Special Chapter

510 25 2
                                    

***

Napa iling na lamang siya ng makita niya ang ka sweetan ng kaniyang mga magulang sa harapan ng maraming bisita.

Habang siya ay naroon lamang sa isang sulok nag mumukmok malayo sa mga bisita at mga pinsan niya.

Inisang lagok niya lang ang alak nanasa baso niya kasabay ng mga naririnig niya sa di kalayuan mula sa gawi niya ngunit sa labas ng mumula ang sigaw at parang nag tatalo.

Mariing siyang tumayo lumapit sa rehas na bakal na bakuran kung saan may matataas na mga halaman ang na naroon subalit kahit gano pa iyon mataas mas di hamak na mas matangkad parin naman siya' Kaya kitang kita niya ang dalawang taong nag tatalo. 

Kahit med'yo madilis sa gawi niya. At saparaan na hindi siya ma kikita ng mga ito.

Fuck.

Ano bang ginagawa niya? Nag mumukha tuloy siyang tsismoso sa lagay niyang iyon dahil sa masamang pakikinig sa mga nag tatalo.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo, Veronica bakit gusto mong---"

"Dahil ayoko ko na! Troy, ilang beses na kitang pinatawad at ilang beses mo na rin ako ni loloko ng pa ulit ulit. " 

Hinanakit na sabi ng babae subalit napa kuyom na lamang siya ng kamao ng marahas hawakan ng lalaki sa panga ang babae.

"You think, papayag ako na hiwalayan mo ako? Ng ganon ganon na lang! Matapos ng pag tulong at na gastos ko sayo ganon na lang yon! Huh! "

"N-na sasaktan ako Troy--"

"Talagang masasaktan ka! Halika ipapakita ko sayo kung pano kita saktan---"

"H-huwag T-Troy--Ah! "

Mas lalong nag tagis ang mga banggang niya ng kaladkarin nito ang babae papasok ng bahay subalit bago paman ang mga ito makapasok sa loob mabilis na siyang sumulpot sa harapan ng mga ito.

Tila nagulat naman ang dalawa sa pagsulpot niya.

"Sino ka!? "

Hindi na niya sinagot pa ang tanong nito bagkos mabilis niyang hinila ang babae mula rito.

"Gago ka! Wag kang makialam rito sino kaba? Kilala mo ba ito Veronica? "

Naramdaman niya ang panginginig ng babae kaya wala sa loob na kinulong niya ito sa mga bisig niya.

Shit.

"You right, kilala niya nga ako. "  Malamig niyang sabi lalong nag salubong ang mga kilay nito at napa ngisi.

"Wag mo akong pinag lololoko gago ka bitiwan mo ang girlfriend ko at umalis kana. "

Inangat niya ang mga kamay kasabay ng pagkawala ng malay ng babaeng hawak niya bago niya pinalingan ang lalaki tila hindi makapaniwala sa nakikitang itsura niya.

"W-what---"

Isang kisap mata lamang mabilis siyang nakalapit rito at malakas itong sinikmuraan.

Bago niya nilapitan ang babae na walang malay, noon lamang pumasok sa isipan niya kung ano ang ginawa niya.

Pero. Nang masilayan niya ang mukha ng babae, hindi niya mawari pero bigla na lamang kumabog ng malakas ang dibdib niya ng hindi niya maipaliwanag.

Fuck.

Rayven_26


RAFAEL  ( Demonic Series 3 ) COMPLETED  ✔Under EditingМесто, где живут истории. Откройте их для себя