My Prof is my Husband #16

23.7K 430 26
                                    

Carla POV

"Bakit ngayon kalang? Uwi pa ba yan ng matinong babae?"salubong ang kilay na tanong ni Dave. At alam ko na galit talaga siya.

"Hehe sorry. Hindi ko kasi napansin yung oras."sabi ko. Hanggang ngayon andito pa rin ako sa may pinto.

"Tapos ilang beses na kitang tinatawagan hindi mo man lang sagutin."

"Hindi ko kasi napansin. "

"Puro ka nalang hindi napansin."inis na sabi niya. "Bakit ba andyan ka pa? Lumapit ka nga dito."

"Ayaw"sabi ko habang hindi pa rin gumagalaw sa pwesto ko.

"Isa"binilangan niya pa ako -_-

"Dalawa."sabi ko naman. Bahala siya basta hindi ako lalapit.

"Sinasagad mo talaga ang pasensya ko Carla Torrres-Reyes."fine galit na nga siya. Binuo niya na ang pangalan ko :3

"Eiiii kasi galit ka."naiiyak kong sabi. Para na akong bata dito. Sorry kasi nakakatakot talaga siya :(

Napansin ko namang biglang nawala yung salubong niyang kilay.  Tapos lumapit siya sa akin sabay napabuntong hininga.

"Kasi naman ikaw pinag-alala mo akoAkala ko kung ano na ang nangyari sayo. Muntik na nga akong sumugod sa bahay nila Kris. Hinalungkat ko na nga yung mga record ko malaman lang address niya."natawa naman ako sa sinabi niya. Halatang nag-alala nga siya ng sobra. Hindi na rin siya galit.

"Tapos ngayon tatawa tawa ka pa."

"Sorry na Dave."sabi ko. At totoo yun na humihingi ako ng patawad . Kasi alam ko kung paano siya nag-alala.

"Fine. Basta wag mo ng uulitin yun. Mahal kita kaya mahalaga ka sa akinIkaw ang pinakamatalik kong kaibigan kaya ayaw ko na may mangyaring hindi maganda sa bestfriend ko."aray.  Ang sakit lang sa puso ng ipagduldulan niyang mahal niya ako bilang kaibigan . kaya nag paalam na akong aakyat sa kwarto ko para naman hindi niya mahalata na nasaktan ako sa sinabi niya.

------------------------------------------------------

Lunes ng umaga ngayon. Andito na ako sa room ko. Medyo maaga akong dumating kasi wala lang. Haha pagkarating ko kanina wala pa ang mga kaibigan ko. Kaya nag open ako ng notes ko sa Algebra. Baka kasi magbigay nanaman ng surprise quiz si Sir Dave.

My Prof is my Husband #Watty2015Where stories live. Discover now