Prologue

133 10 5
                                    

It all started with a smile. A deadly one.

"You don't look fine Sir." Nag-aalalang sabi ng isa sa mga crew dito sa yacht dun sa ama ng bride to be na si Mr. Gibbons. He's about in his late 60s. Busy naman ako sa pagkuha ng mga litraro sa paligid at sa mga bisita.

Ngumiti yung matanda. I admit, his smile is quite disturbing.

"There, do I look fine now?. Tsk." Sabi ni Mr. Gibbons at pumasok na para kausapin yung bride to be at ang fiance nito.

Ang daming bisita. Lumalayag na ang yacht at hindi ko na alam kung san na ba to. It's literally 11:56am. Sobrang init pa sa labas.

Tuloy parin ako sa pagkuha ng litrato sa loob nang makita ko ang babaeng mag-isang nakaupo sa isa sa mga tables sa dining area. Mukhang wala siya sa mood, but I took a picture of her anyway. Kaya lang, napansin pala niya.

"Excuse me, did you just took a picture of me?." Iritang sabi nito sabay lapit sakin.

"Wh--yes."

"Delete it." She commanded.

"What? Why?. Maganda ka naman dito oh."

"Because it's invasion of privacy and personal space. So, delete it. Or else idedemanda kita."

"You can't do that." I smirked.

"Come on, it's just a picture."

May dinukot siya sa bulsa niya at binigay sakin. It's a card.

Atty. Jemaimah Caldejon.

Sht.

She crossed her arms looking at me, she's getting impatient.

"Fine. Oh ayan. Deleted." Sabi ko.

"Wag mo na ulit gagawin yun. I'm warning you." Medyo nakakatakot nga siya.

"Yeah yeah, whatever." Lakad ko palayo. Nakasalubong ko si Alice. She's an event organizer, sya ang nag offer sakin ng trabahong to. We're from the same department.

"Andito ka lang pala. Kanina pa silang naghihintay sayo sa taas. Bilis." Sabi niya sakin. Kaya nagmadali nakong umakyat sa open deck.

"Goodness you're here tsk. San ka ba galing ha?. Anyway, sige na. Do your job." Reklamo ng bride (to be).

Kaya ayun, pinicturan ko na sila. Ang bride, groom, ang papa ng bride and parents ng groom. Kaya lang sa pangatlong shot, bigla nalang nag collapse si Mr. Gibbons.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DEFINE WEATHER (PIKABABE)Where stories live. Discover now