Prologue

356 9 2
                                    



“One iced caramel macchiato, please? Make it grande.”

Holding the cup of coffee with my right hand and the bag on the other, I scanned the place and looked for a vacant seat. I pulled the wooden chair out, dropped my bag, and sat down next to it. Isa-isa kong nilabas ang mga libro at study materials ko sa mesa. It was already ten in the evening and I really need a cup of coffee to fuel my mind.

Tumunog ang cellphone kong nakapatong sa mesa.

Adam calling…

I took a sip of my coffee before responding. Napapikit pa ako dahil sa pagguhit ng pinaghalong lamig, tamis, at pait ng inumin ko. “Hello?”

“AAFBGVHFBJN…”

“What?” Kumunot ang noo ko. Nilayo ko ang telepono sa tenga ko dahil sa ingay mula sa kabilang linya. “Hello?”

“Merin, asdbjdsbvsdnvk…” Pangalan ko lang ang tanging naintindihan ko. Hindi ko na nakuha ang mga sumunod niyang sinabi.

Tumigil siya sa pagsasalita. Sinulyapan ko pa ang screen ng cellphone ko to see if he was still on the other line. The call was still ongoing and all I could hear was a loud party music. Did they went on a party?

“Hello, Adam? Hello? Where are you—” He ended the call. That jerk! Napaihip ako sa bangs ko dahil sa frustation. What trouble did they cause this time?

I opened my Instagram. Unang bumungad sa feed ko ang picture nilang tatlo one hour ago sa isang hotel kung saan ginanap ang birthday ng isa nilang kaklase. Naalala ko ang mga detalye dahil kinuwento nila ito sa akin noong nakaraang linggo.

I put my phone on do not disturb mode. Tinaob ko ito ko at nagpatuloy sa pag-aaral. I shouldn't care about them. May exam ako bukas at kailangan kong mag-aral. Period.

Napasubsob ako sa libro makalipas ang ilang minuto. Bawat segundo ay sumasagi sila sa isip ko. Hindi ako makapagfocus. Dang! Binalik ko sa normal mode ang cellphone ko at tinawagan sila isa-isa pero walang sumasagot. Mas lalo akong hindi mapakali.

I put everything back inside my bag and left the coffee shop in a flash. Ni hindi ko pa nakakalahati ang inumin ko. Pumara ako ng taxi and luckily nakasakay rin naman ako agad.

“I’m just gonna pick my friends up,” I told the security. Matapos ang ilang sandaling pakikipag-usap ay pinayagan niya rin akong pumasok. The venue looks like a club yet elegant and everyone was wearing casual. Jeans, pink pastel blouse, at sneakers lang ang suot ko kaya medyo nakakailang. It was now a little messy inside since the party seemed to be almost over. Some were still dancing, drinking, and most of the seated were probably drunk.

“Hey, missy. Wanna dance?” Nilagpasan ko ang isang bisitang pasuray-suray sa gitna habang hawak ang isang glass ng alak. Halos hindi ko siya marinig dahil sa malakas na pagtugtog ng isang live band sa stage.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Sa isang sulok ko nasilayan ang pamilyar na mga pigura—Adam, Gavin, and Harry. Adam was leaning on the chair, with his messy brown hair falling on his closed eyes. Gavin was beside him standing, gripping the chair’s top rail to keep his balance. Si Harry naman ay nakasubsob sa mesa hawak pa ang isang baso ng vodka. These jerks are totally wasted!

Nahawakan ko si Gavin nang muntik na siyang matumba. “Ugh! Why did you guys drink more than you could handle?”

“Merin?”

I raised my brows. “Uh-huh?”

“Bakit ka nandito?” Kumapit siya sa balikat ko at muling sinubukang tumayo nang diretso. Sa tatlong ito, mukhang si Gavin lang ang nasa katinuan pa.

“Let's go home,” I replied, ignoring his question.

“I’m fine. I can walk.” Bagama’t amoy-alak, nasa hitsura pa naman ni Gavin na kahit mag-isa ay makakauwi siya. Lasing pero matino pa siya.

“Adam, Harry, wake up. Umuwi na tayo.” Tinapik-tapik ko ang kanilang pisnging nakakapaso sa init.

Biglang tumayo si Adam dahil sa gulat, subalit hindi pa rin matuwid. “Okay lang ako. Okay lang ako.” He was really drunk. He keeps on insisting he was okay but obviously, he’s not.

I put his arm on my shoulder and drag him outside. Si Gavin naman ay nakakapit sa kabila kong balikat habang inaalalayan niya si Harry. In short, I was dragging the three of them! Sa elevator palang ay hirap na hirap na ako dahil ang bigat nilang tatlo. Humanda talaga sila sa akin bukas.

The four of us were childhood friends. We all live in the same neighborhood, played when we were little, attends the same school together, and such. Even though we’re adults now, we are still inseparable. And being the only girl, pakiramdam ko’y responsibilidad kong hindi sila maligaw ng landas. Kidding! Scratch that, that’s cringey.

“Where’s the car?” I asked Gavin when we reached the parking lot. Sinuyod ng paningin niya ang paligid at nang matagpuan ang maroon pickup ay tinuro niya ito.

Nang makarating kami sa kinaroroonan ng pickup truck ay nilahad ko ang kamay ko sa harap ni Gavin. “Keys?”

Naningkit ang mga mata niyang pumupungay dahil sa kalasingan, his eyeglasses almost slipping down his nose. “No way. You’re not driving.”

“Keys,” mariin kong ulit. Dahil sa matagal kong titig ay wala na rin siyang nagawa. Pinatong niya sa palad ko ang susing hinugot niya mula sa bulsa ng pantalon niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalangang ibigay sa akin iyon.

Binuksan ko ang pinto ng back seat at tinapon sina Adam at Harry roon. Umungol pa sila dahil parang damit na siniksik ko lang sila sa laundry machine. Kung pwede lang talaga silang tadyakan. Uunahan pa sana ako ni Gavin sa driverʼs seat pero hinarangan ko siya. “Hep!”

“Fine.” He throws his hands into the air and went to the front seat.

Nang makaupo ako ay humirit na naman siya.

“Merin, ako na. I promise I can drive.” Nilahad niya  ang palad niya upang hingin sa akin ang susi. Sa halip na ibigay ay ini-start ko na ang sasakyan. “You can drive, of course. But you are not allowed today. I’ll drive.”

“Sinong magda-drive?” tanong ni Harry sa likod na mukhang nahimasmasan.

“Present!” I excitedly raised my hand.

“What? No way!” protesta naman ni Adam.

Kumalampag sa likuran nang tangkaing lumabas ni Harry. “Teka, bababa ako!”

“Ako rin! Mahal ko pa buhay ko!” segunda ni Adam.

I immediately locked the doors and asked, “Hindi ba’t fan kayo ng fast and furious?”

“MERIN!” sabay-sabay nilang sigaw. Oh, I think they are sobering up now.

“It’s gonna be a little bumpy, boys! Leggo!” Kasunod ng pagkumpas ng aking daliri ay pinaharurot ko ang sasakyan.

“No! No! No! AAAHHH!”

Marunong naman ako magdrive. Hindi nga lang smooth. The last time I drove, hindi nakakain ng dinner ang tatlo sa sobrang pagkahilo. Tadtad rin sila ng salonpas dahil sa sakit ng katawan.




Please Be My FinaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon