(written poetry)

212 2 0
                                    

"Magulang"

Walang magulang ang gugustohing makita ang anak na nahihirapan.
Walang magulang na ipapahiya ang kanilang anak.
Dugot laman ng magulang ang kanilang anak.
Walang magulang na hahayaan lang anak kahit nasa mali na.

Walang magulang ang kayang tiisin ang anak.
Hindi kailan man pinangarap ng magulang na mapahamak ang anak.
Lumuha man at pagpawisan, ang mga magulang ay kayang tiisin.
Mapabuti at mailayo sa masama ay kanilang hangarin.

Mapagalitan man tayoy 'wag magtampo o magalit.
Mahal ako,Mahal ka,Mahal tayo ng ating magulang.
Baliktarin man ang mundo, walang makakahigit sa isang magulang.
Buong sakripisyo ng magulang ating suklian.

Maging responsable tayo at tahakin ang mabuting daan.
Kung ikaw man ay mapaiba ng landas,isipin mo lang yong magulang.
Kamuhian kaman ng iba, itaga mo sa puso mo na may magulang ka.
Kung naiisip mong wala ng nagmamahal sayo, isipin mo may magulang ka.

Karamihan man ay hindi masabi ang katagang 'mahal kita' sa magulang
Ang importante ay iyong maipadama ang salitang Mahal Kita.
Siguraduhing ikaw ay nasa tamang landas at maayos na kalagayan.
Panigurado akong magiging panatag ang loob ng ating magulang.

Tayoy magpasalamat sa ating dakilang Ama na lumikha.
Tayoy magpasalamat sa ating magigiting na magulang.
Nasa harap mo man o wala, tayo parin ay magpasalamat.
Sa huli, magulang ang ating takbuhan kayat tayoy sabay sabay sa pagbigkas.

"Thank you my parents and I love you"

Written by: Xyy||KB@VK.R copyright
Note: Do not COPY PASTE! (Plagiarism is a CRIME)
PS: you can share! Thank you for reading ❣️♥️😘

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Jan 19, 2021 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

"Magulang" (Lyrical Poetry)Kde žijí příběhy. Začni objevovat