Chapter 33

119 5 1
                                    


"bawal po Ma'am, pasensya na po" sambit nung guard sa village mismo ng Bien Parecidos.

"Kuya parang 'di niyo naman ako kilala. P.A nila ako!" sambit ko, agad itong napayuko at bumalik sa pagkakaupo kanina.

  Binuksan ko ang cellphone ko at tinry na tawagan ang numero ni Zyair pero hanggang ngayon ay unattended pa rin ito. Sinimulan ko din na kontakin sila Vester pero wala kahit na isa sakanila ang sumagot sa tawag ko. Napahawak ako sa tiyan ko na kumukulo na ngayon.
Dama ko ang init na tumatama sa balat ko habang nakatayo lang at naghihintay na makitang lumabas ang isa manlang sa kotse na pagmamay ari ng bien parecido.

Sa huli ay wala akong nadatnan kaya sumakay nalang ako at napilitang umuwi mismo sa bahay ko. Sobrang alikabok na din at naibagsak ko nalang ang sarili ko sa kama habang nakatitig sa kisame.

Parang kahapon, parang nung nakaraang araw sobrang saya ko pa kasama si Zyair pero ngayon parang in a snap nawala nalang lahat ng iyon sa 'di malaman na dahilan o rason.

  Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko at nakita ang isang message ni Keint. Napaupo nalang ako at binasa ang mensahe niya.

  From: Keint 1/5 BIEN PARECIDO.

  Ave, pwede ba tayong magkita?

  Maghihintay ako sa park, malapit sa subdivision niyo. May ipapaliwanag lang ako sa'yo.

  Agadan akong tumayo at nagtatakbo sa park. Hinahabol ko pa ang paghinga ko at napansin si Keint na hawak hawak ang maleta ko. Gusto kong itanong kung bakit pero habang papalapit ako parang alam ko na... na 'di na nila ko kailangan.

  "Ave,"

  "Alam ko na ang sasabihin mo" bulong ko, agad kong kinuha sakanya ang maleta ko at ngumiti nalang.

"Thank you sa pagiging P.A namin, gusto ko man na magstay ka kasama namin pero 'di naman pwedeng ilaan mo ang buong oras o buong buhay mo sa amin mismo. Ave, thank you talaga."

"W-Wala iyon" pinilit kong 'wag maluha sa harap niya, hindi naman sa nagdadrama ako pero sobrang sakit na ganito pala ako magpapaalam sakanila. Ganito lang.

"Gusto pala sabihin ni Wren na thank you, na sobrang saya niya kasi ikaw mismo ang nagiging lucky charm namin, Gusto rin mag-thank you ni Jam kasi dahil sayo naging okay sila ni Pat, gusto rin mag thank you ni Vester kasi nakahanap siya nung parang little sister niya lang na ikaw daw.. gusto ko rin mag-thank you dahil nalaman ko na mas ayos na hanapin ang kasiyahan kahit ano pang pagsubok ang makasalubong mo sa daan" bulong nito sa akin, pinunasan ko naman ang luha sa mata ko na tumulo na pala habang nakatitig sakanya.

"Thank you, Keint."

bakit biglaan? gusto kong itanong iyon sa kanya pero wala na 'kong lakas ng loob na pakinggan pa muli ang mga paliwanag niya. Masakit magpaalam sakanila na ganto ganto lang.

Lumapit naman siya sakin at niyakap ako. Inalis ko naman ang kamay niya sakin at tumalikod na, hindi ko pa nahahakbang ang paa ko paalis ay natigil na 'ko dahil sa huling salitang sinabi niya na paulit ulit ako sinampal sa katotohanan

  "Kung ano mang pinaramdam sa'yo ni Zyair sa Korea, 'wag mo nalang pansinin. Simula ngayon Ave, alisin mo na siya sa isip mo. Hindi na siya katulad ng dati. Hindi na siya yung Larkin na nakilala mo dati"

"bakit mo sinasabi sakin 'yan? Nasaan ba siya?" tanong ko.

"He's with Lily now. Kasama niya na si Lily at masaya na siya doon. I'm sorry for everything, I'm sorry on behalf of him"

Napangiti nalang ako habang patuloy sa pag agos ang luha sa mata ko.

Ang gulo.

  "Bakit ganoon siya" usal ko nalang, naramdaman kong ipinatong ni Keint ang kamay niya sa balikat ko

"You can't control people, Ave. Lahat nagbabago, deal with it."

  "Bakit biglaan"


"Kahit ako hindi ko alam"

Naiintindihan kong gusto niya ko i-comfort ngayon pero si Zyair ang kailangan ko. Siya lang ang kailangan ko.

Reaching,  Mr. Zyair Alleres [Shartin]Where stories live. Discover now