Part One

11 1 0
                                    

"tita Pam! tito Phillip! OMG you guys looks so adorable" Galak na galak na sabi ni Ysabelle sa kaibigang matalik ng mommy niya at kasamang asawa nito

Pamela Alcantara ang nag iisang kaibigan ng kanyang mommy at ina ng kanyang ultimate crush na walang iba kundi si Patrick Alcantara.

"Happy birthday darling, my Belle, you look so gorgeous yourself hija."
Naku Linda mukhang itutuloy na natin ang napagusapan natin noong bago ka ikasal at ako'y nagbubuntis naman noon."Nangingiting puri ng babae sa kanya bagaman nakita niya ang nakakatuwang kindat nito para sa mommy niya.

"Happy birthday Belle" Turan ni Tito Phillip while patting my head.

"Im flattered tita, thank you tito.By the way anong plano po ba ang pinag-uusapan niyo?"

"Anak hija! We'll talk about that some other time sa ngayon intindihin mo ang mga bisita mo" natatawang sabi ng kanyang ina.

She just turned 22 today, and her mom insisted that she'll threw a party dito sa kanilang mansyon. Mahigit tatlong taon ding hindi yon nagamit para sa mga malalaking okasyon simula ng mamatay ang daddy niya sa isang car accident. Kakatapos lang ng selebrasyon ng kaarawan niya at madaling araw ay kinailangan ng daddy niyang humabol sa flight nito patungong new jersey para sa conference na kailangan nitong daluhan doon. Ngunit sa kasamaang palad, dala na rin marahil ng pagod ay nawalan ito ng kontrol bigla sa manibela at sumalpok sa kasalubong na trak.Humihinga pa ang daddy niya ng dumating ang ambulansya sa lugar ng aksidente ngunit kung kailan ito'y malapit na sa ospital ay binawian namam ito ng buhay.At ilang taon din siyang nagdalamhati sa pagkamatay ng daddy niya.

"My Belle, my darling, my sweetheart!Happy Birthday. Bakit natutulala ka dyan?"  Nakangiting yakap ni patrick sa kanya habang yakap yakap sya at hinalikan sa ulo.

"Pat naman, 22 na ako pero hanggang ngayon pakiramdam ko bata pa rin ng tingin mo sakin. Diba sabi ko sayo noon ako ang future mo. Hahaha" Mahabang sabi niya habang ginatihan ng mas mahigpit na yakap ang huli.

"Baby, I will always be a kuya to you. Aba! limang taon din ang tanda ko sayo no. Parang dati lang lalapit ka lang sakin kapag di ka kabati ng mga kalaro mo and I will  act like a night in shinning armor" Natatawang turan nito sa kanya habang masuyong nakatingin.

"And please wag ka na magbibiro ng ganyan, magseselos talaga sayo si samantha. Alam mo naman ang nobya kong yun laging umuusok ang ilong kapag nakikiya ka" dagdag pa nito.

"Hmmp! ang KJ mo naman. By the way asan na ba yang witch na jowawit mo. Bat hindi mo yata kasama? Himala ha! e parang linta yun sa pagkapit sayo kahit nasan ka nakatalungko lagi sayo." naasar na sabi niya kasabay ng pagkawala sa yakap nito.

"Ako ba pinag-uusapan niyo?" Salitang nagmula sa kanyang likuran.

"Sam! there you are honey. Natraffic ka ba? inaasar ka lang ni Belle sakin hon" Sabay halik sa pisngi ng kasintahan nito.

"Hon sabi ko naman sayo ayaw kong pumunta dito diba?" nakataas kilay oang sabi ng babae

"Pat! Enjoy the foods okay? Madaming Cordon Bleu dyan. Alam ko kasing dadating ka kaya nagpa cater ako ng marami non. Magdala ka bago ka umalis ha. I'll leave you two." Pilit ang ngiting sabi niya.

Patrick Alcantara, ang kanyang one great love. Kahit paulit-ulit niyang sinasabi yun sa binata ay tila ba biro lamang iyon para dito. Naiirita man ay kailangan niyang lumayo sa dalawa dahil ramdam niya ang selos at sakit sa twing makikitang naglalambingan ang dalawa sa kanyang harapan.

"Birthday ko to ah, dapat masaya ako. Bat kasi nagbitbit pa ng sumpa si Patrick dito sa bahay e." naiirita na lamang na bulong niya.

Hanggang Kailan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon