Epilogue

407 12 2
                                    

±Epilogue±

°THAYANNA°

"One more push Mrs.Craig you can do this!"

Rinig kong sigaw ng Doctor ko habang ako mahigpit na naka kapit sa mga kamay ni pride.

Tagaktak ang pawis at hirap na hirap---Pilit kong nilalabas ang anak namin dahil ayokong mahirapan pa siya...

Huminga ako ng malalim at kahit sobrang hirap na hirap na ako ay binigay ko parin ang Buong lakas ko upang umiri.

"Darling..."

Usal ni pride ngunit hindi ko na siya magawang tignan.Unalingawngaw kasi saamin ang iyak ng Isang bata.

Ang anak ko...Anak namin ni pride

"It's a baby boy"

Imporma ng doktor habang si pride, Binitawan muna ang kamay ko at puno ng saya na lumapit sa doctor na may hawak sa anak namin.

Kita ko kung paano manginig ang kamay ni pride habang inaabot nito ang sanggol sa doktor,Nang mabuhat na niya ang anak namin---Kumawala ang mga luha sa mga mata niya bago ako puno ng pasasalamat na tinignan.

That's what I want to see...
Gusto kong makita yung reaksyon niya pag nasilayan na niya ang anak namin.

Lumapit saakin si pride habang buhat buhat parin ang sanggol umiiyak.

"I-Its timothy?"

Mas lalong napangiti si pride bago ito tumango.

Hinalikan nito sa noo ang anak namin bago tuluyang tumulo ang mga luha niya.

Kung makikita lang ito ng anak namin, Paniguradong mas mamahalin niya ang daddy niya.

Pride love's him so much, Kahit noong nasa tiyan ko palang siya laging siya ang bukang bibig ng daddy niya.

"It's time for your first hug"

Imporma saakin ni pride bago nito dahan dahan at puno ng ingat na dinapa si Timothy sa dibdib ko.

Mahina akong napatawa bago hinalikan ang ulo ng sanggol.

"I-ikaw pala yung ma-malikot sa tiyan ko"

Parehas kaming natawa ni pride ng mapahinto sa pag iyak ang sanggol atsaka nito sinubsob ang muka sa dibdib ko.

Kahit nanghihina ay nagawa kong igalaw ang mga kamay ko uoang haplusin ito at hawakan ang maliit niyang kamay.

"Baby ang liit mo"

Bulong ko kay Timothy habang abala ito sa pagdede sa dibdib ko.

"Timothy Aeroviel Craig"

Ang prinsipe namin ni pride, Pinaghirapan ito ng sobra sobra ni pride lalo na noong naglilihi ako.

Palaging puro kakaiba ang gusto kong kainin at gawin---Natatandaan ko noong inutusan ko si pride na Magluto ng pagkain na puro ketchup lang, Tapos hindi siya nakakatulog hanggat hindi ako tulog dahil gusto ko laging nagpapabasa ng libro bago matulog.

Palagi niyang minamasahe ang mga paa at balikat ko kahit na miski siya ay pagod na pagod, Iniintindi niya ang mood swings ko kahit kung minsan ay sumosobra na ako.

Napaka swerte ko sa daddy ni Timothy...Napaka swerte namin sakanya.

Pasimple akong tumingin sa bisig ni pride kung saan nakapahinga ang guardian pet ng anak namin.

Isang Bear...pinangalanan namin siyang Grizzly,Bagay na bagay sa Balahibo niya na sobrang kapal at kulay light brown.

"Darling rest for a while, I will take care of them"

Crow's of PrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon