PROLOGUE

4 0 0
                                    

"Hoy babae, tabi!"

Napalingon ako sa gawi kung saan may narinig akong sumigaw 'di kalayuan sa akin, ngunit huli na ang lahat at natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakaupo sa sahig.



"A-Aray.. " ani ko sabay hawak sa aking baywang.



Nakita ko ang kamay na kanina pa naka presinta sa aking harapan, umismid lamang ako at dali daling tumayo habang iniinda ang sakit ng aking baywang.



"Sinabi ko naman kasing tabi, yan tuloy at natumba ka." Rinig ko pang sigaw ng lalaking kanina lang ay pinipresinta ang kanyang kamay upang tulungan ako.

Umirap na lamang ako sa hangin at nagpatuloy sa paglalakad nang marinig ko ang malalakas na tawa ng kanyang mga kaibigan at ka-banda, kahit kailan talaga ay wala ng nagawa na tama ang punyetang magkakaibigan na 'yon, hindi ko talaga maintindihan kung bakit andaming babae ang handang ibaba ang kanilang mga salawal para lamang sambahin ito, tsk.




"Ay girl, mukhang hindi maganda gising mo, anyare?" Bungad na tanong ng aking kaibigan na si Virgo na kanina pa naghihintay sa waiting shed na aming tambayan.




"Just don't ask, masyadong maganda ang araw para mabadtrip." tugon ko.




Napatango naman agad siya at nilabas na ang reviewer na kanina'y nasa loob ng kanyang jansport na bag.



Napakunot ang noo ko at napatingin sa reviewer niya, "Para saan yan?" Tanong ko.



"Hays buti na lang talaga at gumawa ako ng reviewer bruhilda ka, 'di ba sinabi nung panot natin na professor na magkakaroon tayo ng long quiz mamaya." ani niya sabay taas ng kilay.




Ang tinutukoy niya ay si sir Lorenzo, isa rin sa mga kilalang terror na teacher dito sa school namin, sa lugar ng Solaridad.



Bahagyang kumunot ang aking noo habang iniisip kung talaga bang may sinabi ang nasabing guro, dali dali kong binatukan si Virgo dahilan kung bakit nagsalubong ang dalawa niyang kilay.



"Tangina neto ba't mo'ko binatukan?!" mura niya sa akin.



"Bobita ka talaga, tapos na ang exam nung isang araw pa." Ani ko at inismaran siya.




Napahinto siya sa pagtingin sa akin ng masama nang marinig ang sinabi ko.




"Ay weh? So free time natin ngayon?" maligalig niyang tanong.


"Oo, Virgo." Napabuntong hininga ako.


Abala ako sa pagbabasa ng libro ng hatakin ni Virgo nang malakas ang braso ko.

"Ano ba tangina naman." Ani ko at pilit hinahatak pabalik ang kamay ko.


"Aish, Aphrodite naman eh, huwag ka na maarte, samahan mo'ko sa building nila Jesua." Kinikilig niyang tugon.

Si Jesua ay kilala sa campus dahil kasama siya sa grupong crisis, napairap ako at biniglang hatak ang braso ko sa braso ni Virgo.


"Tama na ang kalokohan Virgo, Kung gusto mo pumunta doon ay pumunta ka, marami pa akong dapat gawin."


"Hala ang KJ ah! Huy Aphrodite!" Ani niya at natatarantang na nilapitan ako.

Patuloy lamang ako sa paglalakad nang bigla niyang banggitin ang isa sa mga sikreto kong ayaw ko ipagsabi sa iba.


"Sige pag 'di ka sumama ipagsasabi ko sa mga classmates natin na ex mo si--"


"Oo eto na sasama na! Demonyo ka talaga!" Naiinis kong tugon.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Handling the Beauty (Solaridad Series #1)Where stories live. Discover now