NAKAW NA SANDALI

16 1 0
                                    


Balewala na sa akin ang noo’y kinatatakutan kong saningsing ng madilim na kapaligiran. Marahil ay totoo nga ang sinasabi ng karamihan na sa tuwing ramdam mong tila nasa alapaap ka dahil sa labis na kaligayahan, makakalimutan mo ang lahat-- yung galit-- yung sakit-- at lalo na yung takot. Sadyang makapangyarihan nga talaga ang kasiyahan. Kaya nitong lamunin ang mga pumapatay sayo. Hangga’t pwede mo pa siyang maramdaman, muli’t muli ka nitong isasalba sa bawat pagkalunod mo.

“Tonight, tonight..there’s a party on the rooftop top of the world. tonight, tonight and we’re dancing on the edge of the Hollywoodsign…” I sang, with all the gracefulness and liveliness I have in my body. Kahit pa alam kong wala ako sa tono.

Patuloy sa pag-uga ang pick up track sa pagtatatalong ginagawa ko. Pakiramdam ko ako na ang pinakamagaling na mananayaw sa buong mundo-- kahit pa alam ko ang katotohanang hindi tumutugma ang mga galaw ko sa bawat pitik ng sinasabayan kong kanta. Ang sarap lang maging totoo kapag sobrang masaya ka.

Gustung-gusto ko ang mga sandaling ito. Ito yung mga sandaling wala ng mga matang mapanghusga. Wala ng mga taong tila tinatantiya ang bawat paggalaw ko. Wala na ako sa rehas na paulit-ulit nilamon at pinagkakait ang kalayaan ko. Ito yung sandaling kahit papaano’y ramdam kong buhay parin ako-- buhay parin pala ako. Ito yung sandaling patuloy kong hinihiling araw-araw na sana hindi lamang “sandali.”

“AHHH!!” sigaw ko. Bagkus na indahin ang pagod sa pagkanta’t pagsayaw ay natawa nalang ako. Tumawa ako ng tumawa kahit na sa sarili kong pandinig ay napapangitan rin ako sa tunog ng aking pagtawa. Pero hindi na bale, basta’t alam kong totoo ang kasiyahang nararamdaman ko.

Siguro kung may ibang taong nakakakita sa akin ngayon, aakalain na nababaliw na ako. Pero ganun naman talaga diba? Nagmumukha kang baliw kapag sobrang totoong masaya ka.

“Anong gusto mong sunod na sabayang kanta, Alira?” napabusangot akong tiningnan siya.

“Kanina pa ako kumamakanta at sumasayaw dito hindi mo naman ako sinasamahan.” May kunwaring patatampo sa tono kong saad sa kanya.

Kanina pa kasi siya nakaupo at pinapanood lang ako. Pakiramdam ko tuloy may iba sa kanya ngayon. O nasanay lang siguro ako na sinasabayan niya ako kaysa sa pinapanood lang.

Bahagya niya akong seryosong tinitigan na siyang ikinakunot agad ng tingin ko.

“May problema ba?” may pag-aalala sa boses kong tanong sa kanya at naupo sa tabi niya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kasabay ng kanyang pag-iling.

“Ngayon ko lang kasi narealize na mas masaya pala kapag ganito, Alira.” Aniya.

“Anong ibig mong sabihin?” Tila natutunaw ako sa mga pagtitig niya. Kasi nakikita ko. Kitang kita ko sa mga mata niya mismo. Gaano man kagaling magtago ng kalungkutan ang mga labi’y ibinubuko naman ng mga mata ang katotohanan.

“Mas masaya pala ako kapag pinapanood lang kita, Alira. Kasi kitang kita ko mismo kung gaano ka kasaya. Kitang kita ko kung gaano katotoo ang kasiyahan mo.”
Gusto kong umiyak-- kahit pagod na pagod na akong umiyak, pero mas pinili kong iurong ang mga luhang nais muling kumawala. Mas pinili kong hawakan na lamang ang kanyang kamay. Mas pinili kong isandal na lamang ang aking ulo sa kanyang balikat. Sa isang sandali, mas pinili kong katahimikan na lamang ang isumbat, kahit gustong-gusto ko ng humagulhol.

Muli kong narinig ang saningsing ng madilim na kapaligiran. Tila ang dilim na nagsisilbing takas ko sa liwanag ng katotohanan ay siya ring naghahatid sa akin pabalik-- pagkat simbolo ito ng poot at sakit. Ang madilim ay mananatiling madilim pa rin gaano man subukin ng isang buwan na bigyan ito ng liwanag.

MELANCHOLIA (ongoing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant