Second Stop

31 1 0
                                    

Kaye's POV

One week kaming excuse ng aking kaibigan ngayon na si Mari. Staff kasi kami ng school paper namin at ngayon hinahadali nila kami sa pagtapos neto. Editor kami parehas at writer sa highschool department,isama mo pa dahil nga hadali kami,inutusan kaming tulungan yung mga sa elementary department school paper staff ako nila Papa.Madalas puyat ako kakareview dahil palapit na yung entrance exam ko. Marami din akong natatanggap na working stuff kay Papa. Oyes tama kayo bata pa lang ako mulat na ko sa kung ano anong bagay particularly sa mga construction topics. Kaya nga etong ama ko gusto na magArchi or Engineering course ako para mapagpatuloy ko ung business firm namin.After ngilang minuto dumating yung mga batang inaantay ko. 12 sila all in all,dalawang babae at ung natira puro halos mga batang lalaki and I can sy ang gaganda at gwagwapo nila. Bata pa lang kita mo na,na may itsura sila.

"Good morning po Ate. Aika po,editor in chief ng elementary department:"woah! ang cute naman netong batang to,parang doll.Lahat sila nagpakilala sakin

"teka Ate,di ba kasama mo para tumulong samin si Kuya Mari?yun kasi sabe samin ni Sir kanina.Di ba niya tayo tutulungan?"pagtatanong ni Marco,grabe kahit kanina ko pa sila nakakausap,masasabi kong nakakastarstruck ng very very light parin tong si Marco,ang bata bata pero ang gwapo talaga niya

"hoi bata! bakit mo ko hinahanap? crush mo ko noh? bakla ka noh?"sabe naman ni Mari.Pucha pati bata inaasar, Pulang pula naman si Marco halatang galit napikon siya. Pero tingin ko naman eh hindi bakla tong batang to, Tumahimik na lang si Marco

"tumigil ka nga Mari. Ang bully mo"saway kokay Mari at nilapitan ko si Marco mukha kasing paiyak na siya.Niyakap ko ito at inaloalo.Umiyak lalo yung bata, Hala! anong ginawa ko?

"hala! Bakla talaga yan Kaye. Kita mo umiyak pa lalo.Naku Kaye! Lagot ka! pinaiyak mo!"bwisit to! Nataranta naman ako at akmang kakalas sa yakap ng higpitan ni Marco yung yakap niya sakin

"Wag Ate,yakapin mo lang ako.please?"tas nagpuppy eyes.aww.cute!

"Hoi bata ka! Aba sobra kana ha?Wag kang yayakap kay Kaye ulit. Tama na!"awat ni Mari

"magtrabaho na tayo.Hoi bata ka! Di ka na bakla kaya tumahan ka na dyan sa yakap yakap na yan. Cge na manyak ka na lang. Di kana bakla!"dagdag pa ng mokong na to kaya lalo kong sinamaan siya ng tingin

Kumalas si Marco sa pagkakayakap sakin sabay belat kay Mari.Diyoskopo,patience,patience.

Nagumpisa na kaming magtrabaho.Busy kami lahat hanggang lunch time kaya napagdesisyunan naming magpadeliver na lang at sabay sabay kumain

"Ate love,eto oh fries kuha ka"sabi ni Marco

"Ate love?!"singhal naman nitong si Mari. O ayan na naman sila.

"ai Baby,Ate Kaye yung name ko hindi Ate Love"pagtatama ko sa bata

"baby?!"singhal naman sakin ni Mari

"Alam ko po Ate Love kasoeh love po kita sobra.Ang ganda at ang bait niyo po kasi tas antalino pa. Bagay kayo sa gwapong tulad ko"pagmamalaki naman ni Marco. Ai,grabe naman flattered ako. Super honest hahaha! pagbigyan na! Touch ako eh

"Hoi bata ka! Kanina ka pa ha?! Naaasar na ko. Hindi kayo pede ni Ate Kaye mo ang tanda niya kaya sayo. Ako na nagsasabe di kayo bagay!"

Mari's POV

"Hoi bata ka! Kanina ka pa ha?! Naaasar na ko. Hindi kayo pede ni Ate Kaye mo ang tanda niya kaya sayo. Ako na nagsasabe di kayo bagay!"sabe ko. Tong batang to agang lumalandi tas eto namang si Kaye sobrang naflaflatter. Kanina pa ko naaasar dito

When the bus stopsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon