VII

75 2 0
                                    


“Ba’t puro pagkain ang dala mo?” kunot-noong tanong ni Gavin. Kumpara sa akin ay mas marami siyang bitbit na mga gamit.

Sinukbit ko ang malaki kong backpack na majority ng laman ay pagkain. “Hindi naman sa akin lahat ng ito, ‘no.”

“Wala kang camping tent?” muli niyang tanong.

Taas-noo akong umiling. “My vice president will provide for the both of us.” Oha, mabuti nalang at may pagkukusa si Rafael. Hindi na tuloy ako namroblema sa camping tent.

Nagkibit-balikat lang siya at hindi na nagkomento. Nasa labas kami ng bahay nila habang hinihintay ang papa ni Gavin na pinapainit ang makina ng pickup truck. Papunta na kami sa school kung saan ang meeting place. Ihahatid niya kami kahit na malapit lang naman dahil marami kaming dala.

“Mukhang excited na excited ka, ah?” Napalingon ako kay Adam. Nakasandal siya sa may gate habang nakapamulsa. He was wearing a calm blue sweater and a red beanie. Ni hindi pa sumisikat ang araw pero gising na siya?

“Ang aga mo naman magising?” I yawned and hugged myself. Nakasuot na ako ng jacket pero ang ginaw pa rin.

He took a couple of steps forward. “Maaga rin ako aalis. May practice kami.” Pinatong niya ang palad niya sa ibabaw ng ulo ko. “Hindi ka ba nilalamig?”

“Oo nga pala.” I almost jumped when I remembered I wasn’t wearing a cap. Kaya pala parang ang sakit ng ulo ko.

Tinalikuran ko siya upang bumalik sa bahay pero hinawakan niya ako sa braso. Salubong ang kilay ko siyang pinagmasdan. Pero bago pa man ako makapagsalita ay nalagay na niya ang suot niyang beanie sa ulo ko. Hinila niya ang dulo nito hanggang sa bibig ko kaya’t buong mukha ko ang natakpan. Saglit akong natigilan dahil sa pamilyar na amoy na gustong-gusto ng ilong ko. Amoy mint. Sigurado akong amoy ng shampoo niya iyon.

“Ang ganda mo sa lagay na ‘yan,” aniya, tumatawa. Marahas kong inalis ang beanie at hinampas iyon sa mukha niya.

“Bwiset ka!” Pinaghahampas ko siya. Hindi ko na inisip kung saang parte man ng katawan niya tumama ang mga palad ko. Sangga at tawa lang ang ginawa niya.

“Tara na, Merin!” tawag ni Gavin mula sa sasakyan. Nakasakay na pala siya.

Inayos ko ang buhok ko at inirapan si Adam na nakangisi pa rin. “Saya ka?”

He chuckled and brushed the strands of my hair with his fingers. He then gently put the beanie on my head. “Ingat.” Inikot niya ako, hinawakan sa magkabilang balikat at mula sa likuran ay tinulak-tulak niya ako papunta sa sasakyan. He even opened the door for me and bowed like a knight. “Pasok po kayo, kamahalan.”

I raised my head as I hopped in. “Salamat, Facundo.”

“Facundo? Who the heck is Facundo?”

Sinarado ko ang pinto at hindi na siya sinagot. Kinawayan ko nalang siya. Sa likod ako nakaupo habang si Gavin naman ay nasa front seat. Nang makarating kami sa school ay halos nandoon na rin ang lahat. Umakyat kami sa bus at naupo sa designated seat namin. Nasa bandang harapan si Gavin katabi ang student council adviser na si Mr. Sevilla habang sa bandang gitna naman ang upuan namin ni Rafael.

Medyo foggy ang buong paligid. Bahagyang maliwanag na rin dahil nag-uumpisa nang sumikat ang araw. Napatingin ako sa wristwatch ko. Five-thirty ang alis namin pero five-forty na ay nandito pa kami. Isa pa, bakit wala pa si Rafael?

Nilabas ko ang cellphone ko at tinext siya. Limang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin siyang reply.

Nagsimulang umandar ang bus. Napatayo ako. “Wait lang po! Wala pa ang kasama ko!”

Please Be My FinaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon