
Napakaganda nito.

Kumuha ako ng balabal sa maleta at nagsuot ng tsinelas na binigay aa amin ng may-ari ng inupahan naming kubo.Naglakad-lakad ako sa gilid ng dalampasigan. lumulubog ang tsinelas ko sa buhangin kaya mas pinili kong iwan na lang ito sa labas ng kubo. Kahit nakabalabal ako ay nilalamig pa rin ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at kumuha ng ilang litrato . Tumalikod ako sa dagat upang iyon ang maging backround ng litrato. Magliliwanag na nang bumalik ako sa kubo ngunit nagtataka akong kung bakit may mga tao doon. Nakita kong nakaupo si Angelo sa hamba ng pintuan at mukhang problemado.

Baka nainip yung kabit kaya namomoroblema! Kawawa naman hahaha!!

Lumapit ako sa kanila at nang tuluyan akong makalapit ay bigla nagsitinginan sila sa akin pero hindi ko na lang pinansin. "Angelo anong nagyayari? "tanong ko, mabilis syang nag-angat ng ulo at nang makita ako ay mabilis nyang tinawid ang pagitan namin at mahigpit na niyakap ako. Bahagya pa akong napaatras dahil sa bilis ng pangyayari.

Problema nito!

" I thought  I would lose you again!" ani nya, naramdaman kong may pumapatak na tubig sa balikat ko.

  I feel flattered

Dahan dahan kong inilagay ang kamay ko sa likod nya at marahan iyong tinapik-tapik. Tumingin ako sa mga nakapaligid doon at tahimik na nagpasalamat, Umalis rin sila kaya hinarap ko na rin  ang batang iyakin na ito.

"Bakit ka umiiyak baby ? "tanong ko na parang isang bata o sanggol ang aking kausap. Naiinis syang nagpunas ng mga takas na luha sa kanya mata.

Bading!

"Saan ka ba galing ha?"may galit at pag-aalala sa kanya tanong.
So sweet of him hmmpp!!

"Naglakad-lakad lang ako "sagot ko at hindi na sya inasar dahil nagugutom na ako,nakita ko ang mga nakahandang pagkain sa lamesa kaya bigla nanubig ang bibig ko.

Crabs yum! yum!

Agad akong umupo sa upuan at naghugas ng kamay gamit ang  tubig na nasa isang plangana.
Sarap na sarap akong kumain ng alimango nang mapansin kong hindi pa umuupo si Angelo. Lumingon ako sa likod at nakita ko syang nakatayo at may dalang bulaklak  at saka gitara.,
Pinagkunutan ko sya nang noo.

"Hindi ka pa kakain?"tanong ko sa kaniya nang hindi ito natitinag sa pagkakatayo, maya maya ay lumapit ito.

"Flowers for you!"saad nya at ibinigay ang bulaklak ng satan sa akin. Nagumpisa syang magstrum ng gitara hawak nya pero dahil KJ ako  ay bumanat muna ako sa kanya.

"Harana sa umaga really!?" umay na tanong ko sa kaniya

"Para maiba naman "nagumpisa muli sya habang nagswasaway pa

       Bading

Kahit sabihin kong napakakorni nito ay nakakakilig at nakakagaan rin sa pakiramdam. Nakapikit sya at tila ninamnam ang instrumental ng kanta.

~Uso pa ba ang harana?~
Bading ka lang talaga

Natatawa ako sa kanya dahil umpisa palang ay pumipiyok na sya, kinakabahan ang isang Angelo Smith, bago iyon sa pandinig ko ah nakakatawa.

Secretly Married With The Campus KingWhere stories live. Discover now