Kabanata III

20 4 0
                                    

Flynn Le Café — Kabanata III


"Freya..."

"Wag kang maingay baka marinig nila tayo. Sumunod ka sa akin." Utos nya saka naglakad sa masikip na daanan. Kasing sikip ng locker kanina. Sinundan ko lang sya.

Lumabas kami sa isang butas na papunta sa likuran ng Cafe. Sumenyas sya na wag akong gagawa ng ingay at sumunod lang sa kanya. Pumasok kaming muli sa loob ng CR at sa cubicle. "Freya, a-ano yon? Nasaan ako? A-ano 'tong lugar na ito?" Sabi ko habang humihikbi. Pinunasan ko yung luha ko.

Nahalata kong nainis sya. "Kalalaki mong tao umiiyak ka. Sabi ko tumahimik ka lang. Ipapaliwanag ko mamaya." Sabi nya.

Tumahimik na lang ako at tumalikod sa kanya. Narinig ko syang may ibinubulong na mga salita pero di ko maintindihan. Hinawakan nya ang kamay ko ng biglaan at saka ako hinatak. "H-hoy!"

Mabilis ang pangyayari at bumagsak kami sa malamig na sahig. Nasa ibabaw ako at nasa ilalim si Freya. Kahit na umiyak ako, nakita kong namula ang mukha ni Freya. "S-sor-"

"Freya! Anong nangyari sa Myrln? Andun pa rin ba ang mga Ymir?" Biglaang sigaw ni Tim. Pinaalis ako ni Freya sa ibabaw nya at tumayo. Niyakap sya ni Tim samantalang ako ay nakaupo sa sahig sa loob ng cubicle. Napatingin ako sa pader, wala na yung butas.

Nanginginig ako at napaindang muli ng sumakit nanaman yung balikat ko.

Muli nanamang may humawak sa balikat ko at agad ko itong nasalag. "Woah woah, kalma. Ako 'to si Ximon."

Tinignan ko silang apat at naguguluhan ako sa mga nangyayari. Nagdidilim ang paningin ko at di ko na alam ang sunod na nangyari.

~

Madilim nanaman ang nakikita ko at nakakarinig ako ng mga naguusap. Kinurap ko ang mata ko at ibinuka. Nasilaw ako sa liwanag na sumalubong sa mata ko.

"Gising na sya."

Napaupo ako at napasiksik sa pader. "Here we go again. Wag kang matakot sa amin Scott Demeter Gomez." Sabi ni Rangel na pinalo naman ni Freya ng mahina sa braso.

Tinignan nila akong lahat.

"Anong nangyari? Ano yung lugar na yon kanina? Ano at sino ba talaga kayo? Wag nyo kong lalapitan." Sabi ko.

Narinig kong tumawa si Tim. "Parehas kayo ni Rangel ng reaksyon nung nakita nya rin ang Myrln."

"Mukhang mahihirapan nanaman tayo rito." Sabi ni Ximon.

"So kasalanan ko? Nahirapan kayo sa akin dati eh. Sorry ha?" Sabi ni Rangel na nakatayo.

"Ipapakain ko kayong dalawa sa mga Ymir pag di pa kayo tumigil dalawa." Saway ni Freya sa kanila. Napaupo si Rangel sa hinigaan ko kanina kaya naman napasiksik ako lalo sa sulok, nakasandal sa pader. "Arte mo." Sabi nya.

"Scott-"

"O wag mo kong hahawakan!" Pigil ko sa kay Freya ng hahawakan nya sana ako.

"O edi hindi! Paka-arte nito." Sabi nya. "Ipaliwanag mo sa amin kung anong nakita mo sa Myrln."

"Myrln? Anong Myrln? Yun ba yung kanina? Ugh, please sabihin nyo nananaginip lang ako-aray!"

Bigla akong kinurot ni Freya sa hita. "O, panaginip ba yan? Masakit diba? Di ka nanaginip ungas. Ano, pwede mo na bang sabihin?" Sabi nya. Tinignan ko sya silang apat at pinag-aralan. Mukhang hindi nga ako nananaginip at totoo ang lahat ng nakita ko kanina. Unti unti kong inayos ang sarili ko at umupo ng maayos. "Madilim," pagsisimula ko.

Flynn Le CaféWhere stories live. Discover now