Taliwas na Dila

539 6 3
                                    

Kinuha ang papel, bolpen o lapis

Nag-umpisang sumulat gamit ang wikang banyaga

Ako ma'y isang Pinoy na tubong Pilipinas

Di mapagkakailang mas matatas ang dila sa wikang banyaga.


Madalas mang purihin dahil sa tatas ng dila

Sa pagsasalita gamit ang wikang banyaga

Kailan ma'y di ito naging kanais-nais sa aking pandinig

Bagkus ito'y isang napakasakit na insulto.


Tinanong ako ng isang dakilang makata

Kung paano ko daw ginamit ang tinta

P'wes ginamit ko ang papel at pluma

Sa isang pagtataksil.


Isang pagtataksil sa lupang sinilangan

Isang pagtataksil sa sariling bayan

Pagtataksil sa wikang Filipino

At  sa lahat ng makatang Pilipino.


Oo nga't napakagaling sa wikang Ingles

Ngunit magaling din ba sa wikang sariling atin?

Isa lamang akong kahihiyan sa bansang Pilipinas

Wala nang ihihigit o ikukulang pa.


Ngunit gaano pa man ako magsisi

Ay tapos na ang lahat ng nangyari

Di na muling maibabalik pa

Ang oras upang itama ang mali.


Kaya naman isinulat ko ang tulang ito

Upang humingi ng inyong tawad

Ngunit hindi rin ibig sabihin nito

Ay titigil na ako sa pagsusulat sa wikang banyaga.


Ako ma'y hiyang-hiya

Bagkus di ko man sinasadya

Ay sadyang di lamang talaga

Ako isang makata.

Mga Tula ng Isang TaksilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon