Chapter 4

315 31 1
                                    

Kinabukasan, nang mag open ako ng Instagram nagulat ako sa biglang pagdami ng followers ko from 875 to 3,788 na. Ang dami rin ng mga DM ko sa IG, gayun din sa Facebook. Agad naman nagmamadali si Ella na ibalita sa akin ang nasagap niyang tsimis sa social media.

"Jasmine, nag post si Adrian sa Instagram niya. Handwritten, tapos according doon sa translation inamin niya na in a relationship, may girlfriend na siya na isang non-showbiz. Tapos ayon may pinost din siya sa Instagram story niya na picture. As far as I remember picture niyo yata 'yun noong mag date kayo. Although hindi kita ang mukha mo pero 'yung damit tanda ko 'yon." Pagki-kwento ni Ella.

"Bigla dumami ang followers ko sa IG at madami rin nag me-message sa akin, a-alam na ba nila na ako yung girlfriend ni Adrian?" Nagtatakang tanong ko.

"Ewan ko, patingin nga," sagot ni Ella saka kinuha ang Cellphone ko.

——Facebook Post——

"Si ate girl na Jasmine (@iamjasmine) ang pangalan may pinost siya sa IG niya na picture niya na nasa MOA siya, on the same date and time nag post din si Adrian na nasa MOA siya."

"Hindi kaya si @iamjasmine ang sinasabing non-showbiz girlfriend ni Adrian?"

——Instagram Message——

"Ikaw ba ang girlfriend ni Adrian?"

"Hoy babae, hindi kayo bagay ni Adrian."

"Hey bitch!"

"Adrian is mine, 'wag mo siyang inaagaw sa akin."

——

"Kaloka naman 'to, maka-angkin sa idol nila---este namin pala sobra." Gigil na gigil na reaction ni Ella.

"Oh, bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong ni Ella ng mapansin tumutulo na ang luha sa mga mata ko.

"Kasalanan ko 'to eh, paano kung masira ang career ni Adrian dahil sa akin? Tignan mo nga, ang dami ng nagagalit na fans niya. Paano kung pati si Adrian madamay." Naiiyak na pagkasabi ko.

"Gaga, hayaan mo nga sila. Naiingit lang 'yang mga 'yan. Kasi sila fan lang ikaw his girl." nakangiting pagkakasabi ni Ella.

Maya-maya pa ay, nag message si Adrian sa Instagram ko.

"I'm sorry kung masyado akong naging mabilis, sorry sa masasakit na salita na binabato sa'yo ng iba kong fans. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita." — @adrian__lee

"Aysuuus ang sweet naman pala." Biro ni Ella habang nakikibasa sa message ni Adrian.

"What should I do now? Nagagalit sila sa akin ngayon. Nag aalala lang naman ako kasi baka pati career mo masira dahil sa akin." —@iamjasmine

"Wala naman akong pakialam kung mawalan ako ng fans, kasi and'yan ka naman. Ikaw na ang priority ko ngayon." — @adrian__lee

"Ayieee sana all." Kinikilig na pagkasabi ni Ella.

"H'wag mo intindihin yung mga tao sa social media na nagagalit sa'yo, ang isipin mo lang lagi mahal kita." — @adrian__lee

"Salamat. Mahal na mahal din kita." — @iamjasmine.

Dahil sa kabilaan na nagme-message sa akin sa Twitter, Instagram at Facebook. Mas minabuti ko na mag deactivate muna para 'di ko na rin mabasawa ang mga negative post nila tungkol sa relationship namin ni Adrian. Through phone calls nalang kami nagkakausap ni Adrian, lagi pa rin niya sinasabi na 'wag ko intindihin ang mga nangbabash sa akin, at sinunod ko naman siya.

——

Almost a week na rin ako 'di lumalabas ng bahay, pero no choice yata ako kasi wala na kaming stock na groceries sa fridge gayundin sa cabinet. Wala si Ella that time, kaya ako talaga ang lalabas para pumunta sa groceries.

Pagbaba ko ng tricycle isang grupo ng kababaihan ang masamang nakatingin sa akin. Kung titignan ay 'di hamak na mas matanda ako sa kanila ng 5-7years. Pinagmamasdan nila ang bawat lakad ko, hanggang sa akmang babatuhin ang ng itlog ng may biglang yumakap na lalake sa akin. Tinakpan niya ang ulo ko para 'di ako matamaan nang binatong itlog at kamatis. Ilang sandali pa ay may mga dumating na barangay tanod kaya nagtakbuhan ang mga salarin.

"A-Adrian?" Nauutal na pagkasabi ko na bumitaw na sa pagkakayakap sa akin si Adrian. Puro shell ng itlog ang damit niya gayun din ang buhok niya.

"Mam/Sir ayos lang ho ba kayo?" Tanong ng tanod.

"Oo kuya," sagot ni Adrian habang nakatitig sa akin.

"Iyan ba yung ok? Tignan mo nga yang sarili mo-----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil niyakap ako ulit ni Adrian.

"Makita ko lang na ok 'yung mahal ko, ok na rin ako." Bulong niya sa tenga ko.

——

Hindi na muna ako nag groceries, sinama ko si Adrian sa bahay para makaligo siya at makapag palit siya ng damit. Wala pa si Ella, kaming dalawa lang kaya medyo naiilang ako lalo nang lumabas siya ng CR naka tuwalya lang.

"Susmaryosep". Agad na reaksiyon ko nang makita ang abs ni Adrian agad akong napatakip ng mata ko.

"Oh, bakit naka ganyan ka?" Nang aasar na tanong ni Adrian.

"P'wede ba magbihis ka muna." Kunwareng naiinis kong pagkasabi.


"Bakit? Ayaw mo ba makita 'tong abs ko?" sagot ni Adrian

"Basta magbihis ka muna. Baka biglang dumating si Ella, makita ka niya nakaganyan." Utos ko kay Adrian habang nananatiling nakatakip ang mata ko.

"Sige na ito na magbibibis na." Natatawang pagkasabi ni Adrian, saka siya bumalik sa CR para magbihis.


Ilang sandali pa ay dumating na si Ella.

"Oh, ang bilis mo. Nakapag grocery kana?" tanong ni Ella na nakararating lang.

"Hindi pa," sagot ko.

"Bakit? Oh, teka kanino 'tong mga damit?" tanong niya.

"Kay Adrian," sagot ko.

"Adrian? Nandito sa bahay si Adrian?" Gulat na gulat na reaction ni Ella.

"Oo, nasa CR siya naliligo. Kanina kasi habang papunta ako sa Grocery bigla may nangbato sa akin ng itlog pero biglang dumating si Adrian hinarang niya yung sarili niya kaya siya 'yung nabato. Kaya ayan, puro basag na itlog yung damit niya pati buhok niya." Paliwanag ko.

"Ayieee real life superhero lang ang peg." Kinikilig na pagkasabi ni Ella.

"Akin na, ako nalang mag go-grocery. Maiwan nalang kayo rito ni Adrian Oppa." Nakangiting pagkakasabi ni Ella.

Ilang saglit pa ay lumabas na sa CR si Adrian.

"Oppa!" Kinikilig na bati ni Ella.

"Hi, Ella. Long time no see." Bati naman ni Adrian, ngumiti lang sa akanya si Ella.

"Oh, maiwan ko muna kayo rito ah. Mag go-grocery lang ako." Nakangiting pagkakasabi ni Ella, saka umalis rin agad.

——

"Salamat sa pagtatanggol mo sa akin kanina. Kung hindi ka dumating, hindi lang siguro itlog at kamatis ang inabot ko. Dapat ko ba sisihin ang sarili ko na nagka boyfriend ako na isang sikat na K-Pop Idol, hindi lang isang babae ang kaagaw ko sayo. Milyon-milyon." Salaysalay ko, agad naman hinawakan ni Adrian ang kamay ko.

"You shouldn't blame yourself, kasi kahit milyon-milyon pa sila, ikaw pa rin ang gusto ko makasama habang buhay. At kahit anong mangyari po-protektahan kita kahit career ko pa ang maging kapalit." Nakangiting pagkakasabi ni Adrian.

I'M HIS FANGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon