Prologue

38 4 0
                                    




***

"TATAYO ka nalang ba diyan? Hindi ka sasakay?" nagulat ako sa biglang tanong ng babaeng hindi ko kilala na nasa harapan ko ngayon hindi kalayuan sa akin.

Napatingin ako sa gilid ko kung may katabi ba ako baka sakaling hindi ako ang tinanong niya.

Ngunit wala akong katabi at nag-iisa lang ako sa aking kinatatayuan. Napatingin ulit ako sa kanya at tinuro ang sarili ko kung ako ba ang tinanong niya.

"Oo ikaw"

Napatass ang kanang kilay ko,"Bakit?"

Bahagya siyang nagulat sa tanong ko pagkatapos biglang napalitan ng napakalaking ngiti.

"Nandiyan na yung bus, sis. Hindi ka pa ba sasakay? Mukhang pareho pa naman tayo ng School" napatingin ako sa kanyang uniform.

Napagtanto kung pareho kami ng uniform kaya siguradong pareho kami ng paaralang papasukan.

Tiningnan ko ulit siya ng matalim na tingin ng maalala ang kanyang sinabi.

"Anong sis? Mukha ba akong bakla?"

"Asus, in denial. Okay lang yan, maglaladlad ka din. May kilala akong ganyan kaya huwag ako. Masiyado akong expert diyan" anong bang pinagsasabi nito?

Kung makapagsalita parang kilala niya ako e, ngayon ko nga lang siya nakilala.

"Hindi pa ba kayo sasakay? Aalis na yung bus" biglang tawag nung driver ng bus sa aming dalawa.

"Ay wait, teka lang kuya" nagmamadali namang umakyat yung babae, hindi pa siya nakapasok ng tuluyan ay huminto ito at humarap sa akin. "Hindi ka ba talaga sasakay?"

"May sasakyan ako" walang ganang sabi ko.

"Ay rich kid si bakla"

"Sabi ng hindi ako bakla—

"Byeee" nakakaway pa niyang sabi habang pasara yung pinto ng bus.

Crazy!

Sino ba yun? Kung makaasta kala mo close kami. E, hindi ko nga siya kilala, napaka feeling close naman nun.

Inis akong umupo sa waiting shed at naghintay ulit sa sasakyan namin. Nasiraan kasi kami kaya dito muna ako nag intay.

Ayoko kasing sumakay ng bus dahil hindi ako sanay. Parang kumakalam yung sikmura ko kapag nakaupo na ako sa bus.

Bata palang ako, hindi ko na talaga gusto ang amoy ng bus dahil sumusuka ako. Kaya kotse na talaga ako sumasakay simula elementary palang.

Hate ko talaga ang maghintay pero naiintindahan ko naman dahil ngayon lang nagamit ang sasakyan. Kasi ngayon lang ulit bumalik ang klase.

Okay pa naman yung mood ko kanina kahit naiinip na ako sa kahihintay sa sasakyan. Pero nawala ang maganda kung mood ng dahil sa babaeng iyon.

Tinawag pa akong bakla at sis. Ang lakas ng apog nun ah. Close ba kami?

"Sir, okay na po yung sasakyan" sabi ng driver namin ng huminto ang sasakyan sa tapat ng waiting shed makalipas ang ilang minuto kakahintay.

Walang alinlangang pumasok agad ako sa likod at isinilampak ang airpod sa tenga ko.

NATATAWA akong bumaba ng bus ng makarating sa tapat ng Seoul Academy.

Nakangiti parin akong naglalakad papasok ng academy dahil hindi maalis sa isipan ko ang itsura nung lalaki kanina sa waiting shed.

Alam kung naiinis na siya kanina pero ininis ko pa siya lalo, hindi ko alam pero natutuwa ako kapag makita siyang naiinis.

Hindi naman talaga siya mukhang bakla, gusto ko lang siyang tawaging ganun dahil first time kung makakita ng lalaking mataray.

Akalain mo, tinanong ko lang kanina tapos tinaasan agad akong ng kilay. Tinawag ko lang naman siya dahil nakatulala lang siya.

Baka kasi hindi niya lang namalayan na may bus na pala. Yun pala may hinihintay na sasakyan. Hmm, rich kid ata yun.

"Anong nginingiti–ngiti mo diyan?" salubong agad ng pinsan ko slash kaibigan ko ng makapasok sa room ko.

"Wala, may naisip lang"

"Care to share?"

"Akin nalang yun" sabay upo ko sa upuan malapit sa bintana.

"Ang damot naman nito. May boyfriend na siguro ito"

"Anong boyfriend? E, kita mo nga na magkasama tayo buong bakasyon"

"E, ano nga yun?" pangungulit niya pa.

"Wala nga, kulit naman nito" hindi naman siya nangulit pa pagkatapos nun. Umupo nalang siya sa upuan niya at hindi ako pinansin na parang nagtatampo.

Kaya kinuha ko nalang yung phone ko para may pagkakaabalahan. Masiyado akong maaga para sa firstday of school. Ayoko ring magkaroon agad ng late.

Pumunta nalang ako sa Instagram ko at nanood ng video clips. Pero bigla naman akong kinalabit ng katabi ko,

"Ano?" tanong ko habang nakatingin parin sa phone ko.

"May gwapo" parang kinikilig niyang sabi.

"Oh, tapos?" walang gana kong tanong na nasa phone parin ang tingin.

"Tingnan mo muna" ilang minuto bago natapos ang pangatlong clip na pinanood ko tyaka lang tiningnan ang gwapong sinasabi niya.

"Saan?"

"Ayun oh" sabay turo niya sa kabilang upuan na halos puro lalaki ang naroon.

Pinikit ko pa ang kanang mata ko para
matukoy ng maayos ang tinuturo niya. Nang mapagtanto kung sino ang itinuro niya ay bahagya akong napangiti.

"Anong ngiti yan, bes?" hindi ko pinansin ang pinsan ko dahil nakatuon parin sa lalaking itinuro niya ang tingin ko.

Mas ngumiti ako lalo ng mapalingon siya sa gawi namin. As usual, kung anong ginawa niya kanina nung una kaming nagkita ay siyang ginawa niya ngayon.

Tinaasan na naman ako ng kilay ni bakla. Kaya walang hiya ko siyang kinawayan na parang close talaga kami. Nag iwas naman siya ng tingin dahilan para matawa ako.

"Kilala mo?" naguluhang tanong ng pinsan ko kaya ngitian ko lang siya.

Magkaklase pala kami? Hm, mukhang may iinisin na naman ako ngayong taon.

To be continued . . .

BTS Series 1: Kim SeokjinWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu