Chapter 1

18 2 1
                                    

"MAMA!" sigaw ng kapatid 'kong inaasar 'ko na naman.

"Wahaha wala si mama, oy! Wala kang masusumbungan!" pang-aasar 'ko pa.

Tawa-tawa akong kumuha ulit ng unan. "Teka teka, ate!" biglang sigaw niya ng akmang hahampasin ko siya ng unan.

"Oh?"

"Ate, gusto 'kong gumala!" nakangusong aniya.

Malakas ko siyang hinampas ng unan! "Siraulo ka din ano? Punta-punta ka dito sa kwarto ko para makipagkulitan, gala lang pala gusto mo?" Naiinis ko siyang hinampas ulit.

"Eh, kasi naman! Wala pang isang linggo ang bakasyon, bored na 'ko!" Malakas ang boses niya.

Napabuntong-hininga ako. "Gala o chicks, gusto mo?" Pang-aasar ko sabay ngisi.

Ang cute nitong kapatid ko kapag naasar, palibhasa'y nagbibinata na. Hindi naman siya isip-bata, konti, siguro? Pero nangungulit lang 'to kapag walang magawa!

"Pwedeng, both?!" Sabi niya sabay ko binatukan. "Aray naman!"

"Ni hindi ka nga marunong manligaw!"

"Hoy! Anong hindi?"

"Talaga naman,"

Nagkulitan pa kami ng kapatid ko hanggang sa dumating si Mama, 'ayun na naman ang pagbubunganga niya!

Kapag pasukan na sa iskwela ay gusto 'ko agad magbakasyon, pero kapag bakasyon ay gusto ko nang magpasukan! Ano ba naman ito...
Nakakatuwa nga dahil kahit hindi kami ganoon kayaman tulad ng iba, ay nagagawa namin maging masaya. Hindi naman kailangan ng materyal na bagay para sumaya, hindi ba? Dali-dali akong umakyat ng kwarto 'ko matapos marinig ang nakakabinging sermon ni mama sa kapatid ko, pasaway kasi. Mabilis 'kong tinipa ang laptop ko para manuod ng Korean drama, pero sa dulo ng utak ko ay parang mas magandang gawin sa oras na 'to ay ang mag Facebook, kaya kinuha ko nalang ang cellphone ko at sinara ang laptop.

"Ang KJ naman ni Yahaira! Bakit hindi siya online?"

"Hay na 'ko, she's so busy"

"Hoy! Wag kayong ganyan malay niyo...may LL na, hahaha"

"Guy's guys wala bang gala d'yan? I'm super bored to death! Grabe wala 'kong magawa promise, I really miss you all!"

.
.
.
.
.

"Oh my god, guy's! Yahaira is online!"

"Girl, don't you dare seen us! Let's talk about your LL, haha"

Yan lang naman ang nabasa ko ng mag-open ako! Ako na naman ang pinagti-tripan nila, walang bago. At LoveLife? Wag na 'no.

"Ako na naman pinagti-tripan niyo?" inis kong tanong.

"How's our little busy, baby? Haha."  Ani Margarette, isa sa kaibigan ko, actually... marami sila.

"At kelan ako naging busy? Aist I'm just bored opening my account, wala namang bago! At ako na naman ang trip niyo!"  Inis na 'ko.

"Gosh, ang pikon ng little baby natin!" Si Sash.

"Girls, wag niyong asarin 'yan, baka umiyak, wahaha"  si Win, mapang-asar, kainis!

Palibhasa'y ako ang pinakabata sa 'min kaya ako lagi ang trip nila! Nakakainis sila! Marami kaming magkakaibigan, tropa na nga kami kung tawagin. Kadalasan kami ang magkakasama sa school para sa kalokohan, sa totoo lang. Kasi naman, sa aming lahat ay ako lang ang may paninindigan na kailangan munang magtapos ng college bago magka-lovelife na 'yan! Lahat sila'y may partner, kaya kapag may gala ako lagi ang tampunan ng pang-aasar, kesyong magiging loner na daw ako! Hindi ko na siguro mahihintay pa ang college, pag nagkataon! Sa inis 'kong naiisip 'yon ay nag out ako, hindi ko na sila pinansin!

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Aug 30, 2020 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Just Only OneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin