piring

11 2 0
                                    

ang mga mata ay nakapiring-
habang mga kamay nati'y mahigpit na magkakapit.

dahan dahan;

sabay nating tinahak ang walang kasiguraduhang daan.

ang takot at pangamba ko'y hindi alintana,
dahil sa matigas mong hawak saakin na tila ayaw akong mawala.

ngunit sa paglipas ng araw-

maya't-maya ang iyong pag galaw;
tila hindi mapakali- tila nagugulumihan.

dahan-dahan mong niluluwagan;
ang dating mahigpit na hawak-
umabot na sa puntong;
hindi ko na ito tuluyang naramdaman.

ako ay napatigil-
niyayapos ang malamig na simoy ng hangin.

hindi alam ang gagawin-
sa minsang mundong pinagsaluhan natin.

nakapiring na mga mata-
pinipilit takpan ang katotohanang;
ako'y tuluyang iniwan mo na.

---

unsent lettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon