Chapter 17: Painful Love

15 8 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya, it means she don't love Saru and the guy she loves is... Me. Matapos niyang sabihin yon ay naglakad muli siya papalayo, kaya hinabol ko siya ulit.

"Ms. Luna! I'm sorry, I know you're thinking that Kanna and I have relationship but no. We're not in a relationship." Sigaw ko.

Huminto siya sa paglalakad na para bang nakikinig siya saakin.

"You wanna know who's the girl I'm always telling you? It's.... You." Pagpapatuloy ko.

Nakita kong nagsarado ang mga kamay niya, subalit nanatili pa rin siya sakaniyang kinatatayuan.

"Yes, tama ang narinig mo, I love you Ms. Luna!" Sigaw ko.

Hindi pa rin siya humaharap. Nang biglang dumating si Saru at niyakap niya ito. Nasaktan ako sa nakita ko pero ipinagpatuloy ko pa rin ang sinasabi ko sakaniya, wala na akong pake kung ano man ang mangyayari sa akin basta gusto ko siyang mapasakin, handa na akong harapin ang kinatatakutan ko, ayoko nang magtago sa lungkot, gusto ko nang... Maramdaman ang umibig ng tunay...

"I love you Ms. Luna! I love you, I love you, I love you, I love you!" Dugtong ko.

Halos maiyak na ako sa kakasigaw subalit di pa rin niya ako hinaharap. Ilang sandali pa nakita kong tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Saru at tumango kay Ms. Luna, parang nanghina ako nang makita kong pinupunasan ni Ms. Luna ang luha ni Saru, gusto kong punasan niya rin ang mga luha ko pero para saan pa? Wala rin, nasaktan ko siya. Gusto ko siyang makitang masaya pero pakiramdam ko ang mismo ang nagpapalungkot sakaniya. Matapos kong makita iyon ay tumalikod na ako at naglakad papalayo.

'pagbilang kong lima, gusto kong marinig ang boses mong binibigkas ang pangalan ko, pag di mo ginawa pangako hindi na ako manggugulo.'

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat... Pang-apat na itong bilang subalit di niya pa rin binabanggit ang pangalan ko.

L-lima... Wala na, hindi ko na sila guguluhin pa...

"Sol!!!" Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ms. Luna.

Hindi ako makapaniwala, ang akala ko... Ang akala ko! Wala na lang ako sakaniya.

"I love you more Sol." Dagdag ni Ms. Luna habang tuloy-tuloy ang agos ng mga luha mula sa mga mata niya.

Pati ako ay naiiyak na rin sa mga nangyayari.

"I promise Ms. Luna, haharapin ko na lahat ng mga bagay na kinatatakutan ko." Sagot ko sabay harap sakaniya.

Pagharap ko sakaniya ay nakita kong pumapatak ang mga luha mula sa mga mata niya pero nakangiti pa rin siya, gaya yung ngiti niya saakin noon. She's smiling... I couldn't forget how beautiful she is... Pinunasan ko ang mga luha niya at iniabot ang panyo ko.

"Para saan to?" Tanong niya habang nakatingin sa panyo.

"For you."

Kinuha niya ang panyo at ipinunas yon sa mga mata niya. Pagkatapos niyang magpunas ay tumingin siyang muli saakin.

"Wag ka na uli iiyak... Sa harap ko..." I said then tapped her head.

Pagkatapos ng mga pangyayari ay umuwi na ako. Alam kong pagsisisihan ko to, and... No matter what happen I don't care, as long as I have her.

Luna's POV

Chasing Sunsets [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon