Chapter 23

615 74 80
                                    


[JULY 24, 2000]


Hannah Angela Agile:


Napalingon naman ako kay Samantha na ngayon ay inaayusan ako ng buhok. "Nandito na si Sir Martin." bulong nito sakin. Tatawagin pa sana ako ni Jacob na nasa likod namin pero bigla na lang pumasok ang aming adviser.


Taimtim lang na naka-upo si Lance sa kanyang seat na nasa likod ko mismo. Umayos naman ako ng pagkaka-upo at si Sam natigilan sa ginagawa niya. Tinuon nito ang atensyon sa harap.


"Good morning, Class Lavoisier." bati ni Sir Martin saamin. Bumati rin ng babalik ang klase namin.


Naningkit na lang ang mata ni Sir Martin ng makita niya na may wala pa sa classroom namin. Naging nakakatakot ulit ang awra ni Sir. "Nasan ang iba?" tanong nito. Nakapormal si Sir Martin na blue long sleeves polo. May pulang neck tie at black slacks. Naka-man bun pa rin ang buhok nito.


Napataas naman ng kamay si Roxanne. "Sir, wala pa po. Late." sabi nito. Tinanguan lang siya ni Sir. Bumalik naman sa kanyang ginagawa si Rox.


Pasimple kong nilingon si Sam. "Himala. Pumasok si Sir ng maaga ngayon." bulong ko rito. Tahimik namang natawa sa sarcasm ko si Samantha.


She leaned towards me. "Duh, second ranking na ng Teen Militia." aniya. Napatango-tango naman ako bilang pagsasang-ayon. Muli kong binalik ang atensyon sa unahan at nagulat na lang ako nang makita na may pinapamigay na silang red box.


Ipinatong nong isa naming kaklase yung akin sa mismong harap ko. Ganon rin kay Sam. Si Jacob nag-aabang lang sa kanya at si Lance nakakuha na.


"Ano 'to?" tanong ni Sam sa sarili.


Agad ko naman kinumpiska yung akin. Isa itong jewelry box na may tatak ng Teen Militia. Pula ang kulay at may ginto na silyo. Binuksan ko ito tulad ng ginagawa ng mga iba naming kaklase. Bumulaga sakin ang isang wrist watch.


Napakunot naman ang noo ko. Hindi siya ordinaryong relo dahil wala ka man lang makikitang numbers tas yung hands ng isang clock. Tapos pa rectangle yung shape at hindi bilog. Blankong screen lang ang meron. Then leather na huwebles para maitali sa kamay mo.


"Gagamitin niyo 'yan mamaya. Ang bawat na relo na binigay namin ay may sari-sarili niyong pangalan." ani Sir Martin. Flinip ko ang likod ng relo at nagulat na lang ako ng makita ang buong pangalan ko rito. "Ibinigay lang saaming mga adviser yan at hindi namin pwedeng sabihin ang mangyayari mamaya."

Teen Militia: School For The Criminals [Novel #1]Where stories live. Discover now