Chapter 14

3.8K 162 15
                                    


Agad kong dinaluhan si Yuri habang si Calix ay hinawakan si Lux para pigilan ito.

Ano bang nangyare at pinagsusuntok ni Lux si Yuri? Tangina kawawa naman itong si Yuri. Kahit naman na naiinis ako sakaniya dahil sa pagpunta niya dito ay may awa naman ako.

Hinawakan ko ang mukha ni Yuri at tiningnan ito. May mga pasa na siya at nagdurugo na ang kaniyang labi dahil siguro sa lakas ng pagsuntok ni Lux. Tangina naiinis din ako kay Lux ngayon, ano bang ginawa ni Yuri para ganituhin siya? Sobra yung galit niya eh dahil sa mga sugat at pasa ni Yuri.

Inalalayan ko si Yuri kahit na mabigat siya. Habang ang mga kaibigan ko ay nilapitan si Lux. Tanging ako lng at si Vico ang nag aalala kay Yuri. Tangina porket hindi nila kilala itong si Yuri ay hindi na nila tutulungan!

Bago kami umalis ay tiningnan ko si Lux ng masama habang siya ay ganoon din saakin. Inirapan kona lng at nagpatuloy sa paglalakad para magamot si Yuri.

Pagkapasok namin ay pinaupo ko muna si Yuri sa sofa at kinuha sa kwarto ang binigay ni Lux saakin na panggamot dapat sa aking sugat. Wala na akong pake kung galing iyon kay Lux, naiinis ako kaya ito ang gagamitin ko sa panggagamot sa sugat ni Yuri. Bahala na kung makita niya!

Pagkababa ko ay naroon narin ang mga kaibigan ko at si Lux. Nagkatinginan kaming dalawa nung papalapit na ako kay Yuri, may mga pasa din siya pero hindi naman iyon gaanong kalala tulad nung ginawa niya kay Yuri. Lalagyan kona sana ng band aid si Yuri ng mapansin ang design ng band aid.

Bigla akong natigilan ng makitang Spongebob ang design ng band aid. Meron palang ganitong band aid?

"Kuya, umuwi na tayo sa bahay! You ruined the moment, I thought you wanted to see Sabby pero anong ginawa mo." sermon ni Demi sakaniyang kapatid.

Tiningnan lng siya nito at bumuntong hininga.

"Ok fine! Kasalanan kona! Damn it! You didn't even know what really happened, hindi ako gagawa ng kabalastugan kung hindi niya ako ginalit!" galit na sabi ni Lux sabay walk out.

Bigla naman akong naguilty sa sinabi niya. Yeah, I know him. Hindi siya gagawa ng ganung eksena kung wala siyang valid reason.

Ibinigay ko ang mga gamit kay Vico at tumakbo para sundan si Lux. Shit what am I doing? Baka ay itaboy niya lng ako dahil sa paghusga ko sakaniya. He was mad and I want to know the reason kung bakit niya iyon ginawa kay Yuri.

After running to find him ay nakita ko siyang nakaupo sa park na malapit lng sa bahay.

Huminga muna ako ng malalim bago naglakas loob na lapitan siya. He was shock to see me pero kalaunan ay naging cold ang kaniyang tingin saakin. Fudge!

"Why are you here? Dapat ay ginagamot mo na siya diba. Why did you chase me if ako naman ang may kasalanan." he seriously said while looking at me.

Ako na ang umiwas ng tingin dahil hindi ko alam ang sasabihin sakaniya.

"I want to know the reason..." bigla kong nasabi at parang gusto kona lng tumakbo papalayo sakaniya.

"I already told you that it was my fault. Don't waste your time and go back there." seryoso niyang sabi at umalis na. Habang ako ay naiwan na lamang na tulala doon.

He's mad at me again. Ang rami ko ng kasalanan sakaniya tangina.

Nanatili pa ako ng ilang minuto sa park at nabigla ako dahil biglang bumuhos ang ulan.

Hindi koman lng napansin na uulan pala ngayon pero kanina ay maaraw naman. Bakit bigla na lng umulan? Hindi na ako nag abala pang tumakbo papunta sa bahay, basang basa na ako pero heto ako at nanatili parin na nakatayo sa pwesto na pinag iwanan saakin ni Lux.

Still In love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon