Chapter 2

150 19 29
                                    


Angela Rhian


After namin makapag arcade kahapon ni Kiel ay kumain kami and hindi na ako masyadong nakapag isip dahil din sa tanong niya, hindi niya din nilinaw sa akin kung biro ba yon or hindi. I don't know what to do kanina habang kumakain, na kahit siya ay na a-awkward na din.


"Angela let's go" sabi ni Kuya habang naka dungaw sa aking pinto, niyaya ako ni Kuya na mag mall ngayon. Pumayag nalang ako dahil weekend naman ngayon and ma bo-bored lang ako dito sa kuwarto ko kung hindi ako lalabas.


Sumunod na ako sa kaniya pababa papunta sa kaniyang sasakyan, ayaw ni Kuya na kapag mag bonding kami ay tig-isa pa kami ng sasakyan dahil na bo-bored daw siyang mag isa sa sasakyan niya. Palibhasa palaging may kasamang babae.


"Saan tayo Kuya?" I asked habang nagmamaneho siya.


"Saan mo ba gusto?" He asked too, sinabi ko nalang na sa ibang mall kami para maiba. Tumango siya at nag drive nalang ulit.


"Kuya, usap usapan sa campus na nakikipag kaibigan daw sayo si Jian"


"Yup, but hindi ko pinansin. Baka gamitin niya lang ako para makuha ka" tumango ako and binaling sa tagiliran ko ang atensyon ko para makita ang daan. Nag patuloy nalang ulit si Kuya sa pagmamaneho and natahimik nalang ako.


Bumaba na kami ng nakarating kami, mas malaki ito kesa doon sa palaging pinupuntahan namin ni Kiel. Wait, nasaan nga pala ang lalaking yon ngayon? Hindi na din kasi siya nag text kagabi, siguro hinintay niya lang ako maka bawi sa kaniya and ngayong naka bawi na ako ay hindi na siya magpaparamdam pa.


"Saan mo unang gustong pumunta?" tanong ulit ni Kuya and nagsabi ako ng madaming boutique. "Mag tipid ka nga, baka magalit sa atin sina Mom and Dad kapag madami kang pinamili"


"Libre mo naman ah" biro ko kaya napa ngiwi sya, hinila ko na siya papunta sa isang boutique. Nagsimula na akong maghanap ng gusto ko and tinitignan lang ako ni Kuya at kapag tumitingin ako sa kaniya ay iniirapan niya lang ako.


Ganon din ang ginawa namin sa dalawa pang boutique minsan ako nalang ang naglalakad sa buong boutique and naupo nalang si Kuya sa couch. After kong matapos sa pang tatlo ay nag aya na si Kuya na kumain dahil almost 1pm na.


Hindi naman siguro magtatanong si Mom and Dad kung bakit medyo malaki ang mababawas sa card ni Kuya.


"This time, your treat" he said while looking at the menu, tumango nalang ako dahil mukhang mauubos na nga ang laman ng card niya. Nag order siya ng para sa aming dalawa at nag hintay ng pagdating ng pagkain. Andito kami sa isa sa mga paboritong restaurant ni Kuya at isa din sa mga mamahaling restaurant kaya napangiwi ako dahil medyo madami ang na order ni Kuya.


"Angela?" a familiar voice shouted behind me kaya napa tigil ako. O MY GOD!


Kiel huwag ngayon please, kasama ko si Kuya baka kung anong isipin niya sa aming dalawa. Napatingin si Kuya sa likuran ko kaya unti unti din aking tumingin. Confirmed si Kiel nga and naglalakad na siya papunta sa direksyon ko.

Searching Love Above The SkyWhere stories live. Discover now